Chapter 25

6 1 0
                                    


Amanda's POV

"What are you doing here?" kalmadong tanong sakin ni Sarah. Sa tingin pa lang niya sa akin, alam kong galit siya. Pero knowing her, hindi siya madaling naglalabas ng kung anong nararamdaman.

"Hindi naman siguro masama kung bibisitahin ko siya, hindi ba?" sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang mga bulaklak.

Gumilid siya nang kaunti para magkaron ako ng daan papunta sa harap ng puntod ng lola niya, or should I say, puntod ng lola KO. Lumuhod ako at inilagay ang mga bulaklak doon. Naramdaman kong paalis na si Sarah, kaya nagsimula na akong magsalita.

"Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito, na dadalawin ko siya dito," tumigil sa tangkang pag-alis si Sarah at tumingin sa akin. "Galit na galit ako sa kanya, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kagalit sa kanya."

At muli, nanumbalik lahat sa akin ang mga alaalang gusting-gusto ko nang ibaon..

"Lumayas kayo sa pamamahay ng anak ko! Wala kayong karapatang tumira dito!" galit na galit na sabi ng lola.

"Kahit anong sabihin niyo, kasal ako sa anak niyo. At may karapatan ako sa bahay na ito!" umiiyak na sabi ng mama ko.

Wala akong naiintindihan sa sinasabi nilang dalawa. Basta umiiyak lang ako dahil nagsisigawan sila. Maya-maya pa'y itinapon ni lola ang lahat ng mga gamit namin palabas ng bahay. Itinulak niya si mama sa labas. Hinabol ko ang mama ko. Isinara ni lola ang gate. Tumakbo si mama palapit doon. Kinalampag niya ang gate at nagsisisigaw ulit.

"Kahit anong gawin mo, babalik at babalik kami dito! Pamamahay ito ng asawa ko at may karapatan ako sa bahay na ito!" galit na sabi ni mama.

"Nawala ang lahat ng karapatan mo simula noong pinatay mo ang anak ko! Huwag na huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong ipakulong kita! Magpasalamat ka pa nga at hindi kita ipapakulong alang-alang diyan sa anak mo!"

Natigilan si mama. Nawala na din si lola sa may gate. Pumasok na ito ng bahay at isinara ito. Biglang umulan. Kinuha ni mama ang lahat ng gamit na nakakalat sa kalsada. Hinila niya ako at tumakbo sa pinakamalapit na shed. Tumingin ako kay mama. Umiiyak pa rin siya. Pinunasan niya ang basang buhok ko.

Buwan din ang lumipas. Nasa maayos na din kaming kalagayan. May trabaho ang mama ko at ako naman ay nag-aaral na sa high school. Hanggang sa magkasakit siya ng breast cancer. Namatay din siya ng mismong taong ding iyon.

Simula noon ay itinaguyod ko nang mag-isa ang sarili ko. Pumasok ako sa kung ano-anong trabaho. Hanggang sa madaanan ko ang bahay ng lola. Doon ko nakita kung paano niya inalagaan si Sarah. Araw-araw bumabalik ako sa bahay na iyon. At araw-araw ding nadadagdagan ang galit at inggit ko sa tuwing makikita kong masaya ang lola ko sa pag-aalaga niya kay Sarah. Samantalang ako, ni hindi man lang nakatikim ng kahit na anong pagmamahal mula sa kanya.

Isang araw, habang naglalakad ulit papunta sa bahay na iyon, doon ko nakita ang gwapong lalaki. Hinatid nito si Sarah. Pinatuloy ng lola ko ang gwapong lalaki papasok ng bahay. Naghintay ako hanggang paglabas noon.

"Sige po 'Nay. Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin sa bahay niyo," sabi ng gwapong lalaki.

"Wow Russel! Tinanggap ka na ni Nanay? Ano 'to? May ligawan na bang nagaganap?" tanong naman nitong nagngangalang Janet. Alam ko best friend siya ni Sarah dahil na din sa araw-araw ko siyang nakikita.

"Hindi. I mean, yung pinapasok ako sa bahay nila," natatawa namang sabi ng lalaking Russel pala ang pangalan.

"Ahh.. Akala ko kung ano na e," hirit pa ulit nung Janet.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon