Seed 10.5

1.3K 10 2
                                    

May ilang araw ko rin hininto ang pagsusulat ng kwento ko tungkol sa kanya. Busy sa trabaho, busy sa ibang bagay. Noon ko lang din narealize na "Teka, hindi na pala ako nakakasulat ng tungkol kay Seed" Hindi ko nga alam kung maipagpapatuloy ko pa, nung binalikan ko yung huling sinulat ko, para akong naiyak, nalungkot. Sa kabila ng tindi kong sumubok na kalimutan ang lahat, darating din pala yung panahon na kailangan ko itong balikan. Tingnan kung masasaktan pa ba ako, tingnan kung merong resulta ang mga bagay na ginawa ko para sa sarili ko, for the first time, hindi ko namalayan na hindi na umiikot ang mundo ko sa kanya. Sa pagod sigurong maghintay, kahit paghihintay lang naman ang ginagawa, nakakapagod parin. Pati sa nakakaawang lagay ko sa paghahanap, tumigil din ako. At hindi na siya nagbalik.

Dalawang taon na ang lumipas.

Si Seed ang tipo ng tao na mamahalin mo dahil sa pagiging misteryoso nya sa lahat ng bagay. Kahit na kadalasan nakakainis na gagawin ka niyang manghuhula sa lahat ng oras na makakasama mo siya, andun yung sarap sa pakiramdam na nahihirapan kang alamin kung ano ang gusto niyang sabihin sayo. Hahayaan ka niyang bigyan mo ang sarili mo ng interpretasyon sa kung ano ang talagang pagkakaintindi mo sa pagkatao niya. Noong una, dahil sa nabubulutan ako ng pagmamahal, hindi ko nararamdaman na ganun pala yun kahirap, ang alamin mo ang gusto at pagkatao ng isang tao. Nakakabulag talaga ang pag-ibig.

Kapag nagising ka sa katotohanan, mananatili kang nakapikit, wala ka nang kinakapitan. Mag-isa kang mangangapapara hanapin ang daan mo palabas sa liwanag, --Mag-isa.

Natatandaan ko pa yung mga isa sa huling salita niya sa akin na "Balang araw.. Magiging masaya ka at ako sa ibang tao.." Nung narinig ko palang yun,gusto ko siyang sampalin. Hindi naman ako tanga para hindi isipin na ang mga salitang yun ay hudyat na nang pagpapaalam. Pero dahil nga kilala ko siya, sa loob ng limang taon naming pagsasama. Hindi ako nagtanong, hanggang sa kahulihulihang mga oras, gusto kong mangibabaw ang pagmamahal na sinasabi ko sa kanyang hindi matatapos.

---

"Surprise!" Banggit niya pagtanggal ng piring sa mga mata ko.

Laking gulat sa kung ano ang nakita, hindi ako nakapagsalita.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin habang nakangiti, yung mga ngiti na paulit-ulit kong sasabihin na isa sa isang milyong dahilan kung bakit niya ako napaibig

"Seed!" Hindi na ako nakasagot at bigla ko siyang niyakap..

---

Maaaring makalimot ang tao sa pakiramdam, maaring malimutan ang mukha ng taong gustong kalimutan at naging sanhi ng sakit. Maaring mangyari ang mga impossibleng bagay, pero hindi mo makakalimutan ang kahit isang katiting na bagay na iniwan niya sayo.

Maingay na ang mga ibon ngayon, habang nakaupo sa harap ng isang ilog, sinusulat ko ito ngayon. Sa wakas, nakapagbakasyon rin. Kung andito kayo ngayon kasama ko, malamang lumublob na kayo sa tubig, mukhang presko, sa ilalim ng isang puno, andito ako muling nagkwekwento sa lalaking matagal ng lumisan sa buhay ko at hindi na muling naisipang bumalik.

Gusto kong magtanong sa sarili ko ng "Bakit?" "Paano?" at "Nasaan na kaya siya?" In the end, sasagot lang ako sa sarili ko ng hindi ko alam. Kadalasan, mas masarap kausap ang sarili, dahil sasagutin ka niya ng mga bagay na gusto mong marinig.

"Mahal ka niya pero hindi kayo para sa isa't-isa"

Tumayo ako at iniwan ang mga gamit sa ilalim ng puno para mag-inat. Pagkagising na pagkagising, nagdesisyon akong pumunta sa ganito kalayong lugar na hindi ko man lang alam kung anong tawag. Maraming puno, halos nakakahawigan ng luga nar Mocking bird Trail.  

Tumingala ako sa kalangitan. 

--

"Ang ganda ng langit no?" Sabi niya sa akin habang nakangiti ata nakatingala.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon