Russel's POV
Nandito ako ngayon sa bahay nila Sarah. Hindi naman sa masama ako pero ang liit talaga ng bahay nila. Tapos yung lola lang niya ang kasama nila dito sa bahay.
Speaking of lola niya. Andito ako ngayon sa living room ba nila itong matatawag? Eto nakaupo sa may upuan at nakatingin lang sakin ang lola niya. Grabe naman makatitig to. Nakakakaba tuloy.
"Ilang taon ka na ba iho?" tanong niya sakin.
"Ahm, 18 na po ako."
"E bakit nasa high school ka pa? Diba dapat nagkokolehiyo ka na?" yan na nga ba sinasabi ko e. mahabang paliwanagan na naman ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Edi sabihin ang totoo.
"Hmm.. Dapat inintindi mo nalang ang mga magulang mo. Para sayo din naman yung pagtatrabaho nila." sabi niya sakin. Aba! Halos pareho lang yung sinabi niya sa sinabi ni Sarah sakin. Grabe rin naman talaga magisip ang babaeng yon.
"Yan nga din po sinabi sakin ni Sarah kanina." at ngumiti ako.
"Naku, yang si Sarah, ganyan talaga magisip yan. Akala mo matanda kung makapagpayo at makapagsalita. Siguro kasi napilitan siyang maging mature simula nung malaman niyang iniwan sila ng mga magulang niya. E siyempre bukod sakin, siya ang nagaalaga sa mga kapatid niya. Kaya tingnan mo. Mukha ring matanda ang itsura. Ni hindi nagaayos yan e." tumawa lang ang lola niya.
Ngumiti naman ako sabay sabing "Hindi naman po niya kailangang magayos. Maganda siya e."
Tumingin lang sakin ang lola niya. Matagal. Nako naman Russel! Bakit naman kasi sinabi mo yon? Naku, Naku naman!
"Oo. Maganda nga ang apo ko. Inside and out." Hay. Buti yun lang ang sinabi sakin ng lola niya. Akala ko magtatanong na siya ng kung ano ano e.
Saka naman dumating sila Sarah at Janet na may dala ng pagkain. Kumain na lang kami at nagkwentuhan pa ng konti.
Maya maya pa ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Maggagabi na kasi. Baka nandun na sila daddy sa bahay. Minsan kasi maaga yun nakakauwi.
"Alis na po ako lola." sabi ko.
"Nay nalang apo. Mas nasanay kasi ako ng nanay ang tawag sakin e." ngumiti naman siya. Ngumiti din ako.
"Sige po nay. Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin sa bahay niyo."
"Wow Russel! tinanggap ka na ni nanay? Ano to? May ligawan na bang nagaganap?" hirit naman ni Janet. Ligaw agad? Grabe naman to. Natawa nalang ako dun.
"Hindi. I mean, yung pinapasok ako sa bahay nila." sabi ko naman.
"Ahh.. Akala ko kung ano na e," sabi niya ulit.
"Nako Russel. Wag mong pinagpapapansin yang si Janet. Baliw yan. Mahawa ka pa." sabi naman ni Sarah na natatawa.
"Oy bes! kahit na ganito ako maganda pa rin ako no!" sabi naman ni Janet. At nagtawanan nalang kami.
Hinatid nila ako hanggang sa makarating ako sa kotse. Nagpaalam na ulit ako sa kanila. At umalis na.
---
Nandito na ako ngayon sa bahay. Pinagbuksan ako ni Manag Linda ng pintuan.
"Good evening po sir Russel." sabi niya. Ang kulit talaga neto, sabi ng Russel nalang ang itawag sakin e.
"Manang naman. Wag mo na nga akong tawaging sir. Russel nalang ho. Parang hindi kita naging yaya dati e." ngiti kong lambing sa kanya.
"Naku kang bata ka, pasalamat ka ang lambing lambing mo sakin." sabi naman ni manang. Ganito kami ka close dahil siya lang naman ang lagi kong kasama simula pagkabata. Lagi naman kasing wala si mommy at daddy. Kahit sa school activities dati, siya ang sumasama sakin dahil laging busy ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?