Chapter 20

19 1 0
                                    

Harry's POV

Napatingin siya sa akin.

"A-ano naman ang pag-uusapan natin?" nagstutter siya. May nagawa ba talaga akong mali?

"Tara na. Sa daan na tayo mag-usap para hindi tayo gabihin sa daan. Dala ko naman ang kotse ni papa ngayon."

"Okay, sige."


Nagmamaneho ako pero hindi ko maiwasang tumingin kay Janet. Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Hindi na siya katulad ng dati na napakaingay kapag kasama ko. Napapaisip tuloy ako kung may ginawa ba akong mali sa kanya o may nasabi ba akong nakasakit sa damdamin niya.

"Janet." tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin habang ako ay nakatutok sa pagmamaneho.

"Bakit?" tanong niya.

"May nagawa ba akong mali?"

"Ha? Anong sinasabi mo diyan? May problema ka ba?" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Teka, hindi ba dapat ako ang magtanong sa kanya non?

"E ikaw e.."

"Anong ako?" takang tanong niya.


Russel's POV

"Napapansin mo din ba?" tanong sa akin ni Sarah.

"Ang alin?" tanong ko sa kanya pabalik.

"Si Harry at Janet. Lately parang iniiwasan ni Janet si Harry e. Nag-away ba sila?" napansin pala niya. Akala ko maniniwala talaga siya na masama ang pakiramdam ni Janet kanina.

"Hindi ko din alam e. Hindi ko pa naman natatanong si Harry tungkol don. Bakit hindi mo tanungin si Janet pag uwi mo mamaya?"

"Sabagay. Mamaya ko nalang siya tatanungin." sabay ngiti niya sa akin. Napakaganda talaga niya. Sa tuwing ngumingiti siya parang napupunta ako sa ibang parte ng mundo.

"Let's just enjoy this moment, okay?" sabay halik ko sa noo niya.


Janet's POV

Hininto niya ang kotse sa gilid malapit sa isang convenience store. Tumingin siya sa akin sabay bumuntong-hininga.

"Bigla bigla mo nalang akong hindi kinakausap. Sa tuwing lumalapit ako sayo umiiwas ka sa akin. Ano bang problema Janet? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi maganda? Kasi hindi ako mapakali e." sunud-sunod niyang tanong sa akin. Paano ko naman to sasagutin?

"H-hindi ba pwedeng gusto ko lang manahimik kahit minsan?" kinakabahan kong sabi.

"Tingnan mo, nagsisinungaling ka pa. Gusto mong manahimik? Pero ako lang ang hindi mo kinakausap? How unfair is that huh?" ayan na. Nag-English na si Mr. President. Halatang naiinis na siya.

Hindi ko din naman malaman kung anong isasagot ko. Alangan namang sabihin ko sa kanya na gusto ko siya, diba? Mukha lang akong kerengkeng, pero hindi ko naman gagawin na ako yung unang mag coconfess ng feelings. Conservative pa rin naman ako kahit paano.

"Okay. Sorry. Gusto ko lang talagang i-try tumahimik kahit minsan. Tinry ko lang sayo. Para malaman ko yung effect pag hindi kita kinausap." ngumiti ako sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin. Tinitingnan niya kung nagsasabi ako ng totoo. Bumuntong-hininga siya ulit.

"Alam mo bang pinakaba mo ako sa ginawa mo?" nakatitig siya sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Please wag ngayon. Ang hirap mag conceal ng feelings.

"Akala ko galit ka na sa akin e. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinakausap. More like maingay na kausap. Pero kahit maingay ka, sanay ako. Mas gusto ko ng ganon. Hindi ako sanay talaga Janet. Huwag mo nang gagawin ulit ha?"

"Opo. Di na nga po. Promise." ngumiti ako sa kanya.

Bigla nalang niya akong hinila malapit sa kanya sabay niyakap ako. At traydor na naman ang puso ko. Lalong bumilis ang pagtibok. I can feel his heartbeat too. Beating as fast as mine. Bakit ka ganito Harry? Lalo lang akong nahuhulog sa yo. Kaya mo ba akong saluhin kung sakaling mahulog na ako ng tuluyan? Don't give me false hopes. Please lang. Mahirap. Ayokong masaktan. Lalo kung ikaw.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Napatingin naman siya sa akin na para bang nabigla sa ginawa niya.

"S-sorry, carried away lang" kinakabahang tumawa pa siya habang sinasabi niya iyon.

"Okay lang." sabi ko naman.

"Teka. Kumain muna kaya tayo? Nagugutom ako e." ngumiti siya sa akin.

"Sige." ngumiti din naman ako.


Sarah's POV

Ganito pala kasaya ang feeling. Lalo kapag kasama mo yung mahal mo.

Lalo kapag nakangiti siya sayo habang kumakanta siya at tumutugtog ng piano.

I got a heart

And I got a soul

Believe me, I will use them both

We made a start

Be it a false one, I know

Baby, I don't want to be alone

So kiss me where I lay down

My hands pressed to your cheeks

A long way from the playground

Nakangiti lang din ako sa kanya. Hindi ko maalis ang tingin ko. Sobra akong napapasaya ng lalaking ito.

I have loved you since we were eighteen

Long before we both thought the same thing

To be loved and to be in love

All I can do is say  that this arms are made for holding you, ohh

I wanna love like you made me feel

When we were eighteen

Who would even knew we can make a good story? I'm so happy and lucky at the same time. He's a big part of my life now. I can never ask for more.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos siyang kumanta. Tumayo siya at lumapit na sa kinaroroonan ko. Ngumiti naman siya sa akin.

"Nagustuhan mo ba?" nahihiya niyang tanong.

Napangiti naman ako. May mahiyain pa palang side ang lalaking to. He's perfectly handsome and kind. Sino ang hindi mahuhulog sa kanya?

"I love it." ngumiti ako sa kanya. Lalo pa siyang lumapit at niyakap ako.

Masaya kaming nagkukwentuhan nang biglang may lumapit sa amin.

"Hi. I've seen you on the stage a while ago." isang babae na hindi rin naman katangkaran. Siguro nasa mid-30s na din. At mukha siyang mabait.

"Ah yes. Ako nga yon. May I know who you are?" magalang naman na sabi ni Russel sa kanya.

"Oh yes. I'm Elena Salvacion from MES Entertainment. I was moved by your performance. At you are handsome too. I am here to offer you a career. Feeling ko magiging maganda ang break mo. You look like a star." ngumiti ulit ang babae.

"Thank you for the compliment, ma'am. But I'm not interested. Marami pa naman pong iba diyan na magaling. Thank you nalang po ulit."

"Oh, so sad to hear that. But if you change your mind. I'm giving you this." nag-abot siya ng calling card kay Russel."Call me when you want to be an artist." ngumiti ulit ito. Tumalikod na ito pero humarap ito pabalik. "And oh, by the way, you two look perfect together."

"Thank you." sabi ni Russel sa kanya.

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon