Seed 3

2.6K 29 5
                                    

Dahan-dahan habang pilit kong binubukas ang aking mga mata, may librong nakabukas sa ibabaw ko, habang naririnig ko ang tibok ng puso niya.

Nakahiga ako sa dibdib niya, hindi ko namalayang nakatulog ako. 

"Goodevening.."

Habang humahalik sa aking noo.

"Anong oras na?"

"9.. 9 something.."

"uhhh.."

habang sinusubukan ulit matulog, ang bango niya, yung bango na hindi nawawala, mapa-bagong ligo man o kahit pawis mula sa mahabang nakakapagod na araw.

"Bumangon ka na, hindi ka pa kumakain.."

habang paunti-unti niyang nililipat ang pahina ng libro na binabasa niya.

"Hindi pa ako nagugutom.."

At biglang tumunog ang tyan ko.

"hahaha.." Nadinig ko nanaman ang malambing niyang tawa.

"Ikaw hindi, yung baby natin Oo.." Palambing niyang hinabol pagkatapos tumawa.

"Hindi pa siya gutom.. inaantok pa ako.."

"hay nako..." Sabay buntong hininga.

"ang bigat mo na, ilang oras ka ng natutulog sa ibabaw ko.. Nangangawit na yung binti ko, kanina pa ako nagpipigil ng ihi.."

sabay bumangon ako sa inis.

"Edi dapat ginising mo ako nung naiihi ka!!"

"Shhh.." sabay yuko habang nagpipigil siya ng tawa.

"Ang sarap ng tulog mo, nakangiti ka pa.."

"Wag mo ko kausapin, umihi ka na.."

"hahahaha.. ang cute mo talaga.." Binaba niya na yung librong binabasa niya.

"Halika dito.." Lumapit siya sa akin at binuhat ako.

"tara kumain.." ang sabi niya.

"Tekaaaaa!!!!..." dali-dali kong sinagot "Pagshortin mo naman ako!"

"Okay na yan, ang sexy mo ngang tingnan.." Sabay tingin sa akin.. "mas gusto ko yan.."

Isang bagay na dapat niyong malaman eh hindi ako natutulog ng balot na balot. Sa init ng panahon parang ang sarap lang matulog ng naka-panty at sando.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang patuloy parin siyang naglalakad, lumagpas na kami sa kusina, sa dining room.. Saan naman kami kakain nito?

Habang nakayapak pa siya, pero nakadamit, samantalang ako walang SHORTS! at nakapanty lang, lumabas kami ng bahay. sa likod, patungo sa garden.

Halos maiyak na ako nung nakita ko na sobrang liwanag, maliliit na ilaw, parang lumilipad na alitaptap, napalibutan ng mga makukulay na ilaw ang buong hardin. Kasama doon ang dalawang upuan at isang lamesa na may nakatakip na pagkain.

Sa upuan, may nakalapag na Palda, ang cute. Alam mo ba yung mga paldang sinusuot ng mga ballerina? Ganun, para akong bata na biglang tumalon mula sa braso at pagkakabuhat niya. 

"Ano to Seed?"... "hahaha, sheeeet!" alam ko na kahit walang salamin, alam ko na nakangiti ako, abot tenga ang ngiti ko.

"Ngayon, magiging bata tayo ulit.." Sabay ngiti niya sa akin.

Shit, Shit! Kung andun lang kayo nung mga panahon na yun at may dala kayong videocam, alam ko na isa yun sa magagandang storya na magandang I-film. Naiyak ako sa tuwa, hindi ko alam kung bakit.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon