Chapter 3

36 2 0
                                    

Russel's POV

Siya. Siya na bukod tanging hindi lumapit sakin habang nagkakagulo ang lahat ng kababaihang nakapalibot sakin. Siya. Nakatungo lang siya na para bang walang pakialam kunbg ano ang nangyayari sa paligid. Is this some kind of playing? Gusto ba niya na lapitan ko siya kasi kunwari hindi niya ako nakikita? Siguro yun nga ang gusto niya. Sige pagbigyan ko na.

Sa sobrang dami ng nakapalibot sa akin, hindi ako makalapit sa kanya. Pero gustong gusto ko siyang lapitan. Para pagbigyan ang larong gusto niya. Imposibleng hindi niya ako napapansin. Sa gwapo kong to!

Yung babaeng si Roxane, lumapit ulit siya sakin.

"Sa akin ka nalang tumabi, mukhang wala ka naman atang kakilala dito." Nako ayoko. Gusto kong makatabi ang babaeng yon.

"Ahh. No. Thanks, May nahanap na din naman na akong upuan e. At saka ayoko kasi sa unahan nakaupo." ngiting sabi ko sa kanya.

"Ganun ba?" nagpout ang lips niya. Talagang nagpapacute.

"Oo e. Salamat na din. Pasensya na" ngumiti na lang ako ng pagkatamis tamis.

Iyon na. Lumapit na ako papunta sa kanya. Nang paupo na ako sa tabi niya. Biglang nagsalita yung Roxane.

"Diyan ka uupo?" parang gulat pa siya nung dito ako pumunta. Huh? anong meron?

"Dito ka na lang. Gusto mong tumabi sa outcast?" Outcast? yung kanina ko pa tinitingnan? Ahh.. so parang naiintindihan ko na.

"Yup. Gusto ko kasi sa likod. E since may bakante dito, dito nalang ako uupo. At saka maganda nga yon diba? Katabi ko yung outcast. Edi masaya, hindi niya ako kakausapin" ngiting sabi ko nalang. Pero sa loob loob ko, siya lang naman talaga ang gusto kong makausap simula pa kanina nung makita ko siya. There's something in her na parang interesadong interesado akong malaman.

"Ahh. Okay" ngiting sabi ni Roxane.

Nakakpagtaka. Bakit kaya outcast ang tawag nila sa babaeng to? Hindi ba talaga siya nagsasalita? Hindi ba maganda ang ugali niya kaya outcast siya? O sobra ba siyang mahina? Anong meron sa babaeng to?

Nakaupo na ako ng maya maya'y lumapit yung isang babae na sa tabi ng outcast na to. Isa din siya dun sa mga babaeng lumapit sakin kanina.

"Hi Russel! Ako nga pala si Janet." friendly niyang sabi sakin.

"Hi Janet! It's nice to meet you" sabi ko sabay ngiti.

"At ito naman ang bes ko, si Sarah." sabi niya sakin. Napatingin naman ako sa nakayukong babae. Napansin yon ni Janet kaya niyugyog niya si Sarah. "Huy Sarah! Sarah! Huy!"

"Ano ba yun Janet? kainis ka naman o! napapanaginipan ko na si Tetsuya Kuroko bigla ka namang nanggising diyan!" inis na sabi nito. Huh? nakatulog siya kahit ang daming maingay kanina? Ibig sabihin talaga palang hindi niya ako napansin.

"Grabe ka girl! Nakatulog ka pa sa ingay namin kanina? Ikaw na! Ikaw na talaga!" natatawang sabi ni Janet.

"E teka, ano ba kasing meron? Bakit nga ba ang ingay niyo?" takang tanong niya. Nakatalikod pa siya sakin dahil nakaharap siya kay Janet. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya.

"Ayan o! Tumingin ka nga sa katabi mo!"

Sabay ng pagsabi ni Janet ang paglingon sakin ni Sarah. Mga matang nangungusap, matangos na ilong, at mapupulang labi. Oh grabe! yung lips niya. Parang... Parang ang sarap halikan.

Nahimasmasan na lang ako ng biglang umubo ng kunwari si Janet.

"Uhm.. Hi! Ako si Russel" ngiting bati ko sa kanya.

Parang nagaalangan siyang sagutin ako habang nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"Uh.. Hello. Ako naman si Sarah."

