CHAPTER FIFTEEN

7 3 0
                                    

"Lola, sandali!"

Habang naglalakad sa pathway, narinig ko ang pagtawag ni Reese sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya na noon ay tumatakbo pa para makalapit sa'kin. Tumaas ang kilay ko't huminto para hintayin siyang makalapit sa'kin. Kapag hindi lang talaga importante ang sasabihin nito, naku, may kalalagyan 'to sa'kin.

"Oh, ano? Dalian mo, nagugutom na ako. Hindi pa kasi sinabi kanina. Masaya ba topic niyo?" Tukoy ko d'on sa kausap niya kanina. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya saka ako inakbayan.

"Init na naman ng ulo, ah? Bloody week na ba?" Inis na tinanggal ko ang braso niyang nakapatong sa balikat ko saka siya inirapan.

"Putangina mo, tigilan mo ako. Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino." Nakasimangot akong nagpatuloy sa paglalakad. Sinasabi na nga ba, wala na namang magawa sa buhay ang pisting yawa na 'to, 'e.

"Modess ang sagot sa moody!" Ang lakas pang tumawa ng hayop.

"Pakyu. 'Wag kang lalapit sa'kin!" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko na lang pinansin ang pambubuwiset niya hanggang sa makarating ako ng canteen.

"I can feel the heat from your head. What happened?" Naupo ako sa harap ni Xia na noon ay payapang sumisipsip sa juice niya. Katulad ng dati, suot-suot niya na naman ang salamin niya. Ako ang nakakatihan sa mata niya.

"Wala naman. Natural na ata ang init ng ulo ko. Parang kabuwisetan ni Reese, hindi na maalis." Mahina na lang siyang natawa sa sinabi ko. "Wala pa ba si Blake? Naunang umalis 'yun sa'min, ah."

"There," Napatingin ako sa kung saan nakaturo ang kamay niya. Nakita ko si Blake na pumipila pero nakisingit si Reese kaya nakita ko din silang mag-asaran. "He told me na siya na daw ang bibili ng akin so I let him. Bahala siya." Muli siyang sumimsim sa juice niya. Tumango na lang din ako habang hinihintay na bumalik ang dalawa.

"Meron akong baon na chismis. Ay, hello!"

Napatingin ako sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa tabi ko. Nakalugay ang wavy nitong buhok at medyo singkit ang mata. Ngumiti ito sa'kin kaya napipilitan akong ngumiti pabalik. Binalik niya rin naman ang tingin kay Xia. Mukhang mag-uusap sila.

"Ah, Hershey, si Lola, new friend ko. Lola, si Hershey." Ngumiti na lang ako at tumango dahil wala naman akong balak na kilalanin pa siya. "What are you doing here nga?"

"May bago akong crush, dzai. Kilala mo 'to. Si Biembeh. Chos. Si Bryan ng Jade. 'Di ba? Bongga." Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya mas pinili ko na lang na hindi makinig.

Napatingin ako sa dagat ng tao na nasa loob ng canteen. Samo't sari ang nagagawa nilang ingay pero 'yun 'yung ingay na hindi nakakarindi. May mga malakas pa kung tumawa kaya napapangiwi na lang ako. May nakikita din akong loners. Kung hindi ko siguro naging kaibigan si Reese, baka isa na ako sa kanila. Mga outcasts.

Pero wala, 'e. Feeling close masyado. Thankful naman ako dahil na-develop ang social skills ko pati na rin ang confidence ko dahil sa kanya. Ewan ko ba, nakakahawa ang kakapalan ng mukha niya.

Mayamaya'y umalis na din si Hershey. Nagpaalam pa siya sa'kin pero tango lang ang naisagot ko. Wala naman akong dapat sabihin. Bye?

"Ang haba ng pila." Dumating ang dalawa bitbit ang mga pagkain na binili nila.

"Nakisingit ka na nga, nahabaan ka pa sa pila." Umirap lang ako kay Reese saka kinuha ang pagkain na tingin ko'y para sa'kin. Alam niya naman kung anong ayaw at gusto ko.

"Mahaba naman kasi talaga. Tanong mo pa kay Blake." Pinilit niya pa pero hindi ko na lang nilabanan. Okay, 'e di mahaba, sana all.

"Kwento mo sa brief mong Avengers," pambabara ko sa kanya. Sinimangutan lang ako na akala mo naman ay ikina-guwapo niya. Heh, kapal naman ng betlog niya.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now