CHAPTER EIGHTEEN

9 2 0
                                    

"Sagot ko na 'yung multiple choice, inyo 'yung identification. Sige na, alam niyong bubu ako mag-saulo."

Alam mo 'yung mas na-stress ka pa mag-isip ng way para maka-kopya kaysa magsagot?

Gan'on ang mga kaklase ko. Imbes na mag-review, nagplano pa nga ng kodigo.

Third periodical test, lahat ay busy na sa pagr-review para dito. Chill lang ako kasi why not? Char. Maingay ang classroom dahil sa mga classmates ko na kung mag-review, akala mo kanila 'yung buong space.

"Hydrogen, Helium, Lithium----,"

"Hoy, tahimik naman, guys, hindi lang kay---,"

"Wala akong pake. Lithium---pota, nawala na ako, napaka-epal kasi, buwiset."

Hindi ko na lang sila inintindi at dumukdok sa lamesa. Nakakatamad mag-aral, bukas na lang ako magr-review. Sa susunod na linggo pa naman 'yun. Feeling pressured naman 'tong mga 'to. Akala mo tatakbuhan ng oras ampota.

"Lola, may tanong ako." Kahit nakapikit, napairap ako nang marinig ko ang boses ni Reese.

"Ano? Kapag 'yan walang kwenta, Reese, ha." Nadinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Sa Math 'to, survey lang. Sagot ka lang, kahit ano." Kumamot pa siya sa ulo niya habang hawak ang ballpen. "Ito," inabot niya ang papel sa'kin. Ito siguro 'yung pa-activity sa math. Ang sipag naman, nagsimula agad. Sana ka-member na lang nila ako.

Sinagutan ko na lang ang survey paper na inabot niya. Binara-bara ko lang 'yun kasi tinatamad akong um-intindi. Bahala sila d'yan.

"Ayan, salamat. Kayo? Hindi pa kayo magsisimula?" Tumingin lang ako sa kan'ya saka umiling.

"Maaga pa. Pwede pa naman namin 'yang gawin bukas, o sa susunod na bukas," sabi ko habang nakatingin sa mata niya.

"Bakit? Paano kung ma-late kayo? Malaking porsiyento 'to ng grade, Lola. Babagsak ka kapag hindi ka nagpasa." Umirap lang ako kasi mas concern pa siya sa sarili kong grade.

"Sabi nga nila; why do you have to pass if you can just pass away?" Biro ko, pero hindi naman siya tumawa. "'Di, joke lang. Mamaya, gagawa na ako. Baka umiyak ka, 'e. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang umiyak." Natahimik siya sa sinabi ko. Tumaas naman ang kilay ko nang makitang nagpipigil itong ngumiti.

"Mukha kang tanga." Muli ko siyang inirapan nang tumawa ito. "Dito na ako. Gawin mo 'kong respondent!"

"Oo na." Kumaway lang ako saka muling dumukdok sa lamesa ko.

Payapang natapos ang araw nang wala man lang akong nagagawa. Nakaka-umay lang ang sunod-sunod na quiz pero kinaya ko naman. Palibhasa, fourth quarter na kaya mas lalo nila kaming pine-pressure.

Jusko, hindi pa nga ako nakaka-move on sa arithmetic sequence at geometric sequence noong first quarter, ginigigil na naman nila ako. Buti na lang talaga marunong magpaliwanag si Reese at Xia, kung hindi, baka naging krazy Lola na ako.

"'Te, uuwi ka na?"

Napahinto ako sa paglalakad nang bumulaga si Fiona sa harap ko. May hawak-hawak pa siyang libro sa kamay habang nakatingin sa'kin. Kasunod niya naman si Xia na bagot na bagot ang mukha.

Kinidnap na naman ata ng gaga.

"Bakit? Hindi pa naman. Hihintayin ko pa si Reese, 'e," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod ang dalawa sa'kin.

Naka-sukbit ang braso ni Fiona sa braso ni Xia habang sabay na naglalakad. Umiwas na lang ako ng tingin at nilagay ang kamay sa bulsa ng palda.

"Bili tayo sa labas, dzai. Ubusin natin pera ni Xia." Mahina lang akong tumawa sa pinagsasabi niya. "May popcorn do'n. Cheesecorn na lang kung ayaw niyo. Sweet corn, meron din. Pili lang kayo, si Xia magbabayad."

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now