Seed 12

1.2K 11 1
                                    

"Gusto mong malaman ang totoo? Hindi na siya babalik. Bakit naghihintay ka parin?"

Habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang abot bewang ko nang buhok.

"Hindi na siya babalik."

---

Pagod na pagod ako nung araw na yun, wala akong ibang gustong gawin kundi humilata sa kama at pagmasdan ang kisame kong hindi ko man lang pinagsawaan sa buong buhay kong nakatingala rito. Pagod na pagod ako nung araw na yun. Hindi nga ako halos kumain o naisipan man lang maligo.

Pero sabi nga nila, ang pagod mararamdaman mo lang kapag wala ka sa lugar kung saan ka nasanay maging kumportable, pagdating mo sa bahay niyo. Para ka nanamang imortal, magagawa mo nanaman ang lahat sa kabila ng pagod na sinasabi mo.

Alas nuebe ako nakauwi, Alas kwatro na ng umaga, hindi parin ako nakakatulog. Hanggang sa hindi ko namalayan ang oras.

Nagising ako, kalahating oras na akong late sa trabaho. Good luck, pero hindi ako pwedeng umabsent nung araw na yun. Dali-dali akong kumilos, napagdesisyunan ko nang MagMRT para mas bumilis ang byahe ko papasok, Walang sasantuhin ang traffic sa isip-isip ko.

Sumalubong sa akin ang mahabang pila sa istasyon. Wala akong magawa, andun na ako kaya kailangan kong magtyaga, wala na akong magagawa dahil late akong gumising, nakakabadtrip ang araw na yun. Kung ikwekwento ko pa, baka magmura lang ako ng sangkatutak.

"Shoot!"

Hindi tinatanggap ang mga baryang hinuhulog ko sa machine. Halos maiyak na ako, nang biglang may kumalabit sa akin.

"Miss.."

Nakaputi, nakasalamin, nakabraces na green.

----

Pitong taon na ang lumipas, parang kailan lang nung una ko itong sinulat bilang unang kwento tungkol sa lalaking inibig ko. Sa mga matang nakakaakit, mga ngiting hindi naglalaho ang lambing at sa mga tawang parang musika sa tenga. Hindi ko ni minsan naarok kahit sa panaginip ko na mawawala ang kung ano na ang hinawakan ko ng mahigpit.

Siguro talagang ganun, ano man ang bagay na hindi para sayo nakalaan, kahit gaano pa kahigpit ang hawak mo, kusa mo itong bibitawan.

Sa ngayon, wala nang sakit. Paunti-unti, sa araw-araw na binuhay ako ng diyos, unti-unti ko nalang din tinanggap na ang mga pangako, mga salita, ng isang tao. Maaaring mawala gaano man sila kahalaga sa iyo o ikaw sa kanila. Isang bagay na hindi naging permanente sa mundo, ang salita ng mga tao.

Maging ikaw sa sarili mo, ano man ang binitawan mo ngayon, maaring hindi mo na matandaan bukas.

---

"Manong, bayad ho.."

Habang hawak-hawak niya ang kabilang kamay ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, Si Seed ang tipo ng taong maraming sorpresa. Kung ano man yun, kahit siguro hindi na kami tumuloy sa dapat talaga naming pupuntahan, manatili lang kaming ganun. Magkahawak, magkasama sa byahe ng buhay.

"Nilalamig ka ba?" Pahawak niya sa braso ko.

Naramdaman niya ang hampas ng malamig na hangin.

"Hindi naman.." Sagot ko.

Niyakap niya ako at pinasok ng maigi sa mga bisig niya.

---

Nakakainlove paminsan minsan balikan yung mga ala-alang iniwan niya sayo. Lalo pa kung yung mga ala-alang yun ay sariwa pa na parang nangyari lang kahapon. Yung oras, yung kulay ng damit, itsura ng mukha, lahat natatandaan mo pa. Na parang may sarili kang videocam sa utak mo. Uulit-ulitin mong panoorin, mga maliliit na detalye mapapansin mo na rin.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon