Seed 17

622 9 4
                                    

"Kung mamadaliin mo, hindi mo mararamdaman.."

----

Mahilig si Seed magbasa ng libro. Mahilig din ang ilan sa mga kaibigan ko magbasa, tipong hindi pa nila natatapos, bibili na agad sila ng panibago pagkatapos ay matatambak lang ang ilan sa mga ito. Babasahin mo pa ba ang librong nabasa mo na? Wala ng thrill.

Nakakailang chapters na ako sa sinusulat kong storya namin ni Seed, pero kung hindi siya nag-papakabusy sa pangarap niyang garden, nakaupo lang sya madalas sa sofa, nagkakape at binabasa ang librong lagi niyang hawak. Sa dalas niya hawak niya dito, ni minsan ay hindi ko man lang nakita ang title. Basta para lang siyang brown na tila parang cover ng The Alchemist ni Paolo coelho na hardbound na minsan kong nakita sa isang bookstore.

Nakakailang chapters na ako sa sinusulat kong storya namin ni Seed, pero ang librong binabasa niya hindi niya parin natatapos. Hindi niya pa halos napapalitan.

"Hi.."

Iniwan ko muna ang sinusulat ko at lumapit ako sa kanya para tumabi at yakapin siya sa sofa habang seryoso siyang binabasa ang librong ito.

"Hi baby.. Come here.." At inimbita niya ako muli sa mga bisig nya. Hindi na siya nagsalita matapos nun na parang ayaw niyang paistorbo.

Ako naman mula sa pagkakasandal sa balikat niya ay tumingala sa mukha niya at pinagmasdan lang siyang magbasa. Halos mabilang ko na ang bawat kurap niya. Napaka-kalma ng mata ni Seed, ng hinga. Buong aura niya parang nakakapagpakalma ng tao sa isang buong kwarto.

Gumalaw ang gilid ng kanyang labi na parang pinipigilanh ngumiti o kiligin, hindi ko alam pero gustong gusto ko pag nangyayari yun.

"You like do you?" Pangiti niyang tanong sa akin.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya pinigilan ko nalang na ako naman ang kiligin.

Bumaba ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin papunta sa bewang ko at binitawan niya ang librong hawak niyang pinisil ang tagiliran ko.

Napatingin ako sa kanya.

"What?" Tanong niya sa akin ng may pagtataka.

Ikwinintas ko sa leeg niya ang mga kamay ko at tsaka ko siya niyakap habang ang kamay niya ay nakayakap sa bewang ko.

"Baby.. What's wrong? Are you okay?"

Umiling ako "yes, I'm okay." At lalo kong pang hinigpitan ang yakap ko.

"I love you.."

Madalas ako ang nagsasabi nito sa kanya. Miss na miss ko na yung salitang yun na marinig ko. Minsan gusto ko siyang itanong kung bakit hindi na niya yun sinasabi sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na magtanong sa kanya.

"You know.." At biglang bumalik na ang kaluluwa ko sa mundo. Binitawan niya na ako, but I wish we could just stay that way.

"You know.." At hinawakan niya muli ang librong binabasa niya kanina.

"There's this story about.. Ay saka nalang"

Ready na ready na yung tenga kong makinig, akala ko ikwekwento niya na sa akin yung librong binabasa nya pero binitin niya ako.

"About what? Binibinitin mo naman ako.."

"Saka nalang, hehe" palambing niyang sagot sa akin. At dahil hawak hawak niya yung librong binabasa niya, nagassume ako na baka tungkol yun doon.

"About the book that you're reading?" Tanong ko.

"Nope, this is.." Tinapik niya ang libro "different.."

Mukhang hindi na siya magkwekwento talaga.

"Favorite mo ba yan? Napansin ko kasi hindi mo matapos tapos basahin eh, lagi mo namang binabasa" tanong ko.

"Nope. Not my favorite."

"Bakit ang tagal mong basahin? Ang tagal mong tapusin.."

