Sarah's POV
Pitong buwan ang lumipas. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nagsimula ang klase. Ngayon lalong dumadami ang gabi na walang masyadong tulog dahil kailangang tapusin ang lahat ng assignments, projects para sa last grading period. Isang buwan nalang at makakatapos na ako ng highschool.
Ang nabago lang siguro sakin ay lalong lumaki ang eyebags ko sa gabi gabing pagpupuyat. Hindi rin naman ako makapagpahinga pag weekends dahil kailangan ko namang tumulong sa lola ko sa mga gawaing bahay. Tumatanda na rin naman kasi siya kaya kailangan kumilos din ako. Pero okay lang. Basta para sa lola ko gagawin ko lahat.
Oras na ulit para gumawa ng assignments. Buti nalang hindi pa ako inaantok. Nasanay na sigurong gabi gabi akong puyat.
Papaupo palang ako nang biglang mag ring ang cellphone ko.
"Hello, bestieeee!"
"Hi Janet. Bakit napatawag ka?"
"Hindi ko kasi maintindihan yung assignment sa Math. Pwede pakopya?"
"Baliw ka teh? Bawal kumopya!"
"Eto naman hindi na mabiro. Syempre charot lang yon. Paturo ako bukas bestie ha? Please please please?"
"Matatanggihan ba kita? Sige lang. Basta wag lang kokopya."
"I know right Best."
"Yun lang ba ang tinawag mo Best? Kasi gagawa na ako ng assignment at project sa Science."
"Oo yun lang Best. Sorry sa istorbo. Sige go na Best. Goodnight!"
"Goodnight Best."
Medyo mahirap nga yung sa Math. Kailangan kong tapusin to ngayon para maituro ko kay Janet bukas.
Sobrang mahirap mag aral lalo pag gabi. Yung tipong lahat ng kasama mo sa bahay tulog na. Pero okay lang. Kailangan ko ito e.
Buti nalang may naririnig akong music. Nakakatulong kasi sa akin ang pakikinig ng kanta para makapag relax ako kahit papano.
Maya maya pa ay natapos ko na rin lahat ng assignments at project ko. Naglinis na rin ako ng katawan para matulog na.
Kakahiga ko lang ng biglang may tumawag sa phone ko.
"Hello?"
"Hi Sarah. Matutulog ka na ba?" sabi ng baritonong boses na nasa linya
"Oo papatulog na sana. Bakit ka napatawag?" takang tanong ko.
"Wala lang.. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog.."
"Nasisiraan ka na naman ng ulo. Pakicheck lahat ng turnilyo mo sa ulo baka lumuwag lahat."
"Oo. Lumuwag nga lahat. Lumuwag kakaisip ko sayo."
"Wag mo akong sisihin kung lumuwag lahat ng turnilyo mo sa utak ha? Alam mo puyat lang yan. Itulog mo nalang."
"Hindi ako matutulog hanggang hindi ka nag gu goodnight sakin."
"Ano na naman bang kailangan mo? Ahh.. Alam ko na. Nagbreak na naman kayo no?"
Katahimikan.
"Tama ako. Anong nangyari?" Tanong ko.
"Nakakasawa na kasi e. Lagi nalang ganon. Hindi ako aso para sumunod lahat sa gusto niya. Nakakapagod na."
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?