Sarah's POV
Ngiting ngiti naman akong bumaba mula sa rooftop. Ang saya lang sa pakiramdam. Kasi nakatulong ako sa mga taong hindi ko inaasahang makakausap ko pa. Haha.
Tama naman ang ginawa ko di ba? Kasi kung hindi ko gagawin yon, kelan pa nila malalaman yung nararamdaman ng bawat isa? Hayy grabe. Sana naman magusap na sila ng ayos ngayon.
Nakangiti pa rin ako. Para na akong baliw dito. Hihi. Pasensya naman. E sa kenekeleg eke se kenele e :P
"HUY!"
"Ay palaka!" ano ba tong si Russel, bigla bigla nalang sumusulpot -.-
"Para kang timang diyan. Nakangiti ka pong mag isa no!"
"E sa may nagpangiti sakin e!"
"Huh? Sino?" lumapit siya sakin. Yung as in sooooobrang lapit. Gosh hindi ako makahinga. Bakit ba ang lapit lapit niya? Nababaliw na naman tong lalaking to. Pinagtitripan na naman ako >.<
"Si Bernard." tumingin ako sa kanya. Huh.? Nakangiti siya kanina. Ngayon...
Nakakatakot! Biglang nag poker face!
Nakatingin lang siya sakin. Anong gagawin ko?
"A-ah. kasi... Sila ni Emerald.. Ayun. Umamin na kasi si Emerald na mahal niya si Bernard. Tapos narinig ni Bernard lahat ng sinabi ni Emerald kaya nakangiti ko. Ayun lang."
Timang lang Sarah. Bigla kang nabulol. Nag poker face lang si Russel bulol much ka na agad -.-
At eto namang ewan na to. Bigla nalang ngumiti tapos... TAPOS .....
MAS LUMAPIT LANG NAMAN PO SIYA SAKIN!
"Ah.. akala ko naman kung ano na." ngumiti pa siya ng pagkatamis tamis. Buti nalang nilayo na niya yung mukha niya sakin. Grabe talaga tong lalaking to! Ang lakas ng saltik sa ulo e.
"E nasaan na ba yung dalawang yun?" tanong niya ulit.
"Nandun sa tambayan ko." ngiti ko sa kanya.
"Sa rooftop?" oo nga pala. alam na nga pala niya kung saan ang tambayan ko.
"Oo dun nga." ngiti ko ulit.
"Baka kung ano na ginagawa nung mga yun a." Nakangising sabi ng damuhong to!
"Maguusap lang sila. Wag ka na umakyat don."
"K fine. Ang aga pa o. Kain nalang tayo. Di pa ako kumakain e."
"Basta libre mo."
"Oo na. Dali na!"
"Opo eto na po!" Hihi. Libreng kain na naman ako.
Bernard's POV
Nakatingin lang siya sakin.
Ang maamo niyang mukha.
Ang maganda niyang mata. Na namumugto na.
Lumapit ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin.
Lumapit pa ako ulit.
Nakatingin pa rin siya.
Lumapit pa ako.
"Uhm,.... Happy bi---"
Niyakap ko siya. Niyakap niya ako. Umiyak siya lalo.
"I'm sorry Bernard. Sorry." Umiiyak pa rin na sabi niya.
"Shh. Hush baby. Now I understand. Please don't cry."
"I should have fight for us from the start. But I'm a coward."
"Babe, we still have time. Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Ang mahalaga ay ang ngayon. Tayo. Just promise me na kahit anong mangyari, mananatili ka ng maging matapang. Kasi tayong dalawa na ang lalaban okay?"
Tumango siya..
Nakita ko yung mga regalong nasa tabi niya. Hindi lang isa kundi apat na regalo yun.
"Sayo lahat yan. Naipon simula nung first year pa tayo. Hindi ko kasi alam kung pano ibibigay sayo..." nahihiyang sabi niya sa akin.
Kinuha ko yung mga regalo pero hindi ko muna binuksan. May time naman mamaya.
"Atleast ngayon nabigay mo na. Thank you so much. Kahit walang mga regalo, masaya ako kasi natupad na yung wish ko."
"Ano ba ang wish mo?"
"Tayo." tumingin ako sa kanya. Ang ganda talaga niya. Namumula pa ang pisngi niya sa mga sinabi ko.
I cupped her face.. And slowly, I move closer to her.....
KRIIIIINNGGGGGGGG !!!!!!!!!!!!!!!!!
Kainis na school bell.
---
Sarah's POV
"Hoy matakaw! Bilisan mo nga yang paglalakad mo. Malelate tayo!" sigaw sa akin ng damuhong to.
"Teka naman Russel, kakakain lang natin e. Baka magka apendicitis ako nito!" sabi ko naman.
"Grabe naman kasi kumain e. Yung totoo, ilang sawa ba ang naninirahan sa tiyan mo ha?" aba't ang loko! Kasalanan ko bang malakas akong kumain? E sa masarap kumain e.
"Mga sampu po." sabi ko nalang.
"Kaya naman pala e. Bilisan mo nalang. O gusto mo buhatin na lang kita?"
"Tigilan mo ako Russel a."
"E ang bagal mo naman kasi e!"
"Eto na nga binibilisan na. Ang yabang neto porke mahahaba ang binti. tsk"
"Malamang matangkad ako e. Maliit ka lang talaga."
"Heh! At dahil napagod ako dahil minamadali mo ako, ililibre mo ako ulit mamaya."
"Basta bilisan mo. Ililibre kita mamaya. Wag lang tayong ma late."
"Ayun naman pala e. Tara takboooo!"
"Tingnan mo to. Basta talaga pagkain." at tumawa siya. Tumakbo na lang kami para hindi kami maunahan ng teacher namin.
----
A/N: Halu !!! nakakatuwa naman. Akalain mong may nagbabasa nito. haha.
Siguro naguguluhan kayo sa bilis ng pangyayari :D Oh well, balak ko kasing gawan ng sariling love story si Bernard at Emerald, siningit ko lang talaga dito kasi classmate sila ni Sarah :)
Mejo lame itong update ko. I'm so busy. Busy sa pagpprogram. Wala pa nga akong tulog. haha.
Anyways, thank you sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa nito. Baby ko to e. First time kong gumawa ng kwento so please pagpasensyahan niyo na ako :D kung anong pumasok sa utak ko tinatype ko agad e. hahaha.
Okays, back to work then. marami pa akong icocode at idedebug :D
XOXO
~nhixxx08
BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?