Sarah's POV
First day ko bilang isang fourth year high school student. Grabe, ang bilis lumipas ng oras. Hindi ko alam kung bakit ako nakasurvive sa section na yon sa loob ng dalawang taon. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ang sinasabi ko. Well, hindi kasi ako katulad ng mga classmates ko sa section na yon. Feeling ko masyadong mataas ang level nila kaysa sakin.
Ang tinutukoy ko ay ang first section. Halos lahat ng magulang pinapangarap ang anak nila na makasali sa first section. Nandun kasi ang lahat ng matatalino. Tama, nandun nga lahat. Lahat ng matatalino, anak ng teachers, lahat. Akala ko magiging madali para sakin ang pakisamahan sila. Hindi pala.
May time na hindi talaga nila ako pinapansin, kaya pala hindi nakakatagal ang ibang estudyante na galing sa mababang section pag napapasama sila sa first section. Pero minsan, naiisip ko ako siguro talaga ang may mali. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin nila ako gusto. Kung may makapansin lang sakin, yun ang yung mga naging classmate ko noong elementary pa ako na ngayon ay napasama sa section na ito.
Hinahanap ko pa rin kung saan yung section ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Sarah! Sarah! Huy! Hintayin mo ako!!!!!!!!!!!" Tumingin ako sa likod. Nakita ko si Janet. tumatakbo. Napangiti ako. Isa kasi siya sa mga nakakapansin sakin sa section na iyon. At siya na rin ang naging bestfriend ko.
"Grabe ka naman girl! Sobra ba ang pagiisip mo at hindi mo ako naririnig? Kanina pa kaya kita tinatawag!" Hingal niyang sabi sakin.
"Naku, sorry girl, hinahanap ko kasi kung saan yung section natin."
"Ay! ako alam ko. haha ! Sabay na tayo" sabi niya sabay ngiti.
"Sige". at ngumiti na din ako.
"Uy lam mo ba, bali-balita may magttransfer daw sa school natin. At mukha daw artista!" Kinikilig pang sabi ni Janet. Hay nako. Hula ko, lalaki yong sinasabi niya. tuwang tuwa e. haha.
"Edi mabuti, sana naman hindi siya katulad ng ibang tao na...." tinigil ko ang pagsasalita. nahulaan naman iyon ni Janet at ngumiti na lang din siya.
"Malay mo, sana nga hindi siya snob no? Aba kung snob siya edi babasagin ko ang balls non!" sabay tawa ni Janet,.
Gulat na gulat naman ako sa sinabi niya. At napasabay na rin sa tawa niya. Iba kasi talaga tumawa ang babaeng to. nakakahawa.
Ang dami pa naming napagkwentuhan, kagaya nalang ng bakasyon niya sa boracay kasama ang pamilya niya. May pasalubong nga siya sakin. Kaso nakalimutan naman niyang dalhin. Hanggang sa makarating na kami sa room namin. Konti pa lang ang nandon.
"Uy, Sarah. Musta?" ngiting bati sakin ni Harry. Siya ang class president namin nung third year kami. at panigurado siya na naman ngayon kung magkaroon ulit ng botohan.
"Eto, ganun pa rin. hehe. Ikaw?"
"Eto, nakukulangan pa sa bakasyon."
"Okay lang yan, mabilis namang lumipas ang araw. Hindi na natin mamamalayan graduate na tayo." ngiti kong sabi.
"Oo nga e. Hindi na siguro kita makikita pagkatapos nun." sabay ngiti niya sakin. Huh? anong sinasabi niya? At kelan pa naging ganito magsalita si Harry?
"Oy! Oy! Tama na ang pagtitig sa bestfriend ko! Baka matunaw yan!" singit naman ni Janet sa usapan. Doon ko lang napansin na matagal na ngang nakatitig si Harry sa akin. Biglang namula yung mukha niya nung sinaway siya ni Janet.
Awkward ng feeling. Hindi ko maintindihan yung ganong nangyari kay Harry. Kaya lumayo na ako at naghanap ng mauupuan namin ni Janet.
Lumipas ang ilan pang minuto, dumating na ang mga classmates ko. As usual, parang hindi na naman nila ako nakikita. Binabati nila si Janet pero hindi talaga nila ako binabati. Ano bang meron? Hanggang kelan ko ba mararamdaman na outcast ako?
Napansin ni Janet ang pananahimik ko. Inakbayan niya ako sabay sabing "Wag mo nang isipin yan. Andito naman ako. Hindi naman kita iiwan" Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung marinig ko yun mula sa kanya. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ko nagagawang makasurvive sa mga taong nasa paligid ko. At syempre, ang pinaka dahilan ay yung mkagraduate ako ng may karangalan. Para sa lola ko.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, ni hindi ko napansin na umalis si Janet sa tabi ko. Nakatungo lang kasi ako. Maya maya pa, narinig kong nagtitilian ang mga babae kong classmate. Pati si Janet tumitili din. Argh! Ano bang meron? Hay. Bahala sila. Basta ako tutungo lang.
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?