"at kung hindi ako makipagkita?" tanong niya.
--
Darating talaga ang panahon, madalas.. Hindi pwedeng hindi. Kahit gaano pa kahalaga sa iyo o ikaw sa kanya, kailangan niyong iwan ang isa't-isa.
Ito nanaman kami, parang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi namin kilala ang isa't-isa, totoo nga yung kasabihan na magiging magkaibigan kayo, hanggang sa maging matalik na kaibigan, hanggang maging- ang isa't -isa na ang inyong mundo. Hanggang kapag may nasira, sa kahit ano mang pundasyon ang ginawa niyo, babagsak kayo bilang maging magkaibigan muli, hanggang sa Hindi na kayo magkakilala. Parte nalang kayo ng buhay ng isa't-isa, makakahanap ng bago na parang wala kayong pinagsamahan.
Aalis na siya papuntang ibang bansa, Sabi niya doon magiging magandang ang kinabukasan niya, kinabukasan na akala ko, noon-- kasama parin ako hanggang ngayon. I guess, desidido na siyang iwan ako at harapin magisa ang kinabukasan niya. Hindi na ako kasama, hindi na ako kasama.
Nakakaiyak kung iisipin, parang noong una lang, nung pangalawa at pangatlo, ang saya-saya niyo pa, siya lang ang tanging nagbibigay sayo ng ngiti, siya lang ang dahilan kung bakit parang ang sarap mabuhay, magmahal. Siya ang naghulma sa akin, sa laki ng parte ng buhay ko ang sinakop niya, hindi ko alam, hindi ko alam kung may natira pa ba sa akin.
Hindi na siya sumulat tulad noon, siya yung tipo ng lalake na ayaw niyang inuulit ang mga bagay na ginagawa niya. Nakakapagtaka, sa pagkakataong ito, walang sulat pero iniwan nanaman niya ako. Hindi ko narin mabilang kung ilang ulit niya ito ginawa sa akin, hindi ko narin binibilang. Palibahasa kasi, yung sakit parang laging first time, laging unang beses. Kung gaano kasakit yung una, ganun parin hanggang ngayon. Hindi ako nasanay, iiyak parin ako, uupo at sisigaw.
Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung para saan. Para ba tumibay ako ulit o dahil lang gusto niya nang mag-isa. Siguro nagsawa na siya sa akin, siguro napagod na siya. Pero wala naman siyang sinabi, gusto ko na sa kanya magaling mismo ang mga salitang iniisip ko bago ako magpakalugmok.
"Hello?"
Alam ko na hindi niya sasagutin kapag sa sarili kong cellphone ako tumawag. nakigamit ako sa kapatid ko at nagbakasakali ako na baka sagutin niya.
"Seed..."
"Hinihintay kitang tumawag.."
Laking gulat ko na hinhintay niya akong tumawag pero halos isang daang beses na akong tumatawag sa kanya araw-araw pero hindi niya sinasagot.
"Hinihintay mo akong tumawag pero hindi mo naman sinasagot yung tawag ko? ano nanaman ba to seed? natutuwa ka ba sa ginagawa mo sa akin?"
Alam ko na hindi ko dapat yung sinabi, o hindi dapat ako nagdemand nang paliwanag, dapat hayaan ko siya kung anong sasabihin niya sa akin, dapat tumahimik ako. Pero ito nanaman ako sa ugali kong nanunumbat, hindi naghihintay, laging naghahanap ng sagot sa mga bagay na hindi ko maintindihan, siya, explanasyon kung bakit, bakit siya ganun?
"Listen.."
Kating-kati yung bibig ko magsalita ng magsalita at mangaway, sa pagkakataong ito narinig ko siya ng maayos. Hindi ako nakainom, "Listen..." yun lang at binalot na kami ng katahimikan.
"I'm sorry.."
Alam ko, hindi ko ito tatanggapin. Alam ko na nakakasawa, Alam ko nakakainis na bakit sa lahat nalang ng oras. Kapag tinatamad ang tao magexplain, kung hindi "Okay lang ako".. "I'm sorry" ang lagi nilang sasabihin sayo. Hindi ba nakakapagod na para kang damit na nakahanger, naghihintay matuyo. Lagi kang nakasabit, hindi mo alam kung bibitaw ka ba o mananatiling nakakapit dahil kahit matagal, sisikat ang araw. Darating ang araw--makukuha mo ang sagot, kung maghihintay ka.
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...