CHAPTER NINE

6 2 0
                                    

"Kabahan ka na Blake. Dadaigin ka na na ni Reese."

Nandito kami sa school library, syempre, pinalibutan ako ng matatalino. May oral recitation kasi kami mamaya kaya kinakabahan ako kasi baka wala akong masagot. Index card na naman 'yun, for sure. Haliparot talaga kahit kailan teacher namin.

Isang ngisi lang ang sinagot ni Blake. Hay, guwapo talaga nito. Kaso hindi ko type. Pakiramdam ko incest. Kapatid na turing ko dito, eh.

"Kung ako sa'yo Lola, nag-review na lang ako kesa dumada. Hindi kita matutulungan mamaya sa recitation, baka lang hindi mo alam." Napanguso ako saka binalik ang tingin sa notebook na hiniram ko lang din sa kanya. Sa module sila nagbabasa ni Blake. Ewan ko ba sa mga 'yan, mas gusto pang pinahihirapan ang sarili nila.

"Buti na lang hindi ikaw ako..."

Abot-abot ang kaba ko habang tinitingnan kami ni Ma'am isa-isa. Sumisilip pa ito ng kaunti sa binabalasa niyang index card. Mas nakadagdag pa ng kaba ko ang katahimikan sa loob ng classroom. OA kung sasabihin kong naririnig ko na ang sarili kong tibok ng puso pero gan'on talaga ang nararamdaman ko.

Napatingin naman ako kay Reese na noon ay hindi pa man lang kakitaan ng tensyon. Gan'on din si Blake dahil naka-krus pa ang mga braso nito sa dibdib. Ang braso naman ni Reese ay nasa batok.

Sana all.

Nag-aral naman ako kaya bakit ako kakabahan? Jusme. Basic lang 'yan. Para ka lang sumagot sa 'hindi kailan oo, di'ba?'.

"Altarez..."

Napuno ng pagbuntong-hininga ang silid. Lahat siguro kami ay nakaramdam ng kaginhawaan dahil hindi kami ang unang natawag. Pashnea! Hindi pa. Hindi pa natatawag. Malay ko ba kung ako na ang kasunod niyan.

"Natatae ako, Reese." Sabi ko kay Reese na noon ay mahina pang sumisipol. Napatingin naman ito sa'kin saka natawa ng mahina. "Pakiramdam ko, nasusuka ako."

"Sus! Nabara mo nga 'yung kaklase natin 'nung Grade 8 na future lawyer daw, 'yan pa? Kaya mo 'yan! Si Ma'am lang 'ya---,"

"Aracosa? Anong pinag-chichismisan niyo d'yan ni Jaravata?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ko. Bakit ako?

"Ah..." Sinamaan ko ito ng tingin. Kasalanan niya! Ang ingay niya! "Hehe, dinadaldal ko lang po si Lola. Kasalanan ko po. Sorry." Pero kahit sabihin kong kasalanan niya, alam ko naman na kung hindi ko siya kinausap, hindi rin naman siya magsasalita. Ayan! Tinubuan ako ng konsensiya sa hayop na 'to. "Hehe, sorry po."

"Isa pang daldal niyo d'yan, ha? Hindi ko kayo bibigyan pareho ng graded recitation." Sumiring pa ito saka bumaling kay Altarez na noon ay nakatingkyad na habang nakatingin sa kisame. "Continue..."

Hindi ko na dinaldal si Reese. Natakot kasi ako sa banta ng teacher naming dyamante. Pinaulit-ulit ko na lang lahat ng binasa ko kanina sa utak ko.

"Jaravata," Dinaga na naman ang dibdib ko nang ako na ang tawagin. Pinikit ko ang mata ko at dahan-dahang tumayo saka bumuga ng hangin. "Can you give atleast three in the five properties of parallelograms?"

Oh, shoot.

Napakagat ako ng labi saka inisip 'yung mga 'yun. Nabasa ko 'yun kanina, eh.

"I-In parallelogram, a-any two opposite s-sides are congruent..."

Isa.

"In a parallelogram, any t-two opposite angles are c-congruent."

Dalawa. Shet isa na lang. Langit, gabayan mo na agad ako. Promise, bibigyan ko na si Reese ng baon ko.

"Then?"

Shuta ka Ma'am, wait lang naman.

"In a p-parallelogram, any two c-consecutive angles are supplementary...?" Hindi ako sure sa sagot ko, peste!

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now