Seed 16.5

618 7 0
                                    

Parang nagkunwari siyang may hawak na kutsilyo at bigla akong sinaksak sa puso.

"Kailangan yan masugatan para maramdaman mo ang ginahawa kapag gumagaling na.." Pabiro niyang paliwanag.

"Kailangan ba yun?" Tanong ko.

"Siguro.." At bigla niya ulit tinanggal ang kutsilyong yun mula sa puso ko.

----

Ilang papel na ba ang nasayang? At ilang gabi na ba akong puyat? Ilang papel na ba ang naitapon ko dahil hindi ko matapos ang sulat ko sayo dahil nababasa ng mga luha ko at baka hindi mo ito mabasa ng maayos. Ilang gabi na ba ang nasayang kakagugol ko sa paghahanap ng tamang salita para masabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin na magkakaroon ka ng sagot this time.

Bahala na.

Umupo ako muli sa upuan at binuksan ang laptop ko para isulat ang mga bagay na gusto kong sabihin. Naaalala ko noon, mas pinili kong magsulat sa papel para hindi kita malimutan, para maramdaman ko ang pananakit ng kamay ko sa mano manong papel at ballpen, Para pangit tingnan kung sakaling may mali akong nasabi at kailangan kong burahin. Ngayon gusto ko nalang itapon lahat, gusto ko ng lumimot. Ginawa ko yun dahil akala ko ay iba ka, pero iniwan mo rin ako. 90% sa lahat ng sasabihin ko sakanya ay puro "iwan", alam ko na ayaw niya ng paulit ulit. Na sa unang beses pa lang na nabasa niya ang isang salita ay hindi ko na kailangang banggit banggitin dahil naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin.

Dear Seed,

...

----

"Uggghhajahhaushsnnjydd!" Sabay sipa sa pinakamalapit na kahon malapit sa aking paahan.

Habang nagkakapr siya at nagbabasa ng libro sa sala ay sinilip niya ako mula sa gilid ng kanyang salamin.

"Magpahinga ka kaya muna?" Paimbita niya sa akin habang nakangiti.

Nakasimangot na ako at parang pinagsakluban na ako ng langit at lupa sa pamomroblema. Masyado akong masaya nung mga panahon na yun kay siguro ay wala akong maisulat. Parang kinakalawang at nilalamon na ako ng kaligayan kaya wala na akong maisip, pakiramdam ko kapag nagsulat ako ng masasayang bagay ay mawawala ang kaligayahan na ito sa akin dahil hihigupin lang ng bawat letra.

Tama nga ako.

"Hey.." Patawag niya ulit sa akin.

Habang nakalapag ang ulo ko sa dalawa kong palad at unti-unting sinasabutan ang sarili dahil wala na akong mapiga sa utak ko.

"Baby, come here.." Nilapag niya ang binabasa niyang libro at hinihintay akong lumapit sa kanya sa sofa.

Sunday ang araw na yun, at madalas ay sa hapon pa kami nagsisimba kaya sa umaga ay pahinga kami pareho. Iniiwasan niya masyadong kumilos ng sunday dahil buong araw niya raw pinaghahandaan ang muling pakikiusap sa bestfriend nya pagdating ng hapon. Kaya naman sa umaga ay patay na patay ang oras naming dalawa, ang tanging ingay lang madalas ay ang tumutunog na playlist namin ni Yiruma sa sala tuwing linggo at syempre ang ingay ko na tila ay nakasanayan narin nya.

"Come here.." Muli niyang pagimbita at parang hindi niya ako lulubayan hangga't hindi ako lumalapit, tutal ay tinigil na niya ang pagbabasa. Hindi niya gagawin yun kung talagang wala kaming dapat pagusapan.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya at umupo sa mga hita niya at yumakap. Niyakap niya rin ako at hinalikan ako sa gilid ng aking uluhan. Pwede bang magstay nalang sa ganung pwesto at ganoong panahon?

"I told you.. You think too much" sabi niya sa akin.

"Wala na akong maisulat Seed, hindi ko na alam kung anong isusunod ko." Pareklamo ko sa kanya.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon