Seed 3.5

2.2K 23 2
                                    

Habang nakatitig sa maganda niyang mukha habang mahimbing at malalim ang tulog. Naluha ako, habang pinupunasan ang pumapatak kong luha, ang kabila ko naman kamay ay hinahawi ang maganda niyang buhok..

"Akala ko mawawala ka sa akin.." Pabulong ko..

Ngumiti siya habang natutulog na tila akala mo naririnig niya ang mga sinasabi ko.

Sa pagkakataong ito ako naman ang gising, ako ang nanonood sayo.. ako ang nag-iisip, ako ang nagbabantay, ako ang nakatitig, ako ang naghihintay.

'Dear Cy..'

tatlong linggo ang nakakalipas, habang hawak-hawak ang isang mahabang papel na may maliliit na sulat, alam ko nang hindi magandang balita o laman ang dala nito, pwedeng matatawa ako o matotouch dahil alam ko kung gaano siya kasweet at kahilig sa sorpresa. Pero hindi, bago ko pa man buksan ang nasa envelope na nakaipit sa paborito kong libro na Looking for Alaska. Alam ko nang hindi maganda ang laman nito, alam ko sa pagkakataong yun na hindi magiging dahil sa kaligayahan ang mga luha ko... ayoko na sanang basahin, gusto ko nalang itapon.

"I'm sorry" ang nakasulat sa envelope. Napaupo ako at hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina, iniwan na niya ako.

Pagkatapos ng Limang taon.. Iniwan na niya ako.

"Dear Cy..

Maaring sa oras na to, mapapaluha kita o magagalit ka sa akin, malamang pagkatapos nito, hindi mo na ako gugustuhing makita, maaring hindi mo narin ako mahalin, pero bago mangyari yun, gusto kong humingi ng tawad, sa oras palang na may luhang pumatak sa mga mata mo. Hindi ako perpektong lalake, pero ginawa, ginagawa at gagawin ko ang lahat para maramdaman mo na para sa akin, ano man ang panget sayo, perpekto ka. At kung sakali mang hindi ako nagtagumpay sa pagpaparamdam nun sayo, patawarin ako. Alam ko na hindi ko dapat to dinadaan sa sulat, parang hindi ako lalake. Pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para hindi kita makitang umiiyak, hindi ko kaya. Kung nakikita kita ngayon, alam mong yayakapin lang kita at wala ng lalabas sa bibig ko. Pero, maniwala ka sa akin na kailangan natin to, sandali lang naman. Wag mo akong hahanapin, at wag kang maghihintay. Hindi kailangan ng mga pangako, pero kahit saan ako mapunta at kahit ano pang gawin ko, babalik ako sayo. Sayo, sayo lang. Hindi ako gagawa ng kahit ano para madagdagan pa yung sakit na nararamdaman mo ngayon. Alam ko na sa lahat ng panahon pinangako na andyan ako sa tabi mo, kahit saan, kahit kailan.

Hindi naman kita iniwan o iiwan. Hindi to pangako sayo, kundi sa sarili ko na gusto kong gawin at laging tuparin dahil miski ako, hindi ko kaya, pero kakayanin kung kailangan. Ngayon, ngayon ang oras na yun, na kailangan natin mawala muna sa tabi ng isa't-isa.

Alam ko na sa pagkalawa ko, maaring may pumalit na sa pwesto ko, pero sa pwesto mo sa akin, wag kang mag-alala. Kahit sino o ano pa, walang makahihigit sayo, sa ganda ng ngiti mo at sa mukha mo kapag naasar ka. Sinabi ko sayo, naaalala mo ba? Palagi.. kahit saan.. Wag mong kalimutan "Sayo lang ako.." kahit pa hindi ka na maging akin. Kung mainlove ka sa taong magbibigay sayo ng importansya, pwedeng magsisi ako na iniwan kita, pansamantala.. At maaring in a snap, mapalitan ako. Pero hindi, hindi ako natatakot. Dahil alam ko katulad ko, sa akin ka parin babalik.

Hindi mo man ako hanapin o hintayin, Alam ko na para tayo sa isa't-isa.

gagawin ko to dahil gusto ko maging matatag ka, na hindi palaging nakadepende sa akin ang tiwala mo, na ikaw. yung sarili mo, andyan, tulungan mo ang sarili mo na minsan kayanin ang problema na wala kang kinakapitan, dahil darating ang araw, ako naman ang kakapit sayo at ayokong maging mahina ka. Pwede kang umiyak, sumigaw, tawagin mo ako.. Iipunin ko ang lahat ng tawag at sigaw mo sa pangalan ko, hanggang sa makabalik ulit ako at babawi sayo.

Hindi ito pangako, dahil alam kong kahit wala akong bibitawan na salita sayo, hindi kita iiwan. Hindi ko rin kaya.

Wag kang mag-alala, ikaw parin ang pinakamaganda. Pinaka-kakaiba ang ugali na kahit minsan hindi ko maintindihan, ewan ko kung bakit patuloy kong binabalik-balikan.

Wag mo akong hanapin.. Wag mo akong hintayin.. Babalik ako sayo.

                                                                                          -Seed"

Wala akong naintindihan, walang pumasok sa isip ko, wala akong ibang naintindihan bukod sa salitang "Iwan".. Iniwan na ako ni Seed ng hindi ko man lang alam ang totoong dahilan.

"Ganyan naman kayo! Gusto niyo ako maging matapang, gusto niyong kayanin ko mag-isa, hindi niyo nalang sabihin ang tunay na dahilan.. May bago ka na ba? Hindi mo na ako mahal? Hindi mo na maintindihan ang ugali ko? ayaw mo na sa akin? Mas may nakita ka nang magpupuno ng pagkukulang ko? pagod ka na?" Ang rambol rambol na panunumbat sa isip ko. "bakit? bakit ang hirap para sa inyo magsabi ng totoo?"

Sa likod ng sulat.

"Babalik ako bago mahulog ang huling piraso.."

"Huling piraso ng ano?" tanong ko sa sarili ko..

"anong huling piraso?" tumingin ako sa paligid, wala akong nakita na kahit na anong kasama ng sulat.

Hindi kita maintindihan. Hanggang sa huli, ginagawa mo akong tanga.

...

Hindi ako nakinig, hinanap ko siya, hinintay.. sinundan pero hindi ko na siya nakita. Nagdemand ako, nagmura, nangaway, hanggang sa huli nagmakaawa na sana magkita na kami ulit, magusap. Ayoko ng ganito..

Hanggang sa naginom ako.

"Nasaan ka? nasaan ka?!"

Yun na ang una't huling boses niya na natatandaan ko, sa telepono, habang nagaalala siya, at ako naman suka ng suka.

Malamang, tao lang din ako. Nagdadaan sa normal na proseso ng pag-usad, ang hirap. Ang nakakatuwa sa pagmomove-on? kailangan maramdaman mo na nahihirapan ka, kailangan maramdaman mo kung anong nawala sayo, kailangan lasapin mo ang hirap ng pagpupumilit makalimot. Walang madaling daan, wala. kailangan mo munang mahirapan, umiyak, sumuka, umiyak, sumuka, wag matulog, umiyak hanggang sa isang umaga, Hindi na ito gaano kasakit. Wala, walang madaling daan para makalimot.

---

Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko siyang matulog. Eto, sa mga binti ko habang mahimbing siyang nanaginip, dapat nagtiwala ako.

Wag ko siyang hanapin, wag kong hintayin.. Dahil babalik siya.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon