“Parang ang sarap-sarap magmahal kapag nakakakita ka ng mga inspiring na pictures ng couple, nakakarinig ka nung mga love songs na alam mong may specific na taong pinagaalayan pero feeling mo para sayo. Parang ang sarap ng ganun no?”
“Hmm??” habang nakatingin ang mga mata niya sa daan.
“Gusto kong mainlove ng matinding-matindi, yung tipong hindi na ako makatulog. Hindi na ako mapag-isip ng maayos, yung pagkainlove na masaya ako, na walang kapantay.”
Hindi siya sumasagot sa akin.
“kung gusto mong mainlove, gusto ko yung inlove ka dahil naramdaman mo, hindi yung naiinggit ka sa mga taong nakikita mo. Alam mo nagaaway din yang mga yan, at yung mga love songs? Ginawa out of sadness. Sabi nga nila, kapag hindi mo raw malimutan, gawin mo siyang literature. Basta parang ganun.”
----
Isang taon na ang nakakalipas, sa tuwing titingin ako sa daan, pauwi o papasok. Lagi kong naaalala yung mga panahon na sa tabi ko, sa sasakyan niya, magkasama kami. Habang sinasabi niya na “kung gusto mong mainlove, gusto ko yung inlove ka dahil naramdaman mo, hindi yung naiinggit ka sa mga taong nakikita mo."
Isang taon, Hindi pa rin ako nakakalimot. Pero sa tagal, natanggap ko na rin. Na kailangan niya akong iwan. Ito na siguro ang huli, huling sulat ko sa kanya.
Kahit maramin nagdaan, iba parin yung nagiisang tao na nagparamdam sayo na nagiisa lang siya, na siya lang ang pwedeng magmahal sayo nang gusto mo. Na kahit maraming nagdaan, siya parin ang hahanapin mo.
Sa lumipas na isang taon, alam ko na maling naghanap ako ng pagmamahal dahil lang namimiss ko yung pakiramdam na ganun. Pero kahit papano, naging masaya naman ako, naramdaman kong meron pang pwedeng magparamdam sa akin ng pagmamahal, kahit hindi katulad nung sa kanya, at least may natira pa sa akin.
Isa lang naman ang mahirap bitawan, yung mga ala-ala. Hindi mo alam kung dapat kang magpasalamat na may ala-ala pang tinira sayo para balik-balikan mo, o magalit dahil meron ka pang maaalala, mamimiss tapos may panghihinyangan ka at magtatanong "Bakit ganon? anong nangyari?" Kakausapin mo sarili mo, sasagot ka rin "Hindi ko alam."
Sa hindi ko alam kung ilang pagkakataon, hindi na ako nakikinig sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit may mga taong nagsasabing handa silang samahan ka hanggang sa dulo, nasa kalahati ka pa lang, wala ka na palang kasama. Hindi ko alam kung bakit napakadali sa mga taong nangiiwan ang magdesisyon na iiwanan ka na nila at yun na yun. Wala nang tinira sayo.
Ayokong magalit, gusto kong mangibabaw parin yung pagmamahal. Ayokong isipin na binigay siya sa akin dahil magiging pabigat siya at magdadala ng lungkot sa puso ko.
Gusto kong kapag naalala ko siya, ngingiti ako, titingala sa langit katulad ng ginagawa niya at magpapasalamat na minsan sa buhay ko, dumating ang lalakeng hindi ko man lang lubusan nakilala.
Iniisip ko, nung mga panahon ba na iniwan mo ko, nahirapan ka rin, umiyak kahit 5 minutes? naisip na sana maibalik mo ang lahat, na magkakilala kami ulit? Sana kahit alin man sa mga naisip ko napagdaanan mo.
Sinabi niya sa akin na wagko siyang hanapin o hintayin. Pero hindi ako sumunod, hinanap ko siya, hinintay pero mukhang hindi na siya babalik.
Ang bigat sa puso, ilang beses na din akong naginom pero wala ng sumundo sa akin at nagalaga. Hindi na naulit yung mga inaasahan ko.
Hindi ko na siya nakita ulit.
---
"Maghahanap ka ba ng iba?" Tanong ko sa kanya habang hawak hawak ang kamay ko at ang isa ay nasa manibela.
"Magiging masaya ka.. Ako.. sa ibang tao.." Sagot niya.
Hindi na ako nakasagot, alam ko na nasa exam nanaman ako. Kailangan ko nanamang manghula.
BINABASA MO ANG
Dear Seed,
Random"anong pangalan mo?" Finally! Naitanong ko rin, halos isang buwan ko na siyang tinatawag na seed, malamang kung malalaman niyang seed ang tawag ko sa kanya, hahalaklak siya lalo na kapag tinagalog ito. Buto? nakakatawa nga naman. Pero hindi ko rin a...