Harmony 1

1.3K 15 6
                                    

"Papatayin mo ba ang sarili mo?" "Ang OA naman, kailangan lang niyang mag-isip" "anong mag-isip? Ilang buwan na siyang ganyan.." "Ano ka ba naman kasi parang hindi mo naman yan pinagdaanan!" "Wag mong sasabihin yan sa akin kapag nangyari yan sayo.."

Halo-halong boses sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Paulit-ulit na ganito ang scenario sa bahay na to, sa tuwing pipilitin ako ng mga kaibigan ko lumabas at magkaroon naman ng buhay. Bakit? Hindi mo ba matatawag na buhay ang bumalik ka sa dati mong gawain, pumasok sa trabaho, umuwi, matulog, maligo, kumain at pumasok ulit sa trabaho?

Pero kahit wala sila dito, paulit-ulit ganito rin ang scenario sa isip ko. 

"Hindi na yun babalik, hindi ka niya na mahal, ibalik mo na sa dati ang buhay mo.. kung kinaya mong mabuhay noon mag-isa bago pa siya dumating sa buhay mo, kakayanin mo rin ngayon."

Ang galing ng isip magbigay sayo ng payo, ang galing mong magpayo sa sarili mo. Kaya mo naman sundin diba? ang problema lang. Ayaw mo.

"Siya!" Pasigaw ko para mahinto na ang paulit-ulit na pagaaway nilang walang pinatutunguhan dahil sila ang tinuturi kong mabubuti kaibigan.

"Siya, siya.. Sasama na ako! maliligo lang ako.." Pahabol ko.

"YES! Finally!" Pasigaw nila sa kagalakan.

--

Habang nasa sasakyan patungo sa gimikan na gustong-gusto nilang pupuntahan. Kasalukuyang umiikot sa kung saan-saan nanaman ang isip ko. Sa pagkakataong ito, hindi ko naisip gaano si Seed. Sa totoo lang gusto ko nalang din talagang makiusap na iuwi nila ako at hayaan nalang matulog.

"Tapos ano? Iiyak ka nanaman?" Napicture-out ko na sa isip ko ang magiging sagot nila sa akin.

Mabuti na siguro to, na andito ako. Nasaan na yung sinasabi kong "Everything Happens for a reason?" Siguro ito na yun. Andito na ako, pagkatapos ng ilang buwan, halos mag-iisang taon narin halos, pumayag na akong sumama sa kanila. Ang alam ko lang, walang magiging pagkakaiba dahil kung sakali man na uminom at sumuka nanaman ako, iiyak lang din ako pagkatapos. Wala rin. Natural na ba talagang nagrereklamo ang tao sa paulit-ulit na bagay pero hindi naman sila gumagawa ng paraan para mahinto ito?

----

Medyo umiikot na ang tyan at isip ko, magtatatlong oras na rin kami sa bar. Dito na siguro pumasok ang Everything Happens for a reason.

Habang pinagmamasdan ang mga iba't-ibang kulay ng ilaw na naglalaro sa tanging anino ng mga tao na sumasayaw. May humarang na baso sa paningin ko, tila nakikipagtoast.

"Are you alone?" Sabi niya, pilit pinaiintindi sa akin ang tanong dahil sa sobrang ingay.

"What?" Sagot ko.

"Are you aloooooneee?!" Nilakasan niya pa ang bigkas sa pangalawang pagkakataon.

"Nope, I'm with my friends." Sagot ko.

Bingo! maaring nakainom na ako ng sobra kaya nagagawa ko nang makipagusap sa kung kani-kanino ng hindi dumadampi sa isip ko ang mukha, ang katawan, ang lahat-lahat kay Seed. Noon, kahit babae, o lalake, nakikita ko si Seed sa kanila, kahit sa simpleng pagsusulat ng "Hi" sa isang sticky notes o kahit pa may istrangherong naninigarilyo sa daan, nagtatanim o nagpapawis dahil sa init ng araw, sa lahat ng taong nakikita ko, naaalala ko si Seed.

Bumubuka ang bibig niya na parang may tinatanong ulit. Lumipad nanaman ang isip ko, wala nanaman akong naiintindihan sa sinasabi niya, bukod sa maingay, parang wala ang kaluluwa ko sa bar na yun ng ganoong mga panahon.

"I'm Harvey.."

"Excuse me?!" Palakas kong tinanong..

"Harvey! You are?" Tanong niya pabalik.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon