Harry's POV
"Makakaasa ka, pare. Kahit hindi mo naman sabihin, hindi ko hahayaang mawala siya sakin. Alam mo naman ang kaya kong gawin para sa kanya diba?" malumanay na sabi sakin ni Russel.
Ang bilis ng panahon. Parang nakakaloko lang. Parang kailan lang masayang naging malapit kami ni Sarah, Janet at Russel, ngayon malapit na kaming magtapos. At alam ko mas tumibay kami ngayon. Lalo na at okay na sila Sarah at Russel.
Nalaman ko din lahat ng ginawa ng Russel para kay Sarah. And to be honest, hanga ako sa ginawa niya. Hindi na ako lalaban pa don. Nakita ko kung gaano niya kamahal si Sarah. Kaya hahayaan ko silang sumaya. Siguro hanggang pagkakaibigan nalang talaga kami ni Sarah. Masaya na ako don. Atleast kahit kailan hindi mawawala yung friendship.
"Siguraduhin mo lang pare. Kasi kung hindi--"
"Alam kong gusto mo siya, Harry. Hindi naman ako pinanganak kahapon. Kaya nga gagawin ko lahat para hindi mo siya kunin sa akin." pagbibiro pa niyang sabi. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Alam ko naman na hindi niya sasaktan si Sarah. Kailangan ko lang gawin yon para magkaroon naman siya ng takot kahit kaunti.
"Mabuti na ang malinaw Russel. Wag na wag kang gagawa ng bagay na masasaktan siya ng sobra. Itaga mo sa bato, kahit si Janet hindi ka kakampihan non."
Napangiti siya noong sinabi ko ang pangalan ni Janet.
"O, bakit napapangiti ka diyan? Nababaliw ka na?" pagbibiro kong sabi.
"Kumusta naman kayo ni Janet?" ha? Ano daw? Kami ni Janet? Aba nababaliw na nga ata ang isang ito. Kakasabi lang niya kanina na alam niyang may gusto ako kay Sarah pero kinakamusta niya kami ni Janet?
"Anong kumusta? Hindi naman kami nag away ah? Teka. Hala! Galit ba sakin si Janet? May nagawa ba akong mali sa kanya na hindi ko alam?" sunod sunod kong tanong. Weird. Saan ko ba nakuha ang mga tinanong ko?
"Haha. Chill bro. Bakit parang nataranta ka bigla?" natatawang sabi nito. Pinagtitripan pa ata ako ng mokong na to.
"Kung makatanong ka kasi wagas. Parang nag away kami ng matindi kung magtanong ka. Siyempre okay kami non. Pero tahimik siya lately." bigla kong seryoso na sabi.
"Ha? Si Janet? Parang hindi naman ah. Pag kasama namin ni Sarah yon ang ingay niya pa rin."
"Weird. Pag kasama ko iyon tahimik e. Hala. Baka mamaya may nagawa nga akong mali a."
"Bakit di mo tanungin?"
"Sige. Kakausapin ko nalang siya mamaya. Tara na. Baka hinahanap na nila tayo." sabi ko sabay lakad. Baliw na yon.
Bumalik kami sa canteen kung saan naghihintay ang dalawa. Nakita ko si Janet na tumatawa habang kausap ni Sarah. Pero nang makita na niya kaming palapit, napatingin siya sa akin at nawala ang ngiti niya. Hala. Baka may nagawa nga akong mali a.
"Sorry babe, nag-usap lang kami saglit ni Harry." pagpapaliwanag niya kay Sarah.
"Huh? Tungkol saan?"
"Nagpapatulong sa akin manligaw." nakatingin pa rin ako kay Janet na biglang umiwas ng tingin habang nagsasalita si Russel tungkol sa -- ANO?!
"HOY LOKO-LOKO KA! Anong ligaw ang pinagsasasabi mo diyan!" biglang sigaw ko habang nakikita kong tatawa tawa si Russel. Loko talaga ito. Kanina pa ako pinagtitripan.
"Chill lang pare, nagbibiro lang ako." natatawa pa rin nitong sabi.
"E teka, ano ba kasing pinag-usapan niyong dalawa?" tanong ulit ni Sarah.
"Tinakot ko lang ng kaunti tong lalaki na to. Sabi ko ako makakalaban niya pag sinaktan ka niya." diretsong sagot ko.
Napangiti naman si Sarah dahil don.
"Hinding hindi ko sasaktan ang babe ko. Diba babe?" tapos biglang yumakap si Russel kay Sarah. Lalanggamin kami nito sa sobrang sweet ng dalawa.
Napatingin ulit ako kay Janet na tahimik na naman. Ano ba kasing problema ng babaeng ito? Galit ba siya sakin?
"Okay ka lang ba, Janet?" di ko na matiis at tinanong ko siya.
Napatingin din si Russel at Sarah kay Janet.
"Huh? Oo naman. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko." pagkakaila niya. I know there's something wrong with her.
"Ha? Hala. Umuwi na kaya tayo?" pag-aalalang sabi ni Sarah.
"Okay lang ako bes. Diba may date pa kayo ni Russel? Makakauwi naman ako mag-isa e."
"Ihahatid ka muna namin. Diba babe?"
"Wag na talaga best. Kaya ko naman."
"Sige ganito nalang. Ako na maghahatid sayo pauwi. Sige na Sarah. Mag date na kayo ni Russel. Ako na bahala kay Janet." sabi ko naman.
"Sure ka?" paninigurong tanong ni Sarah.
"Oo naman. Sige na. Mauna na kayo. Ako na bahala dito." ngiting sabi ko.
"Okay sige. Sabi mo e. Bye bes." yumakap siya kay Janet tapos umalis na sila.
"Tara?" sabi ko naman kay Janet.
"Di mo naman ako kailangang ihatid. Kaya ko naman ang sarili ko." hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"Gusto ko. At saka mag-uusap tayo." seryosong sabi ko. Napatingin naman siya sa akin dahil don.

BINABASA MO ANG
Story of My Life
RomanceDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang tao. Paano nila pakikitunguhan ang isa't isa kung malalaman nilang ang lahat ng nangyayari ay kasama lang sa isang malaking kasinungalingan?