Chapter 17

4 0 0
                                    

Janet's POV

Ang bilis naman talaga ng panahon. Akalain mo yun? Makakagraduate na ako sa high school. All because of Sarah. I'm lucky to have her. I admit, hindi ako matalino. Sadyang nakakaabot lang ako sa passing grade para mapunta sa section 1. I'm happy that Sarah helped me a lot. Sino ba naman ang hindi sisipaging mag-aral kung ang kaibigan mo naman ay ganon ka determine na makagraduate diba?

We've been friends for three years. At sa three years na yon, wala ni isang beses na nag-away kami. We both clicked with each other. Para ko na din siyang kapatid. I love her to the point na kaya kong makipag-away sa mga taong nambubully sa kanya. Sadyang ayaw lang niya ng gulo kaya pinipigilan ko ang sarili ko.

Sa three years naming pagkakaibigan, nakita ko kung sino siya talaga. Siya yung taong gagawin ang lahat maiangat lang ang pamilya niya sa hirap. She's a strong woman. Actually, I idolize her. Kahit kailan ay hindi siya nagpatinag sa kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay niya at sa buhay ng pamilya niya. I'm very grateful to have her. Pinakita niya sakin kung paano maging mature na ihandle ang mg problema sa buhay.

Pero simula nang dumating si Russel, naiba ang ikot ng mundo.

Yes I've seen Sarah happy with me. Siyempre sa kabaliwan kong ito hindi ba siya matatawa sakin? Well, I mean ganon ko lang siya nakitang masaya. As in masaya. Sa tuwing nakikita ko sila ni Russel, nakikita ko yung saya sa mga mata niya.

Pero nakita ko rin kung pano iyon naging malungkot.

Russel avoided us. Parang hindi kami kilala. And worst, nalaman laman ko nalang na sila ni Roxanne. Really? I want to punch him and slap him. Hindi niya alam kung gaano nasaktan ang bestfriend ko nang dahil sa kanya. Hindi ako tanga. Alam kong mahal ni Sarah si Russel. At hindi ako ganon kamanhid para hindi ko mapansin yon. I thought they have mutual understanding. Parati kasing nakadikit si Russel kay Sarah na feeling niya ata mawawala nalang si Sarah bigla. Even his gestures shows that he has special feelings for her. Tapos bigla bigla ganon nalang?

Pero, may kasalanan din ako kay Sarah.

"Anong kalokohan ito Russel? Bakit bigla bigla mo nalang kaming iniwasan?" naiinis kong tanong kay Russel.

Nasa cafeteria kami. Pinauna kong umuwi si Sarah at nagdahilan ako na may practice pa kami para sa cheerdance.

"Answer me Russel. Ano ito? Ginawa mo kaming close tapos isang araw parang di mo na kami kilala?"

Nakatungo lang siya. At sobrang naiinis na ako dahil ayaw niyang magsalita.

"Okay fine. If you don't wanna talk then I'll leave." tumayo na ako ng bigla niya akong tinawag.

"I need to protect Sarah from Roxane. " mahina niyang sabi pero dinig na dinig ko.

"What? Why? Dahil bunubully nila si Sarah ganon ba? You know Sarah can handle that. At nandito ako para sa kanya kung sakaling masaktan siya ng sobra. You know that Russel." nagtitimpi ako sa galit. "Yon ang dahilan mo kaya iniwasan mo kami? Anong klaseng protekta ang ginagawa mo?"

Bumuntong-hininga siya.

"I agreed on the deal with Roxanne para hindi niya iexpel si Sarah." mahinahon niyang sabi. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko. I can't imagine what life Sarah will have kung ganon nga ang nangyari. This is the only hope that she got. Ang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng trabahong tutulong sa pamilya niya.

"Roxane really wants to expel her here. Simply because she hates her." sinarado ko ang kamay ko sa galit. Gustong gusto kong sugurin si Roxanne at patayin siya ngayon. Pero ayokong lumaki ang gulo for the sake of Sarah.

"I'm sorry that I have to leave you all behind. Ito lang ang maitutulong ko kay Sarah. Fuck. I miss her so much." nakita kong naiiyak si Russel habang sinasabi niya iyon. Hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak. I was wrong. I've been cursing Russel on my mind everyday thinking that he hurt my best friend but here he is, taking all the pain just to save Sarah. I never seen Russel like this before. Now I know that he really loves Sarah. He can do anything just for her.

Lumapit ako kay Russel at niyakap siya.

"I'm sorry Russel. I don't know. I'm really sorry." umiiyak akong sinabi niya iyon. Now I don't know what to do. Both of my friends are suffering and here I am, walang magawa.

"It's okay Janet. Just promise me, take care of her okay? I will be watching her from afar. Alam ko magiging okay din ang lahat. Konting pagtitiis lang ang kailangan ko."

Tumango nalang ako. Umalis na din ako dahil hinahanap na ako sa amin. I don't want my parents to worry.

Simula noon ay pinilit ko nang pasayahin si Sarah lalo. At pag nakikita ko na malapit samin si Russel at si Roxane, umaalis na ako agad kasana siya para hindi na niya sila makita.

Kung sinabi ko lang ng maaga sa kanya ang lahat, sana okay siya ngayon. Pero ginagawa ko ito para protektahan siya, at para hindi na rin mahirapan si Russel kahit papaano. Ito lang ang pwede kong maitulong sa kanila.

Nandito na ako sa canteen dahil tinatamad pa akong pumunta sa classroom. Unang una ay dahil wala pa si Sarah sa loob. At pangalawa ay nandoon si Roxane. Baka hindi ako makapagpigil at masabunutan ko pa siya. Kailangan ko si Sarah bago ako pumunta doon.

Tinext ko si Sarah kung nasaan na siya.

Me: Hey bes! Where are you? It's 7am already.

Hindi nagreply. Wala na naman sigurong load.

Tinext ko din si Harry kung nasaan na siya.

Harry: Malapit na ako.

Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bag nang may bigla akong makita.

"No way." yun nalang ang nasabi ko.

Story of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon