Nangyayari pala ito sa tunay na buhay, na parang pelikula na babagal ang lahat. Kita mo ang bawat patak ng luha ng mga nanay na aalis na nagpapaalam sa kani-kanilang mga anak.
Mga batang bumabagal ang pagbuka ng ngiti sa mga pasalubong na dala ng kanilang mga ama galing isang ibang bansa.
Mga magkasintahang muling nagkita.
Ako, parang kaunting pitik ay tatalsik ako sa kinatatayuan ko ngayon, para akong gulay na nalanta at hindi na pwedeng pakinabangan, tangina, gusto kong humiga sa kinatatayuan at pwede ba akong matulog nalang at hindi na muling gumising? Ang bagal ng oras at dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko, pinagmasdan ko si Harmony na kumakaway sa malayo, nakangiti at bigla akong napakapit muli sa kanya.
----
Habang nakatitig sa kisame ng isang hindi pangkaraniwang silid, muli akong napaisip kung bakit ako andito. Tumagilid ako at hinayaang lamunin ako ng pagkamangha sa lalakeng nilalaro ng ilaw ang bahagi ng kanyang mukha. Tanging ang liwanag lang muli ng buwan ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon para matitigan ang mukha nya kahit sa dilim.
Hindi ko na mamalayan sa kabila ng kahit anong sakit sa ganitong sitwayon, nagagawa ko pang ngumiti at maging maligaya sa maliliit na bagay na ito, katabi ko lang siyang natutulog.
Biglang gumalaw ang gilid ng kanyang mga pigil na pigil ko ng kanina pang gustong kagatin na labi. Ngumingiti siya, alam niya na pinanonood ko siyang matulog.
"Nice view huh?" Pabiro niyang tanong. Habang nakapikit at nakangiti.
Alam ko na kanina niya pa pinakikiramdaman ang mga kilos ko.
Trinace ko ng daliri ko ang ilong niya, ang dami kong tanong pero as usual, alam kong wala akong makukuhang matinong sagot kaya nanatili nalang akong tahimik.
Gumalaw sya at humarap sa akin, itinungkod nya ang mga kaliwa niyang kamay at humarap sa akin.
Dumilat at mula sa liwanag ng buwan nung gabing yun, ang dala ng itsura ng mata niya, paranh dagat, sobrang payapa. At kahit kaunting porsyento lang ng mukha niya ang nakikita ko, pwede na akong malunod.
"Hindi ka makatulog?" Tanong niya.
At umiling lang ako bilang pasagot ng oo.
Muli akong humarap sa kisame at iniwas ang tingin ko sa kanya. Gusto ko ng sabihin na nahihirapan na ako intindihin siya at sana alam ko ang iniisip niya at mga plano nya para sa amin pero di ko alam kung paano ko sisimulan, maraming beses ko ng sinubukan pero ayaw niya ng paulit ulit kaya hindi ko nakukuha ang sagot sa mga tanong ko.
Ang hirap palang manahimik kapag wala ng ibang gustong gawin ang puso mo kundi sumigaw.
"Nakikinig yan.." Banggit niya habang nakatitig parin at hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Ha?" Pagtataka ko.
At naintindihan ko na, na akala niya siguro ay nagdadasal ako.
"Minsan gusto kong itanong sa kanya kung ano ang pinagdarasal mo.. Sana naririnig ko rin" pabulong niya.
"Pero.. Titibay lang ang relasyon ng dalawang bagay kung walang hindrance sa gitna nito.." Pahabol niya.
"Hindi mo na mafefeel ang paggamit sa pencil pag nasira na sa gitna at sinubukan mong itape, eventually, in the long run, babaliko parin yun, hanggang sa mapagod kang gamitin kahit yun ang favorite mo at ayaw mong itapon dahil sira na, maiisip mo na kailangan mo ng itapon, kailangan mo ng palitan." Sabay na malalim na buntong hininga.
Hindi ko alam kung saan na naman at ano ang ibig sabihin nun. Lagi nalang sa ganitong pagkakataon, parang kapag may gusto akong sabihin at kapag sya ay biglang nagsalita matatameme nalang ako magiisip. Lagi ko kailangan idecode lahat ng bagay na sasabihin niya sa akin, kung meron man akong ipagprapray eh sana dumating yung araw na deretchuhin nalang niya ako at hindi na ako gawing manghuhula.
"Seed.. Napapagod na ako." Pag-amin ko sa kanya.
Hindi ko alam kung pang-ilang taon na namin ito, hindi na ako nagbibilang ng araw.
"Matulog na tayo.." Palambing niyang alok.
"I mean.. Sa ganito nakakapagod na.." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Come here" sabay bukas ng mga braso niya para yakapin ako.
Hindi na ako tumanggi at humiga ako sa dibdib niya, ang tibok ng puso niya parang music sa akin. Hindi siya masalita na tao pero alam ko na may mabigat na bagay siyang dinadala. Minsan, kapag tayo ay may dinadala pakiramdam natin kinakawawa tayo ng buhay, lagi natin gustong umiyak at magpatulong, pero may mga tao pala talagang kayang sarilinin ang lahat at hinahawi ka sa daan ng lungkot para hindi mo maramdaman.
Pag higa ko sa sa dibdib niya, naramdaman ko yun at gustuhin ko man na sabihing sana alam ko kung anong iniisip niya, naiisip ko parin yung mga hinaing ko at bagay na gusto kong sabihin kahit di makakatulong.
Humalik siya sa noo ko.
"I'm sorry that you feel that, i know you do.."
"But.. When you understand me even if there are no reasons left, it brings me comfort."
Kahit na minsan parang ang hirap magbigay ng bagay na hindi ka sure kung may patutunguhan ba o mapakikibangan mo ba para sa sarili mo, one day. Makikita mo nalang ang sarili mo na binibigay mo lahat. Everythinh he needs for this.. whatever it is to work.
Hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya at unti-unti ng pumatak ang mga luha sa mata ko.
"One day, mawawala nalang ako sayo. But remember what i told you? Kahit gaano katagal.." Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Babalik ka?" Padugtong ko.
Yumakap siya sa akin ng mas mahigpit pa sa mga yakap ko at naramdaman ang mga luha niya. "People leave baby.. And if they don't.. Or I don't come back.."
---
At bigla namang bumilis at bumalik sa normal ang galaw ng lahat. Hindi pala talaga pwedeng ihinto ang oras. Matindi ang kapit ko kay Harmony na para bang nawawala akong bata sa mall. Alam ko na malapit na akong mapaupo sa ligaya o sa sama ng loob, hindi ko alam.
Palapit ng palapit sa amin, nagiging pamilyar ang mukha niya pa lalo. Ito nga ang walanghiyang umiwan sa akin at ang lakas ng loob ngumiti na parang wala lang ang lahat. Palapit ng palapit, kinamayan niya na si Harmony at pagtanggal niya ng shades na suot niya, ibang tao ang nakita ko. Hindi ang mata ni Seed na parang nagpapakalma sa nanglalamon na dagat. Balewala ang paghihirap kong makalimot, ang matindi niyan nakita ko pa siya sa ibang tao, asang-asa ang puso ko na magkikita pa kami ulit.
Nababaliw na yata ako na bigla akong naghallucinate, nagimagine. Mali narin ang sinasabi ng puso ko ngayon para siya tumibok ng ganun kabilis at tumibok ng mabagal sa taong wala man lang sa pwit ng taong pinangarap ko.
"Babe, this is Sean.. My cousin. And Sean ny girlfriend.. Cy."
----
Sa tinagal tagal ng pagkakataon na hinintay ko ang pagkakataon na makita siyang umiiyak, mukhang hindi parin ako pinagbigyan ni Lord na para bang napakaprecious ng crying face ni Seed para masilayan ng mga ordinaryong tao. Pero bawat hikbi, parang kirot sa puso ko, gusto ko na siyang tumahan, ni hindi ko man lang alam kung bakit siya umiiyak. Naintindihan ko lang ang pakiramdam nung sinabi niya sa akin na..
"...or I don't come back, there's no forever."
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...