CHAPTER TWENTY-TWO

15 2 0
                                    

"He's over fatigue. He had to rest first."

Nakatayo lang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Ang mama ni Reese ang kinakausap niya, habang si Reese naman ay nakatingin lang sa'kin ng may pag-aalala sa mata. Lumipat din ang tingin ko sa kaniya kaya nakita ko ang bahagyang pagngiti niya.

"Magiging okay din si Papa, 'wag kang mag-aalala," sabi niya dahilan para mapabuntong-hininga ako.

"Kailangan lang daw ng Papa mo ng pahinga. Magiging ayos din siya." Lumapit sa'kin si Tita saka ako tinapik sa balikat. "Oh, pa'no? Mauna muna ako. Bibilhin ko lang 'tong binilin ng doktor."

"Salamat po, Tita."

Nakakahiya lang sa nanay ni Reese at mukhang naabala pa siya. Sabi naman ni Reese ay ayos lang daw 'yun, ang mahalaga ay ligtas si Papa. Hindi ko alam ang gagawin kung wala sila.

"Hindi ka ba nagugutom, Lola?" Napatingin ulit ako kay Reese nang magsalita ito. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko at, hindi pa naman ako nagugutom kaya umiling lang ako.

"Ikaw. Kung nagugutom ka na, kumain ka," sabi ko sa kaniya. Umiling naman siya kaya hindi ko na rin pinilit.

Nakaupo lang kami ngayon sa labas ng room ni Papa. Wala pa rin kaming ideya kung kailan siya magigising. Pero sana, mamaya o bukas, magising na siya. Sabi ko na kasi ay tama muna sa trabaho, 'e.

Napayuko ako at tinakpan ang mukha. Natakot ako kanina. Hindi ako handa. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Alam mo 'yung ayaw mo mag-isip ng masama pero hindi mo mapigilan? Hindi ko ata kaya kapag nawala si Papa. Sa buong buhay ko, siya ang nagpalaki sa'kin. Nasanay akong nandiyan siya.

"Lola, kaya 'yan ni Papa. Bukas, o mamaya. Magigising din siya. Sasamahan kitang magbantay." Naramdaman kong hinagod ni Reese ang likod ko.

"May pasok bukas. Kailangan mong um-attend. Magpapadala na lang siguro akong excuse letter." Tumingin ako sa puting pader.

"Pero, Lola---,"

"Reese..." Pinigilan ko ang sasabihin niya. Tumingin ako deretso sa mata niya saka ngumiti. "Ayos lang ako. Kailangan ko lang bantayan si Papa. Tama na 'yung nagawa mo kanina, pumasok ka bukas." Tinapik ko ang balikat niya. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi na siya nanlaban pa.

"Sige. Babalik na lang ako bukas ng tanghali dito, puwede ba 'yun?" Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya. Basta ba hindi siya male-late sa klase niya. Hindi naman gan'on kalayo ang hospital sa paaralan kaya puwede siyang magpabalik-balik kung gugustuhin niya. "Matulog ka ng maaga. O kaya kumain ka muna bago matulog."

"Hindi naman ako nagugutom," tipid na sagot ko sa kaniya.

"Lola, seryoso ako. Magkakasakit ka kapag hindi ka kumain." Napairap lang ako.

"Hindi ako mamamatay kapag hindi ako kumain ngayong gabi." Narinig ko naman ang mahinang dabog nito kaya natawa ako. Isip-bata. "Biro lang. Oo na, kakain ako mamaya. Kapag nagutom ako."

Kinailangan niya na ring umalis pagkatapos no'n dahil gabi na. Nakalimutan ko na ngang may assignment pala dahil sa nangyari kanina. Pero okay lang 'yun. Hindi naman siguro che-check-an.

Pumasok ulit ako sa loob ng kuwarto ni Papa para tingnan ang kalagayan niya. Payapa siyang nakahiga sa higaan niya. Napabuntong-hininga ako saka hinila ang upuan at naupo sa tabi ng higaan niya.

Tahimik lang akong nakaupo, tinitingnan siya, baka sakaling magising. Baka kapag tiningnan ko siya, imumulat niya ang mga mata niya. Natawa na lang ako sa pinag-iisip ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi pa siya nagising. Walang magbabantay ng bahay kung nandito lang ako lagi. Kailangan ko ding pumasok dahil ilang linggo na lang, last periodical test na namin. Ilang linggo na lang, graduation na namin.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now