CHAPTER EIGHT

7 2 1
                                    

"Monomial, Binomial, Polynomial. Mabubuang na ako!"

Gusto kong gusutin 'tong notebook ni Reese dahil ang pangit na nga ng nakasulat, ang pangit pa ng sulat! Narinig ko naman ang tawa niya. Nagvibrate 'yun sa likod ko kasi nakasandal ang likod namin sa isa't isa.

"Paulit-ulit ka na lang d'yan. Hindi mo ako tularan, nasa Polynomial na." Pagyayabang niya.

"Luh...lakumpake, 'noh!" Pabalang na sagot ko sa kanya. Mas lalo itong tumawa saka sinandig ang ulo sa balikat ko. Naramdaman ko tuloy 'yung pagtama ng tenga namin. Kuh! Pakainin ko siya ng buhok, eh.

"Madali lang naman 'yung Mono at Bi, ah." Sabi niya kaya naramdaman ko ang init ng hininga niya.

"Madali nga lang! Kaso nakakalito." Inuga ko ang balikat ko para asarin siya. "Turuan mo nga ako. Bigyan mo'ko'ng sample."

Gan'on lang ang nangyari buong tanghalian. Hindi na naman sumabay sa amin si Blake. Ang gara talaga 'nung lalaking 'yun. Gusto