EPILOGUE

32 2 2
                                    

"Reese! Gumising ka na diyan! Papasok na tayo!"

Hindi niya na ako kailangang gisingin dahil kanina pa ako gising. Lumabas ako ng banyo at nagpatuyo ng buhok ko. Tumalon-talon pa ako sa higaan ko habang nagpapatuyo kaya nagusot-gusot 'yung bed sheet.

Inayos ko mag-isa ang mga gusot no'n bago ako nagbihis na din para makababa na. Wala na si Papa nang bumaba ako dahil nasa trabaho na siya. Si Mama naman ay naabutan kong nagt-tsaa kasama ang nanay ni Serafina, habang ang babae naman ay kumakain na.

Hindi ko siya pinansin at dumeretso na lang sa upuan ko. Tiningnan niya lang ako sandali bago binalik ang tingin sa pagkain.

Si Serafina lang ang close ko na pinsan dahil siya lang naman ang parating pumupunta dito sa bahay para manggulo.

"Nakasimangot ka na naman, gusto mo bang makipagsuntukan, ha?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang ingay-ingay niya! Ang aga pa para sa ingay niya.

"Anong gusto mo? Ngumiti ako dito habang kumakain?" Inirapan ko na lang siya at hindi na ulit siya kinausap.

Pagkarating namin sa school, nauna nang bumaba si Serafina. Tumakbo pa siya habang ako habang ako naman ay naglakad lang dahil ayokong pagpawisan ng maaga.

"Anong hinahanap mo?" Lumapit ako sa isang bata na parang nawawalan ng gamit. Ang magulo niyang buhok na brown ay mas lalong gumulo nang kamutin niya ito.

"My ID. I dropped it somewhere here." English-ero. Tinulungan ko siyang maghanap at nang makita ito, agad kong binigay sa kaniya. Kinuha niya lang ito sa akin at basta na lang umalis. Napakamot na lang ako sa ulo at umalis na parang walang nangyari.

Kaso habang papunta ako sa room ko, nakita ko ang isang batang babae na mukhang naliligaw. Pinagmasdan ko muna ito mula sa malayo saka ko napagdesisyunang tulungan na lang dahil bakas na bakas sa mukha niya ang pagkalito.

"Bagong lipat ka lang sa school na 'to?"

Sinubukan ko siyang kausapin habang nasa daan kami papunta sa classroom nila. Bahagyang kumunot ang noo niya pero sumagot pa rin naman. Napanguso ako dahil ang sungit naman niya. Hindi ko na lang dinibdib at nagpatuloy sa paglalakad.

Ang weird niya kasi sabi niya, si Papa niya lang daw ang puwedeng tumawag sa kaniya ng palayaw niya.

Ashanti Lorelei.

Bagay sa kaniya ang pangalan niya pero mas gusto ko 'yung Lola. Kaso baka magalit siya sa'kin kaya hindi na ako nanglaban pa.

Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan. Sila ni Serafina ang totoong close pero pinilit kong mapalapit sa kaniya...kasi wala lang. Gusto ko lang maging malapit sa kaniya.

"Puwede ko din po ba siyang tawaging Lola?"

Dahil ayaw niyang tawagin ko siya sa palayaw niya, nagpaalam ako kay Papa. Ayaw ko kasi siyang magalit sa'kin kaya gusto ko lang na makita niyang may permiso ako.

"Oo naman. Puwedeng-puwede mo siyang tawaging Lola." Nginisian ko ang nakasimangot na si Lola. Inirapan niya ako kaya napanguso ako.

Bestfriend kami. Kahit ayaw niya, wala siyang magagawa kasi para sa'kin, mag-bestfriend kami. Para sa'kin, siya lang ang bestfriend ko.

"'E di goodluck! Bye-bye! Ingat sa biyahe!"

Buong panahon ata na nasa Provincial Meet kami, si Lola lang ang iniisip ko. 'Yung malungkot niyang mukha habang pinapanood kaming umalis. Ewan ko ba kung bakit kating-kati na akong umuwi.

Nanalo ako. Dapat masaya ako pero no'ng makita kong bumagsak ang balikat ng kalaban ko habang nag-uusap sila ng matanda na sa tingin ko'y magulang niya, naisip kong napatunayan ko na rin namang magaling ako, wala na akong kailangan pang patunayan pa.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now