Seed 5

1.8K 13 1
                                    

Isang linggo ang nakakalipas simula nung una ko siyang makita.

"Seed.."

Habang sinusuyod ko ang mataong lugar sa stasyon ng Tren.. Hindi ko na siya nakita, siguro, hindi na yun mauulit. Siguro isa lang siya sa mga taong kailangan kong makita sa isang araw, at hindi ko na makikitang muli. Katulad ng mga taong bumabangga sa akin o bigla kong natitigan mapa-byahe sa jeep o FX man. Siguro wala siyang pinagkaiba, Siguro hindi na kami magkikita, pero ayaw ko mawalan ng pag-asa. Parang sa unang beses na nakita ko ang mga ngiting yun, may kung ano siyang kinuha sa akin, wallet? Hindi, higit pa dun, ang isip at puso ko, kapalit ng MRT ticket? Card?

Napapangiti nalang ako sa tuwing maaalala ko kung paano niya sinabi yun. Kahit pakinggan ko yun paulit-ulit, hindi ako magsasawa. Kung pelikula lang ang pangyayari na yun, makakaisang libong beses ako sa kakapanood nun sa isang araw. Siguro nga baliw na ako, siguro. Hindi ko alam, basta alam kong magkikita kami ulit. Gusto ko siyang maging bida sa pelikula ng buhay ko.

Si Seed.

Nakakatawang isipin na hindi naman ako madalas Mag-MRT, nung araw na yun, nung araw na nakilala ko siya. Nagkataong late na ako sa pinapasukan kong trabaho. Ayoko sa mainit, sa mataong lugar. Feeling ko mahihimatay ako. Nadala na ako nung minsang nagMRT ako at bigla akong nahimatay. Sa sobrang pagmamadali at ayokong makipagsapalaran sa traffic, sinuong ko ang mataong lugar sa estasyon. Totoo nga na may dahilan ang lahat ng bagay. Tinanghali akong gumising, hindi pa ako bumangon, binilisan kong maligo, hindi na ako kumain at POOF! nagdesisyon akong mag-tren

Magtren. Pabalik, kung maaga akong nagising, hindi ko makikilala si Seed.

POOF! totoo ngang everything happens for a reason, paano kaya kung tinanggap ng machine yung mga piso at dali-dali akong sumakay ng tren? Paano kung doon mismo sa pila na may sukli ako pumila? Nagkita kaya kami? Hindi.

kaya nagpapasalamat ako na hindi ako nagising ng maaga.

Wala din, dala ko ang camera ko nun pero hindi ko siya napichuran. Wala akong ibang nagawa kundi picturan ang kamay ko hawak ang MRT ticket? Card? na galing sa kanya. Alam niyo ba? Hindi ko yun ginamit. Bumili ako ng bago, pumila ako ulit. Yun ang unang bagay na iniwan sa akin ni Seed.

Siguro nga hindi na kami magkikita, pero atleast alam ko na hindi ako nananaginip. Hinawakan kong maigi ang card.

"Magkita pa kaya tayo ulit?"

---

pagka-uwi ko galing sa trabaho nung araw na yun. Kahit pagod at gusto ko ng matulog, kumuha ako ng notebook, nagsimula akong magsulat. Hindi ako mahilig sa mano-manong diary--mabilis kasi magpasma ang mga kamay ko. Mahilig lang ako magblog. Pero sa dinami-dami ng taong naiblog ko sa buhay ko. Malamang hindi na maging espesyal sa mga mambabasa ko si Seed. Kikiligin sila ng kaunti at wala na paglipas ng araw, malilimutan na nila ulit yun, at ako siguro. Ilang araw, malilimutan ko narin siya tulad ng mga taong blinog ko noon. Yung tipong may nakakairitang tulog na lalake sa FX na sandal ng sandal sa akin, at yung mga bata sa kalye na parang sirang plaka sa "Te, pengeng barya." lahat ng nangyayari sa akin blinog ko.

Nagdalawang isip ako kung ibloblog ko ba siya at ishashare sa tao, ayokong makalimutan siya ng mga mambabasa ko, ayokong maging isa lang siyang entry. Pero? pwede ba akong mablog ng tungkol sa kanya araw-araw kahit isang beses lang naman kaming nagkita?

Walang pagaatubili. nagblog parin ako kahit na ang daming dahilan para hindi, pero yung nagiisang dahilan ang sinunod ko, AYOKO SIYANG KALIMUTAN. Ayoko siyang kalimutan, ayoko. 

Blinog ko siya, marami ako nakuhang feedbacks sa storya ko nung araw na yun. maraming nanghingi ng litrato. Hindi ko naman sila masisisi, kahit ako, maghahanap ako ng picture kung ang pagkakadescribe sa kanya ay parang almost-perfect-guy. Pero hindi naman natin masasabi na perpekto ang isang tao base sa mukha niya o kilos, yung mukha niya, Oo siguro perpekto. Pero dahil hindi ko pa siya kilala, hindi ko pa siyang nakikitang tumubo, hindi ko pa alam kung gaano siya kaganda sa labas at loob. Seed palang siya sa akin.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon