"baka naligaw na yun, sulat mo nalang sa papel yung pangalan nya para makita." Paulit-ulit nyang tpagsasalita, mahigit kalahating oras na kaming naghihintay.
--
"Kung sakaling bingi ba ang taong minamahal mo, at hilig mo ang pagkanta, kakantahan mo parin ba siya kahit na hindi ka niya naririnig? Kung sakaling bulag pa siya kapag nagkataon, titiisin mo parin bang gawin ang mga bagay sa kanya na alam mong hindi ka niya makikilala? Ganun ang Diyos, mananatiling nagmamahal kahit pa alam niyang may pagkakataon na hindi natin siya maririnig kahit binigyan niya tayo ng tenga, mga mata para siya ay makita at mga kamay kung saan pwede natin siyang maabot..
Ikaw.. Ano ang pagbabagong nangyari sa buhay mo nung lumapit ka sa kanya?..."
Habang nakatulala sa babaeng nagsasalita sa TV, patungkol sa mga pagbabagong maaring mangyari sayo kung ilalapit mo lang ang loob mo sa maykapal.. Ganitp ang laging routine ko tuwing umaga, sa mga ganitong oras ko lang di to makita, alas singko ng umaga bago magstart ang misa sa TV. Sa totoo lang medyo napapagod nga ako sa ganito, sa paghingi ng mga bagay na walang kasiguraduhan na ibibigay sa akin. Sabi pa nila, kapag para sayo, ibibigay sayo sa takdang panahon, kapag hindi, may ibang plano sayo ang Diyos. Minsan ang sarap nalang mag fast-forward at sabihin na, pwede ko na bang malaman ngayon kung dapat pa ba akong maghintay o atleast sabihin man lang na ibahin na ang pinagdarasal ko dahil may ibang plano siya para sa akin.
Si Seed ang naging matibay na pisi ko mula sa kanya. Si Seed, hindi napapagod sa pagdarasal at pagpapasalamat, mabuti man o masama ang nangyayari, kaya siguro mahal na mahal siya ng Diyos. Lagi siyang nakangiti, lagi siyang masigla, sabi niya sa akin ang secret daw eh gawin kong sentro ng buhay ko si Lord. Gawin naming sentro ng relasyon namin para maging matibay.
Anong nangyari? Mukhang ang sentro pa ang nagbuwag. Pero Alam ko naman na hindi dapat sumama ang loob ko sa kanya dahil sa pag-kainip ko, in the first place, siya naman ang may dahilan kung bakit ako naging masaya. Hindi ko siya pwedeng sisihin kung bakit ako nalulungkot, ano man ang binigay niya ay maari niyang kunin.
Sana alam ko rin kung saan ko siya makikita kapag kailangan niya ako, sana kaya ko ring sumulpot kung saan andun siya.
--
Dear Seed,
Matagal na akong hindi nakapag-log in sa blog kung saan ko madalas isulat ang nangyayari sa atin, kung saan ko sinusulat ang mga araw na napangiti mo ako at napaiyak. Hindi lang ako ang naghahanap sayo, marami kami. Marami sila, naghihintay na madugtungan ang love story na ayaw mong tapusin, nakakatawa, sinabi mo pa noon na ayaw mong tawagin kong love story ang mga ala-alang iniwan mo at parang ayaw mo na ring balikan. Hindi ko na tuloy alam kung ano pang isususnod ko dahil sa tagal ay wala na akong matandaan sayo. Binigay na sa akin ang hiling ko na gumising ng walang sakit, walang hapdi at walang luha. Pero hindi pa rin naman kita nalilimutan.
Alam ko pa rin ang dating sa akin ng boses mo, Alam ko pa rin na manghihina ako kapag nakita ko ang mga ngiti mo. Ang mga kindat, ang tinding, ang katawan, pati na yung ikaw na kahit kailan ay hindi ko naintindihan pero minahal ko at minamahal ko pa rin.
Galing pala ako sa bestfriend mo kanina, finally, nakapagsimba rin ako. Medyo napagod na rin ako sa paghihintay na makita kita sa simbahan kung saan tinulungan mo akong ibuhos lahat ng sama ng loob ko at bigat. Wala akong ibang hiniling sa mga nagdaan na taon na sana makita kita sa tabi ng ilog, o sa LRT, o sa garden natin sa likod ng bahay. Buhay pa ang lahat ng bulaklak na tinanim mo. Yun nalang ang natitira mong ala-ala sa akin.
Sa ngayon, gusto kong umakyat at makisilipsa telescope ng bestfriend mo o kahit makita kita sa mga mata niya. Ganun ka parin ba ka-gwapo? ganun pa rin kaya kaganda ang mga ngiti mo, ang katawan mo? ang braso mo..
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...