Russel's POV
Pagkababa ko palang sa kotse alam ko nang hindi ko magugustuhan ang school na ito. Argh! Bakit pa kasi kailangan kong parusahan nila daddy. Uminom lang naman ako kasama ng barkada ko. Diba normal naman yon sa lalaking katulad ko? 18 na din naman ako, hindi ko talaga maintindihan sila dad kung bakit kailangan pa nila akong ilayo sa mga nakasanayan ko.
Sorry if I didn't introduce myself. I'm just pissed off being here in this school. By the way, I'm Russel Ford Santos. Son of Emily Santos and Rodrigo Santos, owner of Santos Group of Companies.
Fourth year high school pa lang ako. Why? Hindi ko din alam. Nakakatamad kasing magaral. Lalo na at wala lagi si mom and dad kung sakaling may kailangan ako. So here I am, gumagawa ng paraan para mapansin nila ako. Para lang akong sira no? Well atleast, gumana naman ang pagpapapansin ko sa kanila. Hindi ko lang talaga inasahan na magiging ganito kalala ang kalalabasan.
Naglakad na ako papasok ng school. And syempre, ang daming babae na nakatingin sakin. Makakita ba naman sila ng mala artistang mukha e! Ehem, nagsasabi lang naman ako ng totoo.. So kunwari hindi ko nalang sila napapansin.. Lakad nalang siguro? Ay hindi! dapat maging mabait ako sa kanila para matapos na itong kalokohan na ito at maibalik na ako sa school ko dapat.
Ngumiti ako sa bawat babaeng dumaan at nagpapansin sakin. Hindi ko pa nga pala aam kung saan ang room ko! Mabuti nalang at may lumapit na babae sakin.
"Hi! Ahm, sang section ka?" tanong sakin ng babae.
"Ahh.. section 1. saan ba yon?" ngiting tanong ko.
"Ay! dun ka ba? ah sige. Direcho ka lang jan. tapos kumaliwa ka. Yung unang room pag liko mo sa kaliwa, yun ang Section 1." sabi ng babae.
"Thanks!" kindat sabay ngiti.
Ngumiti naman ang babaeng parang kinikilig. Natatawa nalang ako sa mga reaksyon nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng kasing gwapo ko?
Malapit na ako sa room nang may naririnig na akong nagtitiliang babae. Nako. Mukhang galing pa sa room na yon ang ingay. Mukhang nakita na rin nila ako. Okay, wala nang atrasan to. Ngingitian ko nalang sila isa isa. Katulad ng nangyari kanina. Panigurado lahat naman ng babae na nasa section ko ay katulad din ng mga babae sa labas.
Pumasok na ako sa may pintuan ng room. Naguunahan silang lumapit sakin. May magandang
babae ang nauna.
"Hi, I'm Roxane." sabi niya sabay ngiti na nagpapacute.
"Hi, I'm Russel." ngiti ding sagot ko.
Hindi ko na maintindihan yung mga tinatanong nila. Argh ! Yan na nga ba sinasabi ko kung bakit ayaw kong nandito e. Hay. Lahat ng babae nakapalibot sakin. Luminga linga ako para maghanap ng mauupuan na bakante. Hanggang sa may nakapukaw ng atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?