Seed 8

1.7K 20 3
                                    

“Ayokong pakawalan ka, kapag ginawa ko yun wala na akong makikita-- alam ko rin na hindi na ako makakahanap ng hihigit sayo-- wala nang magiging kagaya mo.” Sagot ko.

“Pakawalan mo ako na parang ibon..” sabay ng pagaspas ng mga daliri niya sa liwanag ng kandila, ang mga daliri niyang gumagalw bilang pakpak..

“Babalik ako sayo...” Galing sa taas na naabot ng mga braso niya, lumipad pababa sa mga pisngi ko ang kamay niya at  tsaka niya ako hinalikan.

---

Maaga siyang nagpunta sa amin nung araw na yun, isa't-kalahating taon simula nung makilala ko siya.

Napagusapan namin na sasamahan niya ako at tutulungang maglinis ng bahay. Isa pa sa mga gusto kong bagay kay Seed, gusto niyang gawin namin magkasama ang mga bagay na ginagawa namin noon mag-isa. Siya ang nagoffer na tumulong nung nakaraang gabi. Nabanggit ko sa kanya na kailangan ko ng matulog dahil maglilinis ako. Hindi katulad ko, napakamapagbigay at napakaunawain niyang lalake, alam niya na kung hindi naman kailangan, hindi ko siya iiwan sa telepono. Sabay kaming matutulog.

Ang kakaiba kay Seed, ayaw niyang magmukhang Love story ang anumang namamagitan sa aming dalawa, kaya siguro kapag dumating ang panahon na ikwekwento ko ang storya namin, hindi niya yun babasahin. Siguro maiinis siya na parang naging scripted ang lahat, ayaw niyang maging dahilan yun para gayahin ng ibang tao. Ayaw niyang maging inspirasyon yun sa iba o subukang alamin kung sino siya dahil masyado siyang misteryoso. Siguro kapag gumawa ako ng libro tungkol sa kanya, malamang yun yung mga panahon na namimiss ko siya, o wala na siya sa tabi ko. Hindi na siya bumalik, siguro. Pero mahirap magsalita ng tapos. 

Or pwedeng, ayaw ko siyang kalimutan. Hindi ko rin alam kung matatapos ko, kung saka-sakali.

Hindi ko maiwasan na mapatitig sa nagpapawis niyang katawan. Iniisip ko kung anong pakiramdam kapag nahawakan ko ang mga dibdib niya sa ganung lagay. Madulas? Mainit? Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging ganun kagwapo sa kabila ng itsura niyang naliligo sa pawis. Pakiramdam ko tuloy lulubog na ang araw at lahat-lahat.. Hindi pa rin ako natatapos kakapantasya sa mukha at katawan niya.

“Seed...” banggit ko habang nagpupunas siya ng bintana sa labas.

Hindi siya tumingin dahil nasa labas nga siya, at napakaimpossibleng marinig niya ako mula sa loob.

Lumabas ako dala-dala ang mga gamit sa kahon na hindi ko na gagamitin at alam kong pampasikip lang ng espasyo sa kwarto. Paglabas ko, hindi ko nanaman napigil na tumingin sa pababang pawis niya mula sa buhok patungo sa leeg, at pababa. Natatameme ako, bakat na bakat sa basa niyang tshirt ang magandang korte ng abs niya at dibdib. Hindi ko mapigilang hindi isipin na...

Hindi bale nga.

“Seed!” at ngumiti ako.

“Woah!” at umarte siya na parang na-ou-out of balance.

“Eh?” Paqgtataka ko.

“Nahuhulog kasi ako sa mga ngiti mo eh..” Sabay tumawa siya. “Kaso naisip ko, hindi pala ako nakatungtong sa kung ano... pero kung nasa upuan ako... kailangan mo na akong dalhin sa ospital.” sabay ngumiti siya sa akin.

“Ha? Bakit?” pakilig kong sinabi.

“kasi hulog na hulog na hulog na ako nun sayo...” Sabay tumawa siya, yung tawa niyang hindi ko na ata pagsasawaan kahit kailan hanggang sa mawala ko sa mundo.

“Akin na yan..” Lumakad siya papunta sa akin at binuhat ang kahon. “Ano to?” tanong niya.

“Wala, mga luma kong gamit.. Gusto ko sanang igarage sale”

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon