"Iiyak ka ba kapag nawala ako sayo?"
"Hindi" Habang nakatitig siya sa mga bitwin nung gabing yun. Nakahiga kami sa ibabaw ng kotse niya. Sinabi ko noon na gusto kong maranasan yung mga napapanood ko sa pelikula.
"Kapag nawala ka, hindi ako iiyak.." Paulit niya pang sinabi.
Sasagot palang sana ako kung bakit pero bilang siyang tumingin sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Ayokong sayangin ang oras na umuiiyak lang ako imbis hanapin kita." Sabay ngumiti siya sa akin at kumindat.
Habang nakatitig sa mukha niyang naiilawan lang ng liwanag ng buwan. Naluha ako, naramdaman ko ang malamig na luha sa aking mga mata.
at muli kong binalik ang tingin ko sa madilim na kalangitan na nababalot ng ganda, ang daming bitwin ng gabing yun.
"Minsan.." Bigla niyang sinabi.
"Minsan ayaw kitang kausapin.. pakiramdam ko kasi lagi kitang pinapaiyak.." Sabay tumingin siya ulit sa akin.
"Hindi ako nagsasawang tingnan yung mukha mo, kahit hindi naman talaga ako nakatingin sayo.." Sabi niya.
Bigla niyang tinaas ang kamay niya at sinabing..
"Tingnan mo yun, Three kings.."
"Hindi ako magaling sa constellations" Sagot ko.
"Ako rin naman.." Sagot niya.
"Ikaw anong nakikita mo?" pahabol niyang tanong sa akin..
"Stars? Hindi nga ako magaling sa constellations.." Sagot ko, "Ikaw? ano bang nakikita mo?"
---
Siguro iisipin ng karamihan na napaka-perpekto na nang buhay ko. Pero wala akong panahon magpaliwanag sa mga tao kung bakit hindi, hindi perpekto nag buhay ko. Hindi ko nga alam kung meron pa bang magandang natitira sa akin, bukod kay Seed. Isang taon na kami, parang ang bilis ng panahon. Ang dami na naming pinagdaanan. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nag-away at nagbati, pero kahit ilang beses na yun, hindi pare-pareho ang dahilan dahil si Seed ang tipo ng tao na ayaw ng umuulit na bagay.
kahit anong bagay na uulit, ayaw niya.
Hindi kayo maniniwala, Hindi. Siguro. na sa isang taon na yun, Isang beses niya lang ako sinabihan ng "Mahal kita." Gusto ko sanang ikwento yung una at huling beses niyang sinabi yun pero sa tingin ko hindi pa ito ang tamang panahon. Nagdemand ako noon at muntik nang mauwi sa hiwalayan. Siya ang tipong lalake na gagawin pero hindi sasabihin. Alam ko pangarap ng mga kakababaihan yung Ginagawa kesa sasabihin. Ako? wala naman akong gusto, kung ano ang binigay sa akin, tatanggapin ko.
Naaalala ko nung minsang nanonood kami ng movie sa bahay. A Lot Like Love ang pinanood namin nun, imbis na imarathon namin ang SAW. Napagkasunduan namin na romantic night kami ngayong gabi at dahilan sa gusto naming iwasan maging intimate at mauwi sa kung ano, naglagay kami ng duck tape sa gitna naming dalawa.
Siya ang may idea nun, sabi niya, minsan gusto niyang maramdaman na awkward kami sa isa't-isa, na parang katulad kami noon nung nagsisimula palang kami. Yung excitement na "paano kaya kapag hinalikan ko to?" Gusto niyang maramdaman na kapag magkasama kami, lagi naming first time.
Yun ang isa sa mga bagay na lubos kong minahal sa kanya.
Ayaw niyang mawala yung importansya ng pagkakaibigan sa amin, saan man kami makarating. maghiwalay man kami o kung ano man. Pero sabi niya impossible daw yun na walang maapektuhan kapag naghiwalay kami, kaya ito. Thrice a week, nagprapraktis kami na parang lagi naming first time.

BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...