Chapter 13

8 0 0
                                    

Russel's POV

Sunday.

I need to wake up early. Magbabasketball nga pala kami ni dad. I'm happy that Mom and him had their day off. It's been a long time na magkakaron ako ng bonding moment kasama sila.

Oops. Kailangan ko nga palang pumunta kina Sarah para ipagpaalam siya. I noticed my mom, she's really fond of Sarah. Siguro kasi gusto niya ng babaeng anak. Kaso ako lang ang dumating kaya siguro ganon.

I need to get up and prepare. Para masulit ang isang buong araw.

Pagkababa ko, nakita ko agad sila mom at dad. Si mom nagpprepare ng breakfast. Si dad naman he has his coffee while reading a newspaper. Just like the old times.

"Good morning anak." my mom greeted me with a smile on her face. I really miss those smile of her.

"Good morning mom, dad." I greeted and smiled back.

"May pupuntahan ka ba anak? Parang bihis na bihis ka. Remember our basketball later?" tanong ni dad.

"Of course dad. I remember. Pupunta lang ako kina Sarah saglit. Ipagpapaalam ko. I know mom will be happy if she's here. Right mom?"

"You really know me son. Yeah I love to see her. Alam mo naman sa bahay na to, kayong dalawa lang naman ang kasama ko, I want a girl naman. Kaso hindi ko na kakayanin pag gumawa pa kami ng dad mo ng baby girl. HAHA."

"I understand mom, that's why ipagpapaalam ko siya kay nanay."

"Is her grandmother nice?" tanong sakin ni mom.

"Yes mom. She's so nice. That's why Sarah's nice too."

"No wonder. Teka mag breakfast ka muna bago ka pumunta kina Sarah."

"Son, don't forget to call Harry. Para may kasama tayo."

"Yeah sure dad."

After eating breakfast, pumunta na ako kina Sarah.

"Tao po..."

"Uy iho, ikaw pala. Pasok ka. Sarah! Si Russell nandito." sabi ni nanay

"Uhm nay, ipagpapaalam ko po pala si Sarah ngayon..."

"May date kayo?" tanong ng nanay. Haha. Si nanay talaga. masyadong straight to the point.

"Uhm, nako hindi po.. Ah kasi po may family day po kami nila mom and dad, hindi lang naman po siya yung inimbitahan, pati rin po si Harry at Janet. Sabi po niya kasi samin baka kailanganin mo po ang tulong niya kaya hindi po siya sure kung makakapunta siya. Kaya po ako nandito para ipagpaalam po kung sakali."

"Naku itong batang to. Oo naman pwede. Nandito naman ang mga kapatid niya e. Maraming tutulong sakin dito."

"Talaga po? Naku salamat po."

"Teka at pupuntahan ko ang babaeng yon. Baka natutulog pa. Umupo ka muna diyan. Kumain ka na ba?"

"Ahh opo. Kumain na po ako kanina sa bahay."

"Okay sige. Saglit lang ha."

Habang hinihintay si Sarah, tinawagan ko naman si Harry.

"Hey Harry. Good morning."

"Uy. Oo nga pala may basketball nga pala no. Teka mag aayos na ako. Si Sarah ba pupunta?"

"Oo. Nandito ako ngayon sa kanila. Pinagpaalam ko na."

"Ah okay. Sige diretso nalang ako don sa inyo."

"Sige dude."

"Bye."

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon