Seed 1.5

3.7K 37 2
                                    

“umiinom ka ba?”

galit na galit niyang reply sa akin nung minsan akong nalasing. asdfghjkl ang tinext ko sa kanya, yun ang huling text ko sa kanya. Sinabi niya kasi na ayaw na niya, ayaw na niya sa amin. ayaw na niya sa akin. Bakit! bakit ayaw mo na sa akin? paano na yung mga pangarap nating dalawa?

alam niya na ako yung tipo ng babae na hindi umiinom, alam niyang kapag uminom ako mapapahamak ako, alam niya. alam niya na kapag uminom ako, hindi na ako okay.

“nasaan ka?! nasaan ka?!” galit na galit na may halong pagaalala nung tumawag siya sa akin para tanungin kung nasaan ako, hilong hilo na ako nung oras na yun. hindi ko alam kung ako ba ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako o yung mga barkada kong kunsintera’t, Kunsintero. medyo malabo narin ang boses niya, alam ko na naririnig niya ako sa kabilang linya, sumusuka na ako. nakakadiri. pero nung mga oras na yun, wala akong ibang gusto kundi makita siya, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Alam ko na kapag ginawa ko to, mag-aalala siya at magkikita kaming muli.

tatlong linggo niya na akong hindi kinakausap. sabi niya kasi hindi na daw niya kayang pakisamahan ako, lagi daw akong nangaaway ng walang dahilan, lagi daw akong naghahanap

ng away, at kahit anong gawin niya, hindi raw pwedeng dadaan ang isang linggo na hindi kami 

nagbrebreak, papansin daw ako.

Ang tapang ko pa nung nakipaghiwalay siya sa akin. “oo! malakas ang loob mo eh, maganda ka kasi! kapag nawala ako, makakandarapa nanaman yung mga manliligaw mo.” “buti alam mo!” sabi ko sakanya. ganun talaga siguro kapag masama ang loob niyo sa isa’t-isa, naturingang 

minamahal mo, nasasabihan mo ng mga bagay na hindi mo naman talaga gusto.

kinagabihan nung araw na yun, hinhintay ko siyang magtext o tumawag o magpunta man lang sa 

bahay para humingi ng tawad. araw-araw, gabi-gabi. hindi narin kami nagkikita sa eskwelahan, 

madalas hindi ko narin matawagan ang cellphone niya, isang linggo ang nakalipas, naisip ko “shit, 

hindi ko pala kaya”.

“magbreak na tayo… ” “namimiss na kita..” “seed, please kausapin mo naman ako…” “baby… please parang awa mo na…” “seed, mahal na mahal kita..” “baby, i was wrong, i’m sorry..” “baby, can we meet.” “seed, nahihirapan na ako..” “seed putangina naman…”

sa tatlong linggo na nagdaan paulit ulit ang sinasabi ko, kung hindi mahal ko siya, bukas hihingi ako ng sorry at kinabukasan, galit nanaman ako. Siguro ginawa niya to para maisip ko kung ano 

talaga ang problema sa akin. hanggat hindi ako nagiging consistent, hindi siya babalik..

“seed..”

“yes?”

sa wakas habang pangpitong shot ko na nung araw na yun sumagot siya. pagkatapos ng tatlong linggo sumagot siya.

“I love you..”

“I know..”

” alam mo pero bakit mo ko ginaganito? alam mo ba na nasasaktan ako? nasaan ka nung tatlong linggo! halos hindi na ako makakain! nawawala na ako sa sarili ko seed! sabihin mo nalang kung ayaw mo na!”

…umiinom ako!”

“i’m sorry…”

“sorry? yun lang sorry?”

“nasaan ka?”

“wala kang pakialam! wala ka namang pakialam sa akin! pinabayaan mo ako seed! 3 weeks!!!!!!”

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon