Chapter 11

12 1 1
                                    

Sarah's POV

"Apo! Gising na! Tanghali na!" Ayan na ang alarm clock ko. Anong oras na ba? hays.. alas siete palang ng umaga. Antok na antok pa ako. Nakakapagod din kaya ang unang week ng klase.

"Maya maya na po nay. Masama pakiramdam ko."

"Naku may sakit ka ba?"

"Wala po. Gusto ko pa po kasing matulog. Maya maya babangon na po ako."

"Hay , o siya sige. Gigisingin nalang kita mamayang tanghalian."

---------

"Apo! Gising na. Tanghali na!" siguro naman tanghali na talaga. Haha.

Makabangon na nga lang. Lumabas an ako sa kwarto at pinuntahan si nanay sa kusina. Ang bango naman kasi ng ulam. Yum yum yum!

"Wow! Sinigang na baboy! Tara kain na tayo nay."

"Teka, hintayin na natin yung mga kapatid mo para sabay sabay na tayo."

"E asan po ba sila?"

"Pinabili ko lang ng juice."

"Antaray! May pa-juice juice ka pang nalalaman ngayon nay. Anong meron?"

"E nakakahiya naman kasi sa bisita mo kung hindi ko pakakainin ng masarap no. Syempre dapat may juice din."

"Huh? Ano po? Bisita ko?"

"Hello Sarah." doon ko lang napansin si Harry kasama ang mga kapatid ko.

"Uy Harry! Teka, bakit ka nga pala nandito?"

"E kasi nga diba birthday ngayon ng mama ni Russel? Sabi niya ako nalang daw ang magsundo sayo para hindi na ka mamrublema kung pano pumunta doon."

"Hala! oo nga pala. Naku muntik ko na makalimutan yun. Teka anong oras ba pupunta don?"

"Mamaya pa namang 4pm"

"O mamaya pa pala e. Bakit ang aga mo dito?"

"E magpapatulong ako sa mga assignments e. Okay lang ba? Balak ko din kasing magpaturo sayo ng advanced lessons para hindi na ako mahirapan pag naglelesson na talaga. Yun ay kung okay lang sayo."

"Ay okay naman sakin. Saktong sakto kasi lagi akong nagaadvance reading."

"So payag ka na?"

"Oo naman." ngiti ko sa kanya.

"Pero okay lang din ba kung parang suswelduhan kita sa pagtuturo mo sakin? I mean wag ka sanang maooffend ha, pero kasi para makatulong na din sayo kung may kailangan kang pagkagastusan."

"Naku salamat Harry. Kailangan ko nga talaga ng raket ngayon e. Hehe"

"So settled na ha? Mamaya start na tayo?" nakangiti niyang sabi.

"Sure."

"O kumain na muna kayo bago kayo magaral." sabi naman ni nanay. Tamang tama gutom na din ako.

--------------

Hindi na namin namalayan ni Harry ang oras. Madali naman kasi siyang turuan kaya naparami din yung lessons na napagaralan namin ngayon. 3pm na pala! dapat maghanda na ako para pumunta kina Russel.

"Besssssssssst! ready ka na ba? Hi nanay!" alam niyo na kung sino to. haha. Ang maingay kong bestfriend.

"Teka best, magaayos lang ako saglit."

"Uy Harry! andito ka pala. Susunduin mo kami ni best?"

"Oo. Para sabay sabay na. Alam ko naman kung saan e."

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon