Chapter 7

19 0 0
                                    

Sarah's POV

Grabe. Second day pa lang? Pwede bang magfast forward ang oras? Kahit konti lang? Hehe. Napaaga pa ata ako sa school ngayon. Pero mas maaga sakin si Harry. Haha. Grabe tong lalaking to. Parang hindi umuuwi e.

"Hi Sarah. Good morning." ngiting bati sakin ni Harry.

"Good morning din." bati ko naman sa kanya.

"Nagawa mo ba lahat ng assignments natin?" tanong niya.

"Oo. Hehe." ngiting sabi ko.

"Ako hindi e." malungkot niyang sabi.

"Huh? Bakit naman?"

"Yung lola ko kasi sinugod sa ospital kagabi. " mas lalong nalungkot yung mukha niya. "Sobrang taas ng blood pressure niya e. Buti nalang hindi siya nagkastroke. Ako ang nagbantay sa kanya kagabi kaya hindi ko nagawa lahat ng assignments ko." ngayon ko lang napansin na nangingitim nga yung ilalim ng mata niya.

"Ganun ba? Gusto mo tulungan kita? Maaga pa naman e." sabi ko naman.

"Talaga? Nako hindi ko na tatanggihan yan a. Medyo nakakahiya pero sige patulong naman." ngiti nyang sabi. "Nakakainis nga e. Ngayon lang ako naging iresponsable pagdating sa schoolworks." oo nga naman. President nga namin siya e. Super sipag niya kaya.

"Ano ka ba, hindi iresponsable ang tawag don no! Mapagmahal ka lang na apo at hindi mo makayanang hindi mabantayan ang lola mo. Hindi iresponsable yun. Sana nga lahat ng lalaki katulad mo na mapagmahal sa pamilya." sabi ko at ngumiti siya.

"Salamat"

"Tara gawin na natin yan." lumapit ako sa kanya at tinulungan siya.

Harry's POV

Bigla namang gumanda ang umaga ko. Siya agad ang una kong nakita. Grabe halos hindi ako makatulog dahil sa nangyari sa lola ko. Pero nung makita ko siya ngayon, lahat ng puyat, pagod at antok ko nawala. Yung isang ngiti niya lang, nanumbalik na lahat ng lakas ko. Ang corny ko ba? Hehe. Masaya lang ako dahil katabi ko ngayon ang babaeng matagal ko nang lihim na minamahal. Tama. Si Sarah.

Sarah is very kind. Kahit na lagi siyang kinakawawa ng classmates namin hindi siya umaangal. Alam ko naman na matapang siya. Siguro kasi gusto niya lang makatapos ng pagaaral. Kung tatanungin niyo ako kung bakit ko nasasabi to, siguro kasi kilala ko ang mga classmates ko mula pa noong first year kami. Si Sarah kasi napasama lang samin nung second year na kami. Kaya ang tingin ng lahat she's nothing, na galing lang siya sa mababang section dahil sa paninipsip. Pero hindi. Matalino siya. Lagi nga siyang nasa top 3. Okay lang na top 3 siya. Talaga naman kasing super talino nung top 1 at top 2. Pero siya na galing sa mababang section, heto at tinalo pa ang mga original na first section.

Yung mga classmate ko kasi, feeling nila magagaling sila. tatlo lang naman ang dahilan kung bakit nakakapasok sa first section e

1. matalino

2. mayaman

3. yung gusto ni Roxane na mapapasok sa first section

Yeah. Si Roxane. The spoiled brat daughter ng owner nitong school. She hates Sarah so much. Pero hindi niya mapatalsik talsik dahil nga sa consistent na nasa top siya. Maganda si Roxane. Kaya nung dumating sa section namin si Sarah, na mas maganda at matalino kaysa sa kanya. Gumagawa siya ng paraan para mapaalis si Sarah. Pero matalino si Sarah. At alam ko hindi siya pinapabayaan ng Diyos. Kaya heto, hanggang ngayon classmate ko pa siya.

Hindi ko namalayan, natapos na pala namn yung assignment ko. Hehe. Basta talaga nandito si Sarah, hindi ko namamalayan ang oras. Nakow! ang corny ko na talaga. Sana balang araw magkalakas loob na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon