Chapter 23

8 2 2
                                    

Sarah's POV

"Hi Nay. Namimiss na kita." lumuhod ako sa puntod niya at nilagay ang bulaklak. Sinindihan ko ang kandila at nagdasal.

"Okay naman ako nay. Eto, medyo busy sa work pero siyempre hindi ko naman makakalimutan ang death anniversary mo."

Umupo ako sa harap ng puntod ng Lola ko at tinanggal ang mga tuyong dahon na nalaglag sa puno.

"Parang kailan lang no, Nay? Hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit. Hanggang ngayon sobrang sakit pa rin." Nagsisimula ng pumatak ang mga luha ko na matagal ko ng pinipigil.

"Siguro kung nandito ka pa, magiging masaya ka para sa akin. Siguro mararanasan mo pa yung marangyang buhay na hindi mo nakuha kasi inalagaan mo kami. Siguro maipapasyal kita sa mga lugar na gusto mong puntahan. Makakakain tayo sa mga sosyal na restaurant. Makakatira ka sa malaking bahay.

Ikaw naman kasi e, iniwanan mo ako agad. Pero sobrang salamat Nay. Sobrang salamat sa lahat ng ginawa mo para mabuhay ako ng ayos. Maraming maraming salamat."

Biglang lumakas ang hangin. Napatingala ako sa langit at ngumiti.

"Parang naramdaman ko na din ang yakap niyo ngayon. Alam ko naririnig mo ako. Kaya siguro lumakas ang hangin."

Tumahimik ako sandali. Pinakiramdaman ko lang ang malakas na hangin na para bang yumayakap sa akin. Pumikit ako ng matagal na para bang sobrang tagal kong hindi nakapagpahinga.

"Kung nandito ka pa, siguro tatanungin mo kung anong problema ko. Madali mo akong nababasa e." Mapait ang ngiti habang sinasabi ko iyon.

"Pwede bang humingi ng pabor Nay? Pwede bang pag-alis ko dito tanggalin mo na din lahat ng sakit dito?" Tinuro ko ang puso ko. "Pwede ba iyon?" Naiiyak ko na naman sabi.

"Nakita ko siya kagabi. At ang sakit sakit pa rin." Hindi ko na napigilan ang tuluyang humagulgol sa harap ng puntod ng Lola ko habang sariwa pa sa alaala ko ang mga pangyayari.

"Hello guys!" Excited na sabi ni Roxane sa lahat ng dumalo sa reunion. Napatingin silang lahat sa amin na kakapasok lang sa loob. Yung iba ay natatandaan ko pa. Pero yung iba hindi ko na maalala.

Biglang may lumapit sa aking babae at lalaki.

"There you are beautiful swan." Ngumiti sa akin si Emerald at niyakap ako.

"And you are the ever blooming preggy." Ngumiti din ako at sabay kaming tumawa.

"It's been a while, Sarah." Ngumiti din sa akin si Bernard at niyakap din ako.

"So, kumusta ka naman? Balita ko ikaw na ang President ng University natin a." Sabi ni Emerald.

"Eto, super busy. Ang dami laging dapat kausapin at review-hin na proposals. Minsan hindi ko na namamalayan na lunch break na o naman tapos na ang working hours." Natatawa kong sabi.

"Oh no, girl. Dapat may time ka rin sa sarili mo. Sige ka, tatandang dalaga ka niyan. Sayang ang ganda mo." Ngumiti lang ako sa sinabi niyang iyon.

"Kayo, kumusta? High school sweethearts turned into a lovely couple huh? Kailan ang labas ni baby?" Hinawakan ko ang tiyan ni Emerald.

"Next month. I'm really so excited. And oh, you're gonna be a god mother okay?"

"Sure." Ngiti kong sabi.

"And I really want to thank you, Sarah. Kung hindi dahil sayo, hindi namin malalaman yung nararamdaman namin para sa isa't isa noon. Siguro ngayon, baka magkaiba kami ng partners at maging miserable lang ang mga buhay namin." Hinawakan ni Bernard ang kamay ko at taos-pusong nagpasalamat.

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon