"sige mauna na kayo..."
Hindi ko alam kung pang-ilang pagkakataon na to na nakasama ko si Seed. pangatlo? pang-apat? Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko. Hanggang ngayon, hindi parin kami naguusap na para kaming magkaibigan. Hindi kami close.
"May multo dito, sige ka.. Tara na sumabay ka na sa amin matulog.."
Pagpipilit ng isa sa mga makukulit kong kaibigan.
"Dito nalang muna ako.. Magpapainit.."
"Siya, bahala ka diyan, wag kang tatakbo sa amin kapag nakakita ka ng white-lady, patay pa naman si Lord ngayon..."
Pagbibiro nila.
Mahal na araw, Biyernes Santo. Napagdesisyunan namin magkakaibigan na imbis sa beach, mamatay kakatunganga sa bahay o magtiis nalang sa utos nang magulang na magdasal sa tatlong araw ng pag-alala sa pagkamatay ng diyos. Nauwi kami sa pagplaplano mag-camping.
Pagkatapos nung Misa nung hapon na yun, pabalik na kami sa inupahan naming bahay, ang dami naming plano, manood ng movie magdamag, magpoker (pero hindi natuloy dahil bawal daw magsugal) at Magbonfire.
Bonfire lang ang nagawa namin.
Pero bago ang bonfire, habang malapit na kami sa tutuluyan namin sa pangasinan. Biglang naghiyawan ang mga kaibigan ko.
Bakit?
Humabol daw si Seed.
Hindi na sikreto sa amin na medyo may crush-crush ako kay Seed. Ito na ang pang-isang buwan ko siyang kilala. Isang buwan na simula nung MRT incident. Alam niyo ang nakakatuwa niyan? kaibigan siya nung kaibigan ng kaibigan ko. Pero saka ko na ikwekwento yun, dito muna tayo sa bonfire.
"sige na, mauna na kayo.." Habang kinukuskos ko ang kamay ko sa cute kong Pajama, nagpapainit.
"O sige nga, magpainit ka dyan, kasama mga multo" pasigaw pa nila nung nasa bandang pintuan na sila ng bahay.
Habang pinagmamasdan ang paliit na paliit na apoy mula sa mga kahoy ng bonfire, sinabi ko sa sarili ko na in 10 minutes papasok narin ako sa loob. Minsan kahit gusto mong magisa para makapag-isip-isip, hindi mo maitatago sa sarili mo na, Oo nga, kahit payapa ang lungkot mag-isa.
Paliit na ng paliit ang apoy. Patayo na ako nung bigla akong nagulat sa bumagsak na kahoy sa bonfire. Ang ingay.
"Wag mong hayaan na mawala ang init, lalamigin ka.. Kung gusto mong magtagal dito..." Hindi na niya tinapos ang pagsasalita.
Si Seed.
Nakangiti habang pinapagpag niya ang kanyang maruming kamay dahil sa pagbubuhat ng kahoy.
"Mag-isa ka lang?" tanong niya.
"Pumasok na sila, papasok narin ako.." Sagot ko habang nakatitig sa kanya.
Ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Okay, goodnight.." sabay kumaway sa malayo kahit nasa harapan lang naman niya ako.
"sinong kinakawayan mo dun?" tanong ko.
"Uhm, ikaw.." Sagot niya.
"Ako?" Pagtataka kong tanong.
"Mamaya, ilang segundo mula ngayon, andun ka na.. I guess, nauna yung kaway ko.." sabay ngumiti siya. walang pinagbago yung ngiti na yun nung una ko siyang nakita sa MRT at inabot niya sa akin ang Ticket? card? Naalala ko pa kung paano niya yun sinabi, ang cute.
"Eh paano kung hindi pa ako umalis? Edi balewala yung kaway mo."
"Hindi ka aalis?" tanong niya habang may sinusulat na kung ano gamit ang stick sa buhanginan.
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...