Russell's POV
"A-are you serious?" kinakabahan kong tanong.
"I'm 100% sure, Russell, wala kang tumor sa utak. At wala kang nakamamatay na sakit." paniniguro sa akin ng doktor.
"Pero.. pero paano nangyari yon? Bakit ako nakakaramdam ng matinding sakit ng ulo at pagsusuka?"
"You have chronic migraine, Russell. Laging sumasakit ang ulo mo na humahantong sa kawalan mo ng malay o pagsusuka. Siguro nakuha mo ito sa sobrang stress mo o kulang sa pahinga. You're an actor, right? You tend to sleep less than 8 hours a day, am I right?"
"That was before, Doc. Matagal na akong tumigil sa pag-aartista."
"But, are you sure that you're not stressing yourself, or are you sleeping well?"
Natigilan ako. Napaisip. Kailan nga ba ako nakapagpahinga ng maayos?
"Your chronic migraine can be treated. I will prescribe you some medicines, and please, have time to rest. Mas mapapabilis ang pag-ayos ng pakiramdam mo kung nakakapagpahinga ka ng maayos. And don't stress yourself too much. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano ano. You really need to change your lifestyle. Eat healthy, too. Makakatulong iyon."
Ibinigay sa akin ng doktor ang prescription at nagpasalamat ako. Umalis ako sa hospital. It's time. It's time to go back.
Pumunta ako sa bahay nila mom at dad. Sila ang una kong pinuntahan.
"Mom? Dad?" hanap ko sa kanila nang makapasok ako sa bahay.
"Russell?! Oh my God, Russell!" naluluhang sabi ni mom sa akin. "Hon, Russell's here!"
Nakita kong lumabas ng study area si dad. Nagulat siya na may halong tuwa sa mukha.
"My son! You're really here!" naluluha ding sabi nito.
Hindi ko na din napigilan ang mapaiyak. Lumapit ako sa kanilang dalawa at niyakap nila ako. Niyakap nila ako ng sobrang higpit.
"We've been looking for you for years, son. Bakit? Bakit hindi ka nagpakita sa amin?" umiiyak pa ring sabi ni mom.
"Your mom's almost got a heart attack because of you. But now you're here. Don't ever do that again." nasa boses ni dad ang authority pero mararamdaman mo ang pangungulila niya sa akin at pag-aalala niya kay mom.
"I'm sorry, mom, dad." yumakap lang ako ulit.
Nang mahimasmasan kami, doon ako nagsimulang magkwento.
"I was diagnosed with brain cancer." napasinghap si mom sa sinabi ko at napaiyak ulit. Niyakap siya ni dad para aluin. "I thought I'm gonna die. I thought I might never see you again. Kaya lumayo ako. Kasi ayokong makita ko kayong nasasaktan habang nakikita niyo akong nasasaktan. Mas gugustuhin kong masaktan nalang akong mag-isa, kaysa araw-araw ko kayong makikitang nasasaktan nang dahil sa akin.
"Nasa early stage pa daw iyon, sabi ng doktor sa akin. Kaya pwede pa daw akong mabuhay ng taon. Pero mas minabuti kong umalis kasi ayokong biglang lumala yung sakit ko tapos malaman niyo, kaya nawala ako ng ilang taon."
"Pero, magaling ka na ba, anak? Nagpagamot ka ba? Do we have to go to States para--"
"I have no brain cancer, mom, dad. I only have chronic migraine." natatawa kong sabi.
Napaawang ang mga bibig nila dahil sa sinabi ko.
"I'm so happy. Akala ko mamamatay na talaga ako." napakamot ako sa ulo.
Hinampas ako ni mom at biglang niyakap. Umiiyak pa din siya.
"Are you sure, son? Paano mo nalaman na wala?" nagtatakang tanong ni dad.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
عاطفيةDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?