Chapter 8

25 0 0
                                    

Sarah's POV

Hindi ko man lang nmalayan ang oras. Grabe uwian na pala! Sa sobrang dami ng ginawa ngayong araw feeling ko pagkauwi ko makakatulog nalang ako agad. Haaaaayyyyy -.-

Nauna ng nagsilabasan ang mga classmates namin. Pero may nakakuha ng atensyon ko.

"Uy Sarah!" si Bernard Chavez, top 2 ng klase. Himala! anong nakain ng isang to at lumalapit sakin?

"Ah, bakit?" tanong ko nalang.

"Ahh, kasi may konting salo salo sa amin bukas, birthday ko kasi, hehe. Yung parents ko kasi makulit. Pinaghanda nila ako. Buong klase invited, so i personally inviting you para makapunta ka, kahit saglit lang." ngumiti siya sakin. Akalain mo yun? Kelan pa bumait to sakin? E lagi nalang akng sinusungitan nito e.

"Ahhh..... sige. Hehe. Pupunta kami nila Janet. Sabay sabay nalang kaming pupunta." ngiti ko namang sabi sa kanya. Mukha namang genuine yung smile niya kaya sige, hindi ko na tatanggihan. Aba! pagkain ata yon!

"Haha. Sige. After class nalang para sabay sabay na tayong makapunta don."

"Malayo ba kayo sa school?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung saan nakatira ang isang to e.

"Uhm, medyo. Pero kung gusto mo, sumabay nalang kayo sakin bukas. May kotse naman na susundo sakin eh. O, hi Russel!" hindi ko namalayang nakalapit na pala samin si Russel.

"Uy! anong meron?" tanong niya sabay ngiti. Grabe naman tong lalaking to! Bigla bigla nalang sumusulpot.

"Ah, invited nga pala kayo sa birthday party ko bukas. Haha. Ang lame, ang parents ko kasi gustong magkaron ng birthday party sa bahay since it's my last birthday na magiging classmate ko kayong lahat. Hehe." sabi naman ni Bernard.

"Ah. Sige ba! Teka, Saan ka ba nakatira?" tanong ulit ni Russel.

"Sa Makati pre. Hehe. Mejo malayo mula dito."

"Ah okay, sige. Isasabay ko na si Janet at Sarah papunta doon bukas. Hehe."

"Ah ganon ba, ayun naman pala e. Nag offer din kasi ako sa kanya kung wala siyang means of transportation papunta dun pwede silang sumabay si Janet sakin."

"No, ako nalang. Para hindi ka na  rin masyadong maabala. Birthday mo remember?" -Russel.

"Sabagay. Hehe. Sige salamat." ngumiti siya pero parang bigla siyang nabalisa.

Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi.

"Uhm, Bernard? May problema ba?" takang tanong ko sa kanya.

"Uh... Kasi.. Ano ... Hays. Nakakahiya e." sagot naman niya sabay kamot sa batok.

"Mind to tell us? Malay mo makatulong kami." ngiting sabi ni Russel. Ang friendly talaga ng isang to. Haha. Nahahawa na tuloy ako e.

"Uhm. Sige na nga.." sabay buntung hininga.

Bernard's POV

Ilang taon ko na bang problema to? Hayy.. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Ang hirap kasi e. Hindi niyo pa nga pala ako kilala no? Sige. Ako si Bernard Chavez, top 2 ng klase. I always end up in that position. Kasi laging may nakakakuha ng position na gustong gusto kong makuha simula pa man nung una. Pero kahit anong gawin ko, lagi naman sa top 2 ako bumabagsak. Pero hindi na din naman masama diba? Masaya na din ako na kahit naging ganon ang resulta, alam ko naman deserve niya ang maging top 1. Kilala niyo ba kung sino ang tinutukoy ko? Sasabihin ko nalang mamaya :)

At eto ako ngayon, nasa harap ni top 3, walang iba kundi si Sarah, at ng bagong classmate na si Russel. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pano ko sasabihin sa kanila ang problema ko. Hayy... Pero sige na nga. Kesa naman itago ko nalang to habangbuhay diba?

"Kasi ganito yun...."

--Flashback--

Lunch break. Lumabas na lahat ng classmates namin. Halos lahat na din naman ay naimbitahan ko para sa birthday party na hinanda para sakin ni mama at papa. Minsan lang to mangyari kaya naman dapat lubus lubusin ko na. Mamaya yayayain ko na din sila Sarah para pumunta. Hindi ko kasi siya makausap kanina dahil hindi ko siya makita.

Hanggang sa napansin kong hindi lang pala ako ang nagiisa sa room na to. Nandito din pala siya. Bakit ba lagi nalang siyang nagiisa? Akala ko dati si Sarah lang ang parang may galit sa mundo, pero ang isang to? Grabe! Apat na taon ko na siyang classmate pero ni kahit isa wala siyang naging bestfriend. Mas malala pa to kay Sarah e.

Siya ang pinaka problema ko. Bakit? Kasi siya lang naman ang laging kumukuha ng pwestong tatlong taon ko ng pinaghihirapang makuha. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maagaw agaw mula sa kanya.

Siya si Emerald Buenaventura. Ang top 1 ng klase.

Lumapit ako sa kanya para imbitahan siya para sa birthday ko.

"Uhm, hi Emerald. Pwede ba kitang maistorbo sandali?"

Tumingin naman siya sakin. Blangko. Huh? Grabe naman tong babaeng to. Ano to walang emosyon? Grabe poker face e!

"TALK" yun lang ang sinabi niya.

"Ah . eh. Uhm, I just want to invite you. Birthday ko kasi bukas and lahat ng classmates natin pupunta. So sana makapunta ka." ngumiti pa ako sa kanya kahit masyado na akong kinakabahan sa katarayan niya.

"It's just a waste of time. Why would I?" HALA! Grabe na talaga! Nako magpigil ka Bernard!

"Okay, I'll take it as a no then." tumalikod na ako sa kanya. Pero sa sobrang inis ko, lumingon ako ulit. "Next time you should answer yes or no. You don't need to say that. People might misunderstood what you told me a while ago. Oo matalino ka nga. Top 1 ka, pero nakalimutan mong magkaron ng VALUES" yun na at tumalikod ako at lumakad palayo.

I am so pissed off! Kaya kailangan kong umalis sa lugar na yon para makapagpigil sa sarili. Hayy. Bakit naman kasi inimbitahan ko pa ang babaeng yun? Ilang beses na ba niya akong tinanggihan? sa tuwing birthday ko nalang hindi siya sumasama. Ano wala lang kadala dala Bernard? Tss .. Hay Emerald, kung hindi lang talaga kita .....

-- end of Flashback --

"Grabe naman pala si Top 1 ano? Ang taray!" natatawang sabi ni Russel.

"Oo nga e. Hays. Gusto ko pa namang makapunta siya don." malungkot kong sabi.

"Hm.. Hayaan mo na din Bernard. Hindi naman natin siya mapipilit e." sabi naman ni Sarah.

"Gusto ko lang naman maging okay kami. Alam mo yun? Kasi lagi kaming magkasama sa mga competition pero ni hindi ko man lang siya friend o kahit makausap man lang ng konti. Grabe. Ilang taon ko na siyang kasama sa mga competition pero ni hindi man lang ako kinibo ng babaeng yun."

"Okay lang yan pre, ang dapat mong isipin ngayon ay birthday mo bukas." ngumiti sakin si Russel.

"Oo nga. Yun nalang muna ang isipin mo." ngumit din sakin si Sarah. Ang bait din naman pala talaga ng isang to. Ngayon ako nagsisisi kung bakit sinusungitan ko siya noon. Hindi ko din alam kung bakit, siguro kasi ayaw sa kanya ni Roxane kaya akala ko hindi talaga maganda ang ugali niya. Pero mali ako. Maling mali.

"So bukas ha? Kita kita nalang!" sabi ni Russel tapos nagwave na sakin paalis kasama si Sarah.

"Wag mo na masyadong isipin yon!" ngumiti naman si Sarah sakin.

Hay.... hindi niyo kasi maintindihan.... Kaya gusto ko siyang pumunta don kasi...... Hay....

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon