Mahirap ng sundan kung gaano na ba katagal, literal na matagal na..
..na parang nabaon na ang lahat sa limot.
Sa pagyakap ng lalim ng gabi habang pinagmamasdan ko ang supling na nakahiga sa aking tabi. Bigla kitang naalaa, ang ating mga pangarap, mga plano, mga bagay na gagawin natin ng magkasama. At hindi, hindi tayo hihinto.. sa paghihintay, sa pagmamahal at pagpapahalaga sa isa't-isa. Biglang pumatak ang luha sa aking mga mata na para bang sa napakaraming beses kong nagsayang ng tubig mula sa aking katawan, ito ang luha, ang pag-ibig, ang sakit na parang palaging first time.
Naaalala ko nung minsan tayong bumalik sa malaking puno malapit sa ilog kung saan napansin kong parang kakabit ng mga mata mo ang langit. Habang nakahiga ako sa iyong hita at binabasahan mo ako ng libro, habang nadidinig natin ang mga nagtatahulang aso na hindi natin malamang kung saan nanggaling. Mapayapa sana ang scenariong iyon tulad ng napapanood ko sa pelikula, pero yun ding mga scenario na yun ang gusto mo, madalas ay hindi kita maintinidhan, pero dahil doon, dahil doon kaya lubos-lubusan at sukdulan ang pagmamahal na iniwan mo sa akin.
----
Dahan-dahan, parang slow-mo ang galaw ng iyong labi sa bawat pag-bigkas ng mga letra sa librong iyong binabasa. Wala na akong nadidinig kundi ang huni ng mga ibon, ang paggalaw ng tubig sa ilog, ang hangin na tumatama sa dahon ng ating promise tree.
"Hindi ka makatulog?" bigla siyang huminto sa pagbabasa at tumingin sa akin.
at.. lumagapak nanaman ako sa tunay na mundo.
"Hindi eh, ang ingay ng aso, saan ba galing yun?" pagtataka kong tanong sa kanya habang nakakunot ang aking noo.
"Hindi ko rin alam, pero ang alam ko lang, kapag walang distraction sa magagandang at.. seems to be perfect na sitwasyon, kagaya nito" at bigla nyang ipinorma ang kamay nya na parang pakpak.." katulad nito, hindi ito ang tunay na mundo.
"Ha?"
"balang araw ay marerealise mo rin na, ang pangit minsan sa isang bagay o lugar ang sikreto kung bakit ito nagiging maganda." at bigla siyang tumingin sa akin.
"Seed.." hinawakan ko ang mukha nya at inilapit sa akin habang nakahiga parin ako sa kanyang hita. Tahimik naman siyang sumunod sa pag-guide ko sa kanya papunta sa aking mukha.
"Ayoko na itong matapos, ikaw.. ako.. tayong dalawa. Mahal kita." ngumiti ako at muli ko siyang hinalikan
Tumingin lang siya sa akin at sinabi nya ang lagi niyang linya. "I know, baby.." inilapat nya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib, at sabay ituro naman ang kanyang isip.
at banggit niyang..
"In heart, and in mind... I will always remember that." sabay muli ang paghalik niya sa akin.
"Seed.." muli kong pagtanong sa kanya
"Paano kung dumating ang araw na lamunin na ng panget ang relasyon nating dalawa? yung tipong makita mo na ang ugali ko, makita ko na ang ugali mo, o kaya ay magsawa na tayo sa isa't-isa. Paano kung matulad tayo sa iba na nangangako lang ng habang buhay ngunit ang habang buhay na yun ay natatapos rin? paano kung umayaw ka na sa akin? at umayaw na ako sayo?" may pagkunot noo kong tanong, may halong takot, kaba sa kung ano ang isasagot nya.
"Hmm... there is only two questions to answer that, depende sa sagot mo sa tanong ko ang sagot ko." sagot nya habang nagbabasa ng tahimik.
"Ano yun?"
"Mahal mo ba ako?" nagulat ako sa tinanong nya sa akin dahil kakabanggit ko lang nito sa kanya kanina.
"Oo naman."
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Aléatoire"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...