"May gagawin ka ba sa friday?"
"Bakit?"
"Samahan mo ko.."
"Saan?"
--
Ito yung mga panahon na maiisip mong hindi ka makakatulog sa mga susunod na araw. Lalo pa kung kayo yung tipo ng magkarelasyon na hindi nagkikita. Araw ng linggo nung araw na yun, dalawang linggo na kaming hindi nagkikita. Gusto ko kasi na makapagpahinga siya kapag may libre siyang oras. Isa sa mga bagay na gusto ko at patuloy kong mahahalin kay Seed eh sobrang sipag niyang uri ng lalake. Papasok siya sa umaga sa eskwelahan at papasok naman sa trabaho sa gabi. Kung tutuusin, hindi naman niya kailangan magtrabaho. Buong suporta ang mga magulang niya sa kanya pero sabi niya, hindi raw habang buhay niyang iaasa sa mga ito ang tagumpay niya sa buhay. Simula third year highschool, nagsimula na siyang kumita ng pera mula sa pagmomodel. At simula nung unang sweldo niya mula dun, hindi na siya tumanggap ng kahit ano mula sa mga magulang niya.
Ako pa naman yung tipo ng babae na gusto ko lagi akong binibigyan ng oras, kahit man lang dalawang beses sa isang linggo makita ko yung nakakapagpagaan ng loob ko, yung mga ngiti niya. Siguro nagsasawa na kayo sa paulit-ulit kong pagsasabi kung gaano ko kamahal ang mga ngiting yun.
Dalawang linggo bago kami hindi magkita. Pinipilit niyang makipagkita sa akin. Ako, (which is nakakagulat) ang tumatanggi at pinipilit ko siyang magpahinga, matulog at bantayan ang kain niya. Siguro, totoo nga na kapag mahal mo talaga ang isang tao, ikaw ang magbabago, ikaw ang magaadjust, finally, minsan sa buhay ko. Inisip ko ang kapakanan niya, at hindi ang kapakanan ko.
Sa pagkakataong ito, ayoko ng tumanggi. Mamamatay na ata ako kapag lumipas pa ang isang linggo na hindi kami nagkikita. Para akong naiihi, gusto kong tumalon, gusto kong tumili. Magkikita na kami, hindi niyo alam kung gaano ko siya kamiss.
---
Bago matulog, gusto ko siyang tawagan. Lunes na.
Pinipigil kong tagawan siya, alam kong nasa trabaho siya at bawal siyang makipagusap sa akin. Pero, hindi ko mapigilan, gusto kong marinig ang boses niya. hangga't maari, gusto ko siya laging tawagan. Gusto na minu-minuto malalaman niya kung gaano siya kahalaga sa akin at kung gaano ko siya kamahal, baliw na ata ako sa pag-ibig. Pero ang mas masarap? Yung pinararamdam niya sayo na mas baliw siya sa pagmamahal sayo. Masarap, sabi nga minsan ka lang makaranas ng libre, Tama. Minsan ka lang din makaranas ng pagibig na ibibigay sayo higit sa binibigay mo sa kanya, at kung nararamdaman mo yun, wag mong pabayaang mawala.
"Hey.."
Pagkatapos ng limang ring.
"Are you at work? Sorry baby, gusto ko lang sabihin na.." Sagot ko habang medyo kinikilig pa.
"I know.. I know.." Sagot niya, alam ko na kahit hindi ko siya nakikita, nakangiti siya nung mga panahon na yun, na kinikilig siya.
Kung magkasama kami, malamang may unan nanaman yun na nakatakip sa mukha niya.
Ako, ako ang mas madalas magsabi ng "Mahal kita" o "I love you" sa kanya. Hindi ko alam kung kasama ba yung pagsasabi ng mahal kita sa ugali niyang ayaw ng paulit-ulit. Pero, hindi ako naiinis o nagdedemand, kahit naman kasi na hindi ko naririnig mula sa kanya, nararamdaman ko araw-araw. Kahit pa magkalayo kami.
Sa tuwing nararamdaman niya na sasabihin kong namimiss ko siya o mahal ko siya. Sasagot na siya sa akin agad ng "I know.."
Ayoko naman siyang gayahin na hindi nagsasabi ng ganun dahil naniniwala akong maikli lang ang buhay, maaring bukas, isa sa amin ang mawala. Ako o siya, atleast nasabi ko kung gaano ko siya kamahal bago mangyari yun. Na bago ako mamatay, yun ang magiging huling salita na maaalala niya sa akin. Ako kaya? Napaisip ako, ano kaya ang magiging huling salita niya sa akin?
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...