"Sarah. Nice name. Bagay sayo ang pangalan mo." compliment ko sa kanya. Argh! ano ba yan Russel! masyado ka namang mabilis. Tsk tsk.

"Thanks." tipid niyang sagot sabay ngiti.

Ang ngiti niyang yon.. Bakit ganon? para akong natutunaw....

Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin sa english. First subject namin ngayon. Adviser din namin. Nagpakilala kami isa isa. Hindi ko naman maintindihan lahat ng sinasabi nila. hanggang sa si Sarah na ang tumayo at nagpakilala.

"The outcast" sabi ni Roxane at nagtawanan ang lahat bukod sakin, kay Janet at sa isang lalaking halatang nagalala sa kanya. Siya ata yung Harry ba yon? Kaibigan niya din siguro.

"Good moring. I am Sarah Ramos. 15 years old." yun lang ang sinabi niya? grabe naman sa tipid ang babaeng to. Bigla akong nagtaas ng kamay.

"Yes Mr..??" sabi ng teacher

"Russel Santos miss" i said politely.

"What is that Mr. Santos?" nagtatakang tanong ng teacher namin.

"Is it okay if I ask some questions to Miss Ramos? I noticed that she only said her name and that's all." sabi ko naman sa teacher ko. Napatingin sakin ang lahat ng classmate ko. Pero nakatingin lang ako kay Sarah. Tumingin sakin si Sarah na nagtataka. Tapos bigla niyang iniwas ang tingin.

"Okay Mr. Santos. Go ahead" ngiti ng teacher namin.

"So miss Ramos, Where do you live?" unang tanong ko sa kanya. lahat lang ang nakatingin sa kin. at tumingin kay Sarah.

"I live in Caloocan, with my Grandmother and siblings." yun lang? nasan ang tatay at nanay niya.

"Where are your parents?" curious kong tanong.

Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ang tanong ko o hindi. Biglang sumabat si Roxane.

"Is it hard to answer his question? Why are you not answering?" maarteng sabi nito. Tumawa ang lahay ng nandon. Anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa hindi niya pagsagot?

Para naman siyang napahiya sa ginawa ni Roxane. Nakaramdam ako ng guilt.

"No. It's okay. It's my fault. It's her personal life and I should not force her to answer my question." depensa ko.

"No. It's okay. My father and mother leave us when we're still young." matapang niyang sagot. Na ikinatahimik ng lahat. Biglang natutok ang atensyion nila kay Sarah.

"Ahm.. Would you mind if you tell us what happened?" matapang kong tanong. Alam ko hindi ko na dapat tanungin to. Pero sobrang curious kasi ako. At feeling ko hindi naman niya sasabihin sakin yun kung kaming dalawa lang ang maguusap.

Nakita ko siyang bumuntong hininga. Saka siya Nagsalita.

"My father had his mistress. So my mother left us. I was just three years old when they left us alone." huminga siya ulit ng malalim. "My grandmother. She took care of me when they left."

ang lahat ay hindi nakapagsalita. Bakit ganon? Ngayon lang nila nalaman ang lahat ng ito? Ganon ba siya hindi binigyan ng importansya sa section na to at ngayon lang nalaman ng lahat ang buahy niya?

Alam ko marami pa akong dapat na itanong sa kanya. Pero mas gusto kong malaman iyon na hindi na malalaman pa ng iba ang tungkol sa kanya. Alam ko ayaw niya ang ganito. Nararamdaman ko sa bigat ng pagsagot niya sa tanong ko.

"Ahmm. Is that all Mr. Santos?" tanong sakin ni Sarah. Tumingin ako sa mata niya. Yung mata niya. Parang nakikiusap na itigil ko na ang pagtatanong.

"Ah.. Yes. Thank you for answering. I'm Sorry" sabi ko.

"No, it's okay. You don't need to say sorry" ngumiti siya. Kahit ang bigat ng pinagdadaanan niya, nakakaya pa rin niyang ngumiti ng ganon.

"You may take your seat Miss Ramos. Mr. Santos, you're next."

Tumayo ako at naglakad. Nagkasalubong kami ni Sarah.

"I want to talk to you later." bulong kong sabi sa kanya.

"Okay" yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy na siiya sa paglakad.

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon