Sarah's POV
Umakyat kami sa rooftop. Tambayan ko talaga to kapag gusto kong magtago sa lahat ng tao. Ngayon may kasama na ako. Ano na naman kaya ang itatanong niya sakin?
Umupo kami sa may parteng hindi mapapansin nga ibang estudyante na may tao. Masyadong tahimik. Lalo tuloy akong kinakabahan.
Maya maya pa'y nagsalita na siya.
"Uhm, Sarah.. Gusto ko kasing magsorry sa ginawa ko kanina. Alam ko hindi ko dapat tinanong yon, pero talagang nacurious ako." paliwanag niya sa akin.
"Okay lang, nangyari na e. At saka nilibre mo ako sa Jollibee. Nakabawi ka na." ngiti ko namang sabi. Ngumiti din siya sakin. Parang nararamdaman kong may gusto pa talaga siyang itanong sakin.
"Uhm.. Okay lang ba kung magtanong pa ako sayo?" sabi ko na nga ba e. Tama nga ang hinala ko.
"Sige. Tutal andito na din naman tayo." sabi ko naman.
"Diba sabi mo lola mo lang ang nagalaga sa inyo? Pano kayo nabubuhay? May trabaho pa ang lola mo?"
"Ah.. Wala na siyang trabaho. Senior na ang lola ko e. Pinagaaral kami ng tito ko. At saka umaasa lang kami sa pension ng lola ko."
"Wala pa bang pamilya ang tito mo?"
"Meron. Nagaaral na din ang mga anak non. Sa private school naman sila. Ang bait nga non e. Kasi kahit may pamilya na siya nagagawa niya pa ring pagaralin kami kahit hindi naman niya yon responsibilidad."
"Ah. Mabait nga. Teka, ano bang trabaho ng tito mo?"
"Engineer siya. Hindi ko lang matandaan kung sang company."
"Ah.. Okay naman pala.." sabi niya. Pareho na kaming tumahimik.
Bigla kong naalala yung gusto ko itanong sa kanya kanina pa. Kaya naglakas loob na din akong magtanong.
"Hmm. Russel, diba sabi mo anak ka ng may ari ng Santos Group? E bakit nandito ka?" tumingin siya sakin. Parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya o hindi.
"Hmm.. Pinarusahan kasi ako nila dad. Nakipaginuman kasi ako sa mga kabarkada ko. Nagalit siya sa akin. Wala daw akong sense of responsibility. Tama naman siya. I'm 18 na pero nasa high school pa din ako. Wala. Puro bulakbol e." natatawa niyang sabi.
"E bakit naman kasi puro ka bulakbol?"
"Kasi gusto kong makuha yung atensyon nila dad. Lagi nalang bawal ang ganito, bawal ang ganyan. Tapos sa tuwing kailangan ko sila lagi naman silang wala. Laging busy sa kompanya."
"Alam mo, maswerte ka pa nga e. Kasi buo ang pamilya mo. You should not take it negatively. Kaya sila nagtatrabaho, yun ay para rin sa kinabukasan mo. Ayaw nilang maghirap ka. Pero sa tingin ko, ginawa nilang maghirap ka ngayon para marealize mo ang kahalagahan ng buhay, ang realidad na maswerte ka dahil hindi ka naging katulad ng mga taong tulad ko na hindi alam kung anong mangyayari sa kinabukasan."
"You know what? You sounded like a 25-year-old lady." biro niya sakin.
"And you're acting like a seven-year-old child." sabi ko naman sa kanya. Tumawa siya at tumawa din ako. Hindi ko alam na magiging ganito kabilis ang lahat. Ilang minuto lang kaming magkasama pero parang ang tagal ko na siyang kilala.
"Thank you Sarah." nakatitig siya sakin. Halata namang sincere yung thank you niya.
"Sus, wala yun. Ganon talaga. Dumadating sa point ang tao na may magpaparealize sa kanya kung ano ang tama at mali sa lahat ng bagay. Siguro kaya nandito ka para may magparealize non sayo." ngiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomansaDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?