CHAPTER SIXTEEN

9 3 1
                                    

"Lola, baon mo."

Lalabas na sana ako nang bahay nang tawagin ako ni Papa. Ang akala ko'y naka-alis na siya, hindi pa pala. Tumango lang ako at ngumiti.

"Hindi...hindi ka pa ba papasok, Pa? O may pasok ka ba ngayon? Dito ka na lang kaya muna sa bahay?" Mahina lang siyang tumawa saka tinapik ang ulo ko.

"Mamaya pa ang trabaho ko, 'nak. Male-late ka na. Bakit nga pala hindi sasabay sa'yo si Reese?" Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Hindi ko din kasi alam kung bakit hindi sumabay si Reese. Basta ang sabi niya sa'kin, mauna na daw ako. Kaso baka nauna na nga sa'kin 'yun kasi medyo late na.

"May gagawin po ata sila ng groupmates niya na project kaya kailangan niyang mauna." Palusot ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin na iniwan ako ni Reese, baka magkaroon pa siya ng tampo sa lalaki.

Nagpaalam na din ako na mauuna na dahil baka ma-late na talaga ako. Lunes na lunes, male-late ako. Ang pangit ko naman na estud'yante kung gan'on. Baka mang-war shock pa teacher namin.

First time kong sumakay sa jeep na hindi siya kasabay kaya medyo naninibago ako sa mga katabi ko. Nasa pito din kaming nasa loob ng jeep at kamalas-malasan pang natabi sa'kin ang isang mukhang adik na lalaki.

Hindi na lang ako nagreklamo kahit na nababahuan ako sa amoy niya. Amoy alak na amoy sigarilyo. Panay pa ang singhot niya kaya napapa-kagat ako ng labi at iisod palayo.

Napatingin ako sa katabi ko nang mabunggo ko ito. Wala na pala akong iisudan. Mukhang college na ito, third year ata kasi 'yun ang nakasulat sa ID niya. Business Ad student. In fairness, gwapo siya.

Tsk, ano ba, Lola. Nagawa mo pang maghanap ng gwapo sa ganitong sitwasyon.

Napatingin naman siya sa'kin at kumunot ang noo nang muli akong umisod. Pa'no ba naman, 'yung mukhang adik na lalaki, umisod din palapit sa'kin.

"Are you okay?" Yumuko na lang ako para hindi na lalo makaramdam ng hiya saka tumango. "Do you...want to change our seats?"

"Ha? O-Okay lang po. Dito na lang ako. A-Ayos lang---," hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko, tumayo na ito at sinenyasan akong lumipat sa pwesto niya.

"I think, mauuna akong bumaba sa'yo. Mas madali sa'kin kapag malapit sa pinto." Ngumiti pa siya sa akin. Gagi, teh, kung ganito naman ang makakatabi ko kapag mag-isa lang ako, 'wag niyo na akong ibaba please lang.

Napanatag tuloy ako sa b'yahe. Alam ko kasing hindi na ako malalapitan nung kumag na 'yun. Next time talaga, hindi na ako sasakay ng jeep nang hindi kasama si Reese. Sa tricycle na lang ako, if ever.

Pagkadating ko sa classroom, tama nga ang hinala ko na nauna na si Reese sa'kin. Nasa labas kasi siya, parang may hinihintay. Nang makita ako, kumaway pa siya saka maliit na ngumiti.

"Iniwan mo 'ko, tanga. Bakit ka pa kasi nauna sa'kin? Muntikan pa tuloy---," Mabuti na lang at napigil ko ang sarili kong sabihin ang naganap kanina sa jeep. Ayoko namang isipin niya na sinisisi ko siya. Atsaka, hindi ko naman na kailangang i-big deal 'yun, wala namang masyadong nangyari. Na-annoy lang siguro ako sa paglapit-lapit niya.

"Mabuti na lang ano?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, malamang ay nagtataka kung bakit hindi ko itinuloy ang sasabihin ko.

"Mabuti na lang at hindi ako na-late kahihintay ng jeep. Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan ko sa pag-abang." Mabuti na lang at nakaisip agad ako ng pang-lusot.

"Sus, 'yun lang naman pala. Sanayin mo na sarili mo." Nilagay niya pa ang kamay niya sa bulsa. Tumaas naman ang kilay ko sa pinagsasabi niya.

"Bakit? Hindi mo na ako sasabayan? Kapal mo, ha." Inayos ko pa ang nagusot ko na uniform bago kami sabay na pumasok sa loob.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now