"Because It's a good book, it's like you.."

"Parang ako ba yung character dyan sa book na binabasa mo kaya good?" Palambing kong tanong sa kanya.

"Hmmm, not really."

"Aw sad story naman.. Ano nalang ang kwento? Mukhang maganda eh. How is it a good book for you?"

-----

Noon, laging sinasabi sa akin ni Seed na ang pagkikala sa isang tao ay parang isang pagbabasa ng libro. At first, sabik na sabik tayong malaman kung ano ang koneksyon ng bawat character sa isa't-isa. Katulad ng sa Harry Potter kung bakit siya tinawag na boy who lives o sino si Voldemort. Katulad ng pagkilala sa taong nagugustuhan natin, walang pagkakaiba. Sa una, excited tayong malaman ang gusto nilang kulay, pagkain o gawin. Iniiwasan ni Seed ang paulit ulit na gawain (bukod sa pag-iwan na hindi ko inakalang hobby nya) at ang mga salitang paulit ulit na nakakasawa sa pandinig ng tenga o masakit sa mata pag paulit ulit mo ng nababasa.

A person is like a good book na hangga't hindi mo nakikita ang pangit, hindi ka titigil. Kung panget ang flow ng kwento, titigil ka at hahanap ng ibang pwede mong mabasa kasi nabored ka na sa flow ng kwento ng unang binasa mo. Same sa tao na kapag may nakita kang hindi mo nagustuhan, maghahanap ka ng ibang pagkakaabalahan, ibang babasahin at ibang pagkakatuwaan o pwedeng ibang magiging favorite at mamahalin.

"Kung mamadaliin mo, hindi mo mararamdaman.." Palambing niyang sabi habang binabasa niya ang librong yun noong magkatabi kami sa kama.

"It's like you.. I want to discover something about you everyday. Kaya hindi ako nagmamadali."

Sa pagmamadali raw na magawa mo ang lahat ng pinapangarap mo kasama ang taong yun. Hindi nyo na maappreciate ang ginahawa ng saya pagkatapos ng sakit at lungkot. Katulad ng sa libro na kapag malungkot ang nangyayari ay gusto mo ng magmadaling tapusin ang binabasa mo at hindi mo na namamalayang hindi ka pa kumakain o naliligo para malaman kung magiging okay pa ba ang relasyon ng mga paborito mong karakter. Kung pababayaan nalang ba sila ng sumisira sa kanilang dalawa o tuluyan na silang hindi magkakabalikan. Kapag alam mo na kaya mong tapusin para hindi ka mabitin, kakalimutan mo na, may bukas pa pala. Ngayon pa lang ay gusto na nating takasan ang lungkot kahit hindi na natin kayang ituloy dahil inaantok na tayo sa pagbabasa o masyado pa tayong nagmamahal. We just want to get over it, but it's not yet the time, actually. Kapag natapos mo naman ayon sa gusto mo, parang wala kang natutunan at masasabi mo nalang na "tapos na yun?"

"Masyado tayong nagmamadali, hindi na natin nararamdaman ang mga bagay na lumilipas" habang patihaya niyang binabasa ang libro.

Minsan hindi ko maintindihan si Seed. Typical Seed. Hindi na bago. Pero alam ko balang araw maiintindihan ko rin siya, hindi pa siguro ngayon ang panahon. Balang araw bubuksan nya rin ang puso nya at gigibain ang pader na nakaharang sa aming dalawa.

---

"Bakit ang tagal mong basahin? Ang tagal mong tapusin.."

"Because It's a good book, it's like you.."

"Parang ako ba yung character dyan sa book na binabasa mo kaya good?" Palambing kong tanong sa kanya.

"Hmmm, not really."

"Aw sad story naman.. Ano nalang ang kwento? Mukhang maganda eh. How is it a good book for you?"

"Because.." Banggit niya habang nakalapag ang isang kamay niya sa libro at nakahawak ang isang kamay niya sa mukha ko.

"..I don't want this to end."

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon