Pangarap.
Gusto ko lang naman eh yung paggising ko sa umaga yakap-yakap kita. ngiti mo ang unang ko makikita, okay lang kahit hindi mo na ako batiin ng goodmorning, siguro.. yakapin mo nalang din ako. Imbis na isa sa atin ang magluluto ng almusal, gusto ko sabay tayong babangon pagkatapos magkilitian.
Nagaasaran at nagtutulakan kung sino ang unang maliligo, pero sabay nalang tayo tatayo para magluto. habang nasa kusina, itatanong mo sa akin kung anong gusto kong kainin, isa sa mga dahilan kung bakit hulog na hulog ako sayo, eh dahil sa sarap ng luto mo.
"gusto mo ng heavy breakfast?" at sasagot ako ng "ikaw ang bahala."
"sus" ang sabi mo, "sexy ka naman, hindi ka naman tumataba, kainin mo tong lulutuin ko ha!"
wala na akong ibang naisagot kundi ngiti, habang pinagmamasdan ang maganda mong katawan. Nakatitig sayo habang busyng-busy ka sa ginagawa mo at pasulyap sulyap sa akin para ngumiti. tumayo na ako at sayo ay lumapit. unti unti kong nilusot ang mga kamay ko sa pagitan ng bewang mo at braso.
Kahit medyo pawis ang likod mo sa init na dala ng usok, sinandal ko parin ang ulo ko at sayo'y unti-unting yumakap. "ang sweet naman ng asawa ko" habang natatawa ka pa. Sigurado ako kinikilig ka. Isa pang dahilan kung bakit mo nakuha ang puso ko, ang cute mo kapag pinipilit mong itago ang emosyon mo.
Naaalala ko dati kapag nanonood tayo ng pelikula, tinatakpan mo pa ng unan yung mukha mo kapag may mga parteng halikan o sweet. "ano ba yan! maganda yang scene na yan!" ang sasabihin ko. "ayoko makita, nakakakilig" ang cute mo, ang cute cute mo.
sabi mo kapag pinakita ng lalake na kinikilig siys, nakakatanggal ng pagkamacho, pero di naman yun totoo habang humahalik ako sa iyong likuran, sinabi mong "baby, nakikiliti ako, dahan-dahan" hinigpitan ko pa ang hawak at dinamihan ang halik sabay sabing "wag kang magalaw dyan, wag kang makulit."
Hindi ko napigilan ang paghalik kaya lumusot na ako sa braso mo papunta sa iyong harapan. "ay! ang sweet talaga oh, wala ka pang kinakain niyan, paano pa pagnatikman mo yung luto ko? baka reypin mo na ako " sabay tawang nakakairita, pero yung tawang isa sa dahilan kung bakit ako masaya.
"ang yabang mo, hindi ko kakainin yan!" papikon kong sagot. "eto naman, hindi na mabiro. ginawa ko to ng may pagmamahal oh, sige ka magugutom yung baby natin"
sabay hawak mo sa tyan ko, tiningnan mo ako mula tyan hanggang sa aking mga mata at sinabi mong "ang ganda siguro ng magiging baby natin, dahil maganda ang mama, sobra" sabay hawak mo sa baba ko at tiningala mo ako sayo para ka makahalik.
Habang ang isang kamay mo ay naggigisa ang kabila ay paakyat na sa likuran ng aking bra. "uhhmmm...uhmmmmm..." nadidinig ko na ang bumibigat mong hinga. binitawan mo ang hawak hawak mong sandok at binuhat ako nang nakadikit parin ang labi mo sa akin.
Sa gitna ng halikan, nakikita kitang humihinto para ngumiti, "bakit ka nagbra ? natulog ka bang nakabra?" sabay balik ulit sa paghalik. binuhat mo ako sala at inihiga sa sofa..
"uhmmmmm...uhmmmm." "Dito ka lang, wag kang makulit.. wag kang susunod sa kusina, kung ayaw mong masunog yung niluluto ko para sayo..." habang tulala parin sa magandang hubog ng katawan mo habang nagpapawis sa init at pagkakabuhat sa akin..
nasabi ko habang binabasa ang aking labi.. "hmmm. sng gwapo mo talaga..." yumuko ka muli para halikan ako at sinabi mong "kaya nga... sayo lang ako..."
![](https://img.wattpad.com/cover/1178844-288-k790466.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...