CHAPTER TWENTY-FOUR

8 2 0
                                    

"Lola, k-kumain ka muna..."

Hindi ko na inabala ang sarili ko na tingnan ang tumawag sa'kin. Tulala habang nandito sa pasilyo, muli kong naramdaman ang pamamasa ng mata ko nang umupo si Reese sa tabi ko.

"Reese, s-si...Papa..."

Wala na si Papa. Wala na akong Papa. Wala na akong pamilya.

"Wala na si Papa..." Humina ang boses ko habang sinasabi 'yun. Pinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan akong umiyak, habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"Nandito ako, Lola. Sasamahan kita, okay? Hindi ako aalis sa tabi mo."

Ni hindi ko man lang siya nakausap bago siya mawala. Wala man lang akong narinig sa kaniya bago niya ako iwan. Hindi man lang siya...nakapag-paalam.

Ang sakit-sakit isipin na gigising ako sa mga susunod na araw na wala na siya.

Bakit naman ang aga niyang nawala? Hindi pa ako handa. Marami pa akong gustong ipakita sa kaniya. Gusto ko pang makita niya akong maabot ang pangarap ko para sa'min.

Ni hindi ko man lang nasabi kahit isang beses kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano ako nagpapasalamat na siya ang naging tatay ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko, si Tita ang umasikaso ng burol ni Papa. Ayaw kong makita niya ako kasi kapag nagtatama ang mata namin, nakikita ko ang awa sa mga mata niya.

Tinulungan ko na lang silang asikasuhin ang mga 'yun dahil nakakahiya naman sa kanila. Hindi ko lang mapigilang maiyak kapag nakikita ko ang bagay kung saan nakahimlay si Papa.

Wow, ang sakit pala talaga kapag ikaw mismo ang umaasikaso sa libing ng magulang mo.

Hindi ko pa siya sinisilip. Wala akong lakas ng loob. Hindi ko kaya, at hindi ko alam kung kakayanin kong makita siya sa ganiyang sitwasyon.

Hindi naman ito kasama sa mga plano ko para sa'min, 'e.

"G-Gusto mo ng tubig? Ako na diyan."

Napatingin ako kay Reese nang abutan ako nito ng baso. Umiling lang ako at pinagpatuloy ang paglilinis ng mga hugasin.

"Wala ka bang pasok?" Tiningnan ko ulit siya at nakitang umiwas ito ng tingin.

"Wala. Half day lang kami. G-General assembly..." Tumango na lang ulit ako at nagpatuloy. Naramdaman ko naman ang pagbuntong-hininga niya bago magpaalam na may gagawin muna.

"Papa..."

Nandito ulit ako mag-isa sa kuwarto ko at iniiyak ang sarili. Yakap-yakap ang unan niya, hinayaan ko itong mabasa ng luha ko.

He was with me...ever since I'm a baby. Siya 'yung laging nandiyan kapag nasasaktan ako. Siya ang unang makaka-alam kapag may problema ako. Siya ang unang makaka-unawa kapag may pinagdadaanan ako. Kapag nasasaktan ako, kapag masaya, at naiinis, nandiyan siya.

Inalagaan niya ako...pero bakit hindi niya ako binigyan ng pagkakataong alagaan naman siya?

"Bakit kasi ang daya mo? Sabi mo hihintayin mo ako, 'e..."

Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang burol ni Papa. Hindi na ako umiiyak tulad ng mga nakaraang araw, pero ramdam na ramdam ko pa rin 'yung sakit sa tuwing mapapagawi ang mata ko sa kabaong niya. Hindi ko pa rin siya sinisilip. Kinukumbinse ko na lang ang sarili ko na meron pa namang bukas para silipin siya kahit na ang totoo, natatakot lang akong tanggapin na wala na talaga.

Katulad nga ng sinabi ni Reese, hindi niya ako iniwan. Hindi niya hinayaang mag-isa ako, sumusunod siya kahit saan ako magpunta. Hindi niya pinaramdam sa'kin kahit isang saglit na mag-isa ako.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now