Bukod sa pag-iwan sa atin ng mga nakasanayan nating makasama at minahal. Kinuha ng ibang tao, nagsawa, nagloko, naghanap ng iba o ano pa man. Isa sa mga pinakakanakakatakot na pakiramdam ay yung gumising ka isang umaga na bigla mong maramdaman na mas higit mo na siyang minamahal, higit pa sa kung ano man ang kaya niya lang ibigay sayo.
Nangyayari yun, at habang patindi ng patindi ang nararamdaman mo sa taong yun. Hindi na nagiging pantay. Hihilingin mo na sana hindi nalang ito nangyari pero mapipigilan mo ba?
Tama nga si Seed na parang minsan ay bigla nalang akong napapailing at napapangiti na parang tanga. Si Seed na ginagawa akong manghuhula, siya na inintindi ko kahit walang mga salita, ngayon kung kailan wala na siya para magpaliwanag.. Ngayon nagkakaroon ng halaga ang mga bagay na tinanong niya at sinasabi sa akin. Naaalala ko na madalas siyang tumitingala noon, ngingiti na pakiwari ko ay nagdarasal o di kaya naman ay nagpapasalamat sa bawat minutong pinagkaloob sa amin para kami maging magkasama.
----
Napakatahimik nung araw na yun, dapithapon sa labas kung saan kami umupo noon nung nagfishball date kami. Napakatahamik na parang ang layo-layo niya sa akin kahit katabi ko lang naman siya. Sa tuwing magkasama kami, hindi ko alam kung bakit ang dami kong gustong itanong pero dahil alam kong huhulaan ko lang din naman ang sagot, hindi nalanh bale.
Habang nagsisindi siya ng sigarilyo at binubuga ito sa langit. Damang dama ko ang bigat ng pakiramdam kahit pa man hindi ako nakasandal. Sa kabila ng katahimikang yun, pakiramdam ko dinig ko ang mabigat na pagtibok ng puso nya. Na parang tug tug tug at suntok sa akin.
"Ehrmm..." Binasag ko na ang katahimikan. Naku! Bahala na kung wala kaming pagusapan, alam ko naman na kaya siya hindi nagsasalita ay kailangan ako ang mauna. The usual Seed we know.
"Hmmm?" Nakakagulat na pinansin niya ako.
"Sinabi ko na noon, wag mong gagawin yan. Di ko na siguro kailangan pang ulitin sayo" kalmado ngunit malambing niyang paalala.
"Ha?" Nagtataka kong tanong.
Siguro sa tagal naming magkakilala. 60% ng conversation namin ay binubuo lang ng puso "ha" ko pailibahasa kasi ay hindi ko siya maintindihan. Hindi na siya muling sumagot na parang naiinis na siya sa akin.
Dito rin mismo sa lugar na ito, same weather, same ambiance ko noon unang sinabi na hindi ko siya naiintindihan at sana dumating ang araw na maintindihan ko lahat ng ginagawa niya sa akin. Sabi niya na ang importante naman daw ay ako at ang pagststay ko sa kanya kahit na lagi ko siyang kinakapa. Sabi niya rin noon na kahit malayo o malapit ay importante ang komunikasyon sa dalawang tao. Ang mga salita raw ang parang lubid na nagtatali sa mga ito.
Naisip ko tuloy, all the time baka mas higit nga ang nararamdaman ko dahil ako lagi ang nagsasalita at kumakapit sa amin. Ako ang gumagawa ng tali ng manatili siyang malapit kahit na hindi ko alam kung gusto niya ng tumiwalag. Sa mga ganitong pagkakataon din tuloy ako sinasampal ng katotohanan na hindi naman pala kami, hindi ko man lang alam kung ano ang tawag dito.
Sa lalim ng isip ko at sa daming haka haka na naglalaro sa utak ko ng mga oras na yun, nagulat ako ng bigla nalang siyang tumayo at ibinuga ang usok sa kalangitan, doon ko unang narinig ang una nya ring buntong hininga na ayaw na ayaw niyang nadiding sa akin.
"Sigh" sabay yuko at tapak sa sigarilyo niyang nilamon narin ng lupa.
"Pumasok na tayo, dumidilim na, maraming lamok" at ngumiti siya sa akin.
Yung nga ngiting yun na kahit alam kong kulob na ang kalangitan at kaunti nalang ay iiyak na. Yun lang ang nagbibigay liwanag sa lahat ng bagay. Kung ano man ang bigat na nararamdaman ng mga taong hindi masalita, nagagawa pa nilang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...