"Beep beep.."
Sino ba ang gusto ng traffic? Ugh! Ganitong ganito ang eksena tuwing umaga kapag papasok ako ng trabaho. Pero ang traffic na ito, hindi rin nakalusot sa Storya ng pag-ibig namin ni Seed.
---
"Itigil na natin to, magpahinga muna tayong dalawa.." at sabay pagtawid nya sa kabilang kanto na parang tinalukuran nya na ang lahat sa amin. Hindi niya ako nadinig, ang mga luha ko, tumigas na ang puso nya.
---
Madaling madali na akong umuuwi noon dahil nagkaton din na marami pa akong tatapusin na trabaho sa bahay. Pagod na pagod na ang katawan ko at parang gusto ko ng tawagin ako ng lupa, pwede bang mamatay na ako this instant? Nagmamadali rin ang mga kasabayan ko sa kalye ng gabing yun, lahat nagmamadaling umuwi dahil sa inaabangan nilang teleserye sa TV. What's with this teleseryes anyway? nakakasawa na paulit-ulit nalang ang script na maiinlove ang isang lalake sa mahirap na babae o ang isang crush ng bayan sa isang babaeng panget o ang siga sa babaeng nerd, o di kaya naman ay parang F4 o full house. Nangyayari ba talaga yun sa totoong buhay? Sana magkaroon din ako ng love story na pwede kong ikwento sa mundo! Yung tipong kapag lumabas ako ng bahay ay may mga camerang nakahnda sa gate at mga papel na naghihintay mapirmahan ng pirma kong papuntang korea, hindi kasi mawari. Maraming tumatakbo sa isip ko habang naghihintay ng masasakyan ko pauwi. Wala na rin akong pataxi kaya magtyatyaga ako sa Jeep, o di kaya naman sa FX para medyo safe at air-conditioned. Hindi ko man lang napapansin na halos wala na pala ang mga tao sa tabi ko, nakasakay na pala lahat! kakaimagine sa fame na pwede kong matanggap sa naiisip kong plot ng storya, Hay! ang aking mga pangarap.
Dala ng takot paalis na sana ako noon, para lumipat sa medyo maliwanag na lugar or sa ilalim ng pinakamalapit na street light. Nung papalakad na sana ako ay biglang nakasalubong ko ang gwapong lalakeng nakita ko sa MRT na matagal ko nang hinahanap, putanginaaaaaaaa! pagsisigaw ng konsensya ko na hindi na macontain ang kanyang pagkakilig.
Si SEEEEEEDDDDDD!!!!
Dali dali kong iniatras ang paa ko na tinatago ang paunti unti nitong paghakbang pabalik. Kunwari ay nagaabang ako ng masasakyan, pero.. nagaabang naman talaga ako ng masasakyan. Naka black t-shirt, naka salamin, naka braces ni Green. Ang mga ngiti, ang dibdib, ang braso, ang lalaking pangarap ko.
tumabi sya sa akin habang nakatayo. Alam ko na natatandaan nya kung sino ako, I mean, na ako ang babaeng baliw na baliw sa kanya, stalker ba! pero hindi ko naman alam kung saan ko siya hahanapin! pang ilang beses na ba namin itong pagkikita? parang tinutulak kami ng gravity ng mundo o di kaya ay pinlastahan kami ng Diyos ng magnet sa isa't-isa. Napakalaki ng maynila, napakalaki ng mundo pero sa mga pahanon na hindi mo inaasahan, dumadating ang kaligayan mo.
Medyo pinasisimplehan ko lang ang pagtingin sa kanya habang naglalaro sa isip ko ang katagang "kanin nalang ang kulang." at ang mga biro na "sana ay magkasabay kami o di kaya sasakay ako sa sasakyan nyang jeep o fx at kunwaring bababa ako sa kung saan sya bababa, at maglalakad ako, susundan ko sya hanggang sa malaman ko kung saan sya nakatira." parang adik lang o manyakis na may gustong reypin na dalaga ang peg ko ng gabing yun. Hindi niyo ako masisisi kasi style ko talaga yun tsaka kung nakikita nyo sana ang nakikita ko ng gabing yun, mapapadasal kayo ng "Lord, ito na pls ito nalang! ito na talaga ang sagot sa mga prayers ko!"
muli akong tumingin sa kanya, nakita ko siyang nakatingala. Gawain nya ba talagang tumingala? ayaw nya bang makita ang mukha ko? habang pinagmamasdan ko ang mukha nya, lumalapat sa mga mata nya ang kulay ng pula mula sa traffic light na nakatinding malapit sa aming dalawa. kitang kita mo ang kinis ng mukha nya at ang mata nyang punong puno ng hiwaga, nung mga gabing yun ay kumikislap ito gawa ng pulang ilaw, namukha itong mamahaling bato, parang ruby. Pinalamuti pa ng mahahaba at kurbado nyang pilik mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/1178844-288-k790466.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...