Seed 9

1.6K 18 1
                                    

“Hindi kita sinundan, siya ang naglalapit sayo sa akin.”

“Pakiramdam ko mahuhulog yang box” Banggit niya habang pinipilit mailusot ang buong pizza sa kanyang bibig.

Habang ako nakatitig.

“Hindi ka naglalagay ng hot sauce sa pizza?” tanong ko sa kanya.

“Hindi, gusto ko kasi malasahan yung tunay na lasa ng kinakain ko.

“Pero hindi masarap ang pizza kapag walang hot sauce.

“Ayoko.”

At dun na nahinto ang paguusap namin, galit-galit muna habang ngumunguya.

Maaring balang araw, hindi ito ang love story na gustuhin ko. Ayokong isipin na magiging love story ito.. Ayokong maumay, katulad niya. Ayoko rin na may gumaya sa amin. Na balang araw, may gagawa ng mga bagay na ginawa namin. Nagdadalawang isip parin ako hanggang ngayon kung gusto ko siyang ipagmalaki sa mundo.

Natatakpan nang sarap ng kasinungalingan ang tunay na tamis ng pagmamahalan.

Sigurado ako na siya, ayaw niya.

6 months ago, halos maiyak na ako sa kanto ng street namin. Dinaig ko pa ang itsura ng mga batang nanlilimos at walang makain. Umiiyak ako. Gusto kong maglupasay sa kalsada. Ito yung mga oras na gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit sa lahat dahil parang pinagtritripan na ako ng mundo. Hindi na ako halos nakakapasok sa trabaho, hindi ko alam kung bakit, Siguro alam ko.. Ayoko lang aminin sa sarili ko na sa mga panahong yun. Wala akong ibang masisi. Nainlove ako sa iba, naghanap ako ng diversion dahil ilang buwan simula nung bonfire. Hindi ko na nakita si Seed.

Inisip ko rin na dapat tigilan ko na ang kahibangan ko sa kanya. Sa ganung uri ng lalake, malamang hindi rin magtatagal, makakakita siya ng iba at ipagpapalit ako. Bihira ka nalang makakakita ngayon na may magagandang mukha at totoong puso. Hangga't may pagkakataon, manloloko. Ang sama ng loob ko, nakakilala ako ng hihigit kay Seed. Ginawa ko ang lahat pero wala, talo parin ako sa pag-ibig.

O pwedeng nagkamali ako na may mas hihigit pa sa lalakeng sinusulatan ko ilang buwan na ang nakakalipas -- Wala, walang nakahihigit kay Seed.

Hindi ko nga ba alam kung bakit ako laging nagmamadali, parang lagi akong may hinahabol. Kapag nakarating ako sa gusto kong puntahan, gusto ko nalang umuwi at magpahinga. Ganun palagi ang set up ng love life ko. --NG BUHAY KO.

Hindi ko alam kung bakit wala na, hindi ko na nakita si Seed. Tumigil na akong maghanap at maghintay.

Kadalasan pakiramdam ko, hindi ko na natutulungan ang sarili ko, sarili ko pa ang nagiging dahilan kung bakit ako nalulugmok sa lungkot. Wala akong magawa. In the end, mauuwi nanaman ako sa katotohanang hindi ko matanggap na wala akong ibang masisi.

Umiiyak na ako, nakaupo sa harap ng isang abandonadong bahay.

Biglang may kumalabit sa akin at napatingin ako.

Bakit kung kailan hindi mo naman kailangan, laging may mga taong hindi kayang manahimik sa isang tabi at matutong wag makialam sa problema ng iba?--- lalo na kung ikaw ang may problema.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon