Seed 20

711 11 5
                                    

Maraming nagtatanong sa akin kung kailan ko raw ba dudutungan ang sulat kong ito kay Dear Seed at kung matatapos daw ba ito? Gusto raw itong gawing libro ng isang kilalang publishing company.

"Hindi mo parin binabasa yung sinusulat ko eh, halos matatapos na ako!"

"..ayoko."

"Eh bakit nga?"

"bakit ba gusto mong tapusin, eh diba tungkol sa akin yan? so ano? gusto mo nang tapusin ang lahat ng to?"

habang nag wide arms open sya at tinuro ang abs nya sabay ngumiti.

"makakalimutan mo ba to?" palambing nyang tanong.

"Eeh.. tamad ka lang kasi!"

--------

Si seed ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Siya ang pag-ibig na dumarating ngunit umaalis rin, bumabalik sa ibang katauhan, sa ibang soul, sa ibang pangalan at iba-iba't ibang scenario. Si Seed ang aking first love, and aking true love.

Maraming pagkakataon na sinubukan kong tapusin ang DearSeed sa isang upuan para sa mga taong nananabik tapusin ito, ngunit lagi kong sinasabi, hindi ako mapapagod sa pagsusulat sayo hangga't hindi kita nakikitang muli. Si Seed ang dahilan kung bakit ako nabubuhay, nagsusurvive, siya ang aking inspirasyon sa paggising. Si Seed ang pag-ibig.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"Paano ba kita malilimutan Seed?"

"huwag mo nang subukan dahil hindi mo kaya."

"Paano mo naman nasure?"

"Kasi mahal mo ko."

"Maraming beses naiinlove ang tao at nalilimutan din naman nila yung mga yun at nakakahanap sila ng iba."

"paano nila yun ginagawa?" patanong ni Seed

"Uhm, yung iba sa first night, iinom. Kasi diba lahat ng heartbreak, ke- panguna pa yan, pangalawa o pangatlo o pang isang daan, ang sakit parang laging first time. Paiba iba yung pain. Na sinasabi nila kapag dinaanan mo na, sa pangalawang beses madali nalang kasi alam mo kung ano nang gagawin mo."

"Uhuh.." Pag tungo nya habang nagbabasa ng libro.

"tapos, malalasing, mga unang buwan medyo mahirap pa, yung stalk stalk ang drama mo at lagi mo siyang chinicheck sa facebook, o kaya sa mga online accounts nya, lagi mo rin checheck phone mo baka one day bigla ka nyang maalala at sabihin nyang "I miss you." parang dun pa lang sa salita na yun kakaripas ka ng takbo sa bisig nya and everything will be okay."

"Hmm.. tapos?" sabay paglipat ng sunod na pahina sa kanyang libro

"Tapos... hanggang sa yung pag-ibig na naiwan, hindi na masuklian, may makilala ka nang ibang tao na magpapahalaga sayo. Na ihahatid ka pauwi, itetext ka palagi. Back to zero na may naggogoodmorning sayo, sa mga unang linggo o buwan malulungkot ka pa dahil "ay sya lang pala" ang nagtext at hindi yung inaasahan mong tao. Araw araw parang pinipiga at minamartilyo ang sakit ng puso mo. Bigla mong masasabi na "Alam ko kung saan masakit, alam ko kung bakit masakit, yun lang.. hindi ko alam ang gamot." na sana, nilagnat ka nalang o nagkasakit sa puso na literal at sasabihin mo ulit "can i just die now?"

"Haha, okay.. and then." pakikinig nya.

"tapos nun, paunti unti ay naiinlove ka na sa taong nagpapakita sayo ng kakaibang halaga. Malalaman mo na hindi mo pala deserve ang ang pagtrato sayo nung dati and you deserve so so so much better. and then you'll eventually realised na you're all healed. Buo na ulit ang puso mo, mahirap sa una pero masarap kapag nagawa mo na."

"Hmm.. and then."

"Ayun tapos na."

"Eh bakit mo pa ako tinatanong?"

"Curious lang, kasi feeling ko... Wait! isusulat ko yun sa libro na ginagawa ko. Magandang quotations yun na hashtag hugot! thank you!" sabay paghalik ko sa pisngi niya.

----- 

Dear Seed, 

                Alam ko na marami nang pagkakataon tayong nagpaalam sa isa't-isa. Ngunit parang magnet, + at -, maraming pagkakataon na bumabalik tayo, nagkikita at inaayos ang mga bagay bagay. Minsan nakakapagod rin, pero hindi ba normal naman yun? Alam mo, matagal na tayong hindi nagkikita at halos hindi ko na matandaan ang mukha mo, samantalang dito lahat ng nunal mo sa katawan at balat ay saulong saulo ko. Saan ka nga ulit may nunal? sa kaliwa ba o kanan mong mata? dati alam ko pa kung ilang cm ang haba ng pilimata mo. Ngayon, sa tagal ng panahon ay unti-unti ko nang natatanggap na wala na talaga kasama ng mga pangakong babalik ka.. pangakong hindi mo ako iiwan at kung gagawin mo man at babalik ka. Pero pinanghihinaan na ako ng loob, hindi na ako masaya, pagod na ako, ayoko ng maghintay....

--------------------------

"Ano yan?" patanong ni Seed mula sa aking likuran

"quotes?" 

"quotes para saan?" Ika ni Seed

"Para sa book ko. Sa book na you know.. inspired by you.. yihee!"

"Eh.. nakakatuwa ka talaga." pasintabi nya sa akin.

pinatayo nya ako at sya ang umupo sa upuan ko at tsaka nya ako kinandong. Bigla syang yumakap sa akin.

"Alam mo, minsan... marami nang mga words na pinagpapasa pasahan dahil maraming nakakarelate dito. Nawawala na yung effort ng tao na sabihin ang gusto nilang sabihin dahil sa mga quotes na yun na napupulot nila sa paborito nilang libro. Feeling nila in one sila sa author, feeling nila pare pareho sila nang nararamdaman. pero bawat pakiramdam, ay unique."

"Hindi ko gets."

"Hindi na bale, pero Cy.. Kung sakali man na gusto mo akong kalimutan, hayaan mo ako na mauna ha. Baka kasi hindi ko kayanin."

"Taena, unfair naman yun. Paano naman ako?"

"Paanong ikaw?"

"Paano kita kakalimutan kapag nakita kong masaya ka na sa iba? Paano?"

"Edi wag mong gawin. wag mo akong kalimutan."

"pwede ba naman yun?"

"Pwede."

"Paano?"

"tapusin mo yang libro na yan. Dun mo lang ako malilimutan."

------

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon