"Good morning!" abot tengang nakangiti at banggit ng isa sa mga kaibigan ko.
"Uyy, magkasama sila ni Seed kagabi.." dagdag pa ng isa.
--
Ang ganda ng sinag ng araw na tumatama sa medyo luma ng bintana ng inupahan naming bahay sa nasabing outing. Kasama ng amoy ng mabangong hain ng sinangag at kape, pakiramdam ko isa na yun sa pinakarelaxing na pagkakataon sa buhay ko. Sa ganda ng araw, hindi masakit sa mata o maging sa balat, kasama ang matatagal ko ng kaibigan at ako, sa mga pajama ko. Eto na siguro ang isa sa mga pangarap kong natupad na.
"Saan ba mangingisda?" "Umakyat nalang kasi tayo ng bundok!" "hay nako, ang gulo niyo, manood nalang tayo ng TV, magmovie marathon nalang tayo" "Magmamarathon ka lang? nagpunta ka pa dito sa kabundukan kung manonood ka lang ng TV!" "Yuck KJ"..
Habang naririnig ko silang nagtatalo kung ano ba ang planong gawin nila para sa araw na to, nakatingin ako sa bintana. Naaliw ako sa maliliit na alikabok na lumilipad dito, iniisip ko na mga fairy dust sila, o mga alikabok na nagtratrabaho sa hangin o mga ligaw na hiling ng mga tao. Lagi akong namamangha sa tuwing makakakita ako ng mga ganito. Parang mga butil butil na parte ng isang wishing plant. Lumilipad nanaman ang isip ko, siguro dahil sa sobrang pagkarelax.
--
"Huyyyy... Uyyyy..." Pabunggo sa akin ni Katy, Isa sa malalapit kong kaibigan.
Alam ko na ang ibig sabihin ng mga ganung tono ng "Uyyy.." Ang mga kaibigan talaga, sila pa ang nagtutulak madalas sayo ng mga bagay na iniiwasan mong isipin. Hindi maaaring hindi ka magkwento ng kahit ano tungkol sa mga bagay na gusto nilang malaman.
"yep?" Habang humihikab pa at gustong bumalik sa kama.
tatayo na sana ako para makaiwas pa sa mga susunod na tanong ng bigla niya akong hinawakan sa braso at pinilit magpunta sa dining table kung saan andoon na silang lahat.
"Guuuuuys! Hindi pwedeng walang kwentoooooo! alam niyo na, chika minute!" pasisigaw niya na may kaartehan ang boses.
"Psh.. aga aga..." Sagot ng isa.
May sasabihin pa sana ang iba ng biglang may kumatok, wala pang nagbubukas ng pinto, bigla ng pumasok ang mga kaibigan naming lalake mula sa kabilang bahay. May dala-dalang mga pagkain.
"Sabay-sabay tayong magbreakfast!" Sabi ng isa ng nakangiti.
Natulala nalang ako dahil sa mga pangyayari, ang saya-saya nilang lahat. Habang pinagmamasdan ko sila, pakiramdam ko may kulang.. Nagulat nalang ako nung may nagsalita mula sa likuran ko.
"Hi Miss, Goodmorning.." pagbati ng malambing niyang boses.
Si Seed.
Bago pa man ako makalingon para tingnan siya, pumunta na siya mula sa harapan ko, ngumiti at muling naglakad papunta sa lamesa kung saan andun na ang lahat na kumpleto na at mukhang pamilya. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung kinikilig ba ako o ano.
Andun lang ako, nanatiling nakatayo.
----
Habang naglalakad papalayo sa bahay, hindi ako mapakali na napapansin kong nakatingin siya sa akin. Pinagaaralan marahil ang mukha ko. Hindi ko alam, hindi ako sure. Ayoko namang isipin na sa akin siya nakatingin o sa mga dinadaanan naming puno o sa mga nalalaglag na dahon mula rito.
"Maganda ka parin naman sa umaga.." Banggit niya habang nakatingin at nakangiti sa akin.
"Ha?" at tumingin ako sa kanya.
"Maganda ka parin sa umaga.. sabi mo sa akin.. sa dilim lang.." Pabiro niya habang nakatingala sa sinag ng araw, hindi naman ito nakakasilaw, katamtaman pa ang liwanag nito para matitigan ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...