CHAPTER ONE

70 4 5
                                    

Ang prologue ay gawa-gawa lamang ng illuminati.

BESTFRIEND RULE NO. 1
[On the way na mga bhie]

"Sige na, Lola. Pumasok ka na. 'Wag mong kalilimutang kumain ng tanghalian, ha? Sige na. Mag-iingat ka."

Kumaway pa si Papa sa akin habang naglalakad ito palayo. Nakatingin lang ako sa bulto niya hanggang sa maglaho na ito. Napatingin naman ako sa gate ng school na bago kong papasukan.

Taon-taon na lang, lagi na lang kaming lumilipat ng school.

Pumasok na ako sa loob ng paaralan at agad namangha sa ganda nito. Parang school ng mayaman, ang galing. Napatingin naman ako sa palaruan at nakakita ng mga batang naglalaro. Gusto kong lumapit kaso baka matakot sila sa akin.

Napagdesisyunan kong 'wag na lang lumapit sa kanila. Hindi rin naman nila ako kakalaruin kapag nalaman nilang sardinas lang ang inuulam namin kapag gabi. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw nila sa sardinas eh. Mas masarap naman 'yun kasi hindi mo na kelangang lutuin. Bonus na lang 'yung hindi ka pa matitinik. Mura pa.

"Aray..." Napadaing ako nang may makabangga. Grabe naman makangga 'to. May galit ba ito sa akin? Kabago-bago ko pa lang, may ayaw na agad sa akin? Kakalipat ko palang eh.

"Ooopss." Maarteng sabi nito. Tumayo lang ako at pinagpagan ang palda ko.

"Sorry." Ako na ang humingi ng tawad. Tinuro kasi ni Papa na 'wag na lang patulan ang mga nang-aapi sa'yo. May tinatawag daw kasing karma ang mga tao. "Alam mo ba kung nasa'n 'yung Grade 6 - Section Masikap?"

"Hindi." Umirap pa ito sa akin kaya napaatras ako. "Tabi nga." Tumabi na lang ako at baka itulak na naman ako nito.

"Sungit..." Bulong ko at sinimulang hanapin muli ang klase ko. Mukhang maliligaw pa ako sa dami ng classroom na narito pero wala man lang akong makitang teacher o kahit sino na pwedeng pagtanungan. "Nasa'n na kayo 'yun?"

"Sinong hinahanap mo?" Napatingin ako sa likuran ko nang may magsalita. Bata ito na mas matangkad sa akin, nakahawak pa ito sa strap ng bag niya.

"Ah, hinahanap ko kasi 'yung classroom ko. Grade 6 - Masikap. Alam mo ba kung nasaan 'yun?" Kinamot ko pa ang ulo ko dahil sa pagkapahiya. Nakita ko namang nilibot nito ang paningin sa paligid saka tumango at sinenyasan akong sumunod sa kanya.

Muli kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Ang gara talaga. Ilan kaya ang estudyante dito? Malamang madami. Ang tanong, ilan kaya ang mang-aaway sa akin dito? Napabuntong hininga ako sa isipin.

"Bagong lipat ka lang sa school na'to?" Lumipat ang tingin ko sa lalaking kasabay kong maglakad. Mas matangkad siya sa akin, hanggang baba niya lang ako. Naramdaman niya atang nakatingin ako kaya napatingin din siya sa akin.

"Oo." Halata naman di'ba? Hindi ko na lang isinatinig ang sinabi ko sa isip. Baka sabihin niya masama ang ugali ko. Hindi naman 'no! Hindi pa. "Taga-saang section ka?" Para naman may mapag-usapan kami, ako na ang nagsimula.

"Section Masigasig. Grade 6. Magkatabi lang tayo ng room. Ako nga pala si Reese." Ngumiti pa ito sa akin. Akala ko may dimples na lalabas, sa palabas lang pala may gan'on.

"Lorelei. Pero Lola ang tawag sa akin ng Papa ko." Sagot ko atsaka muling tumutok sa daan. "Papa ko lang may karapatan tumawag sa akin ng gan'on."

"Gan'on?" Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala. Gusto ko siyang sungitan kasi ang engot-engot niya pero dahil kailangan ko siya, pinigilan ko.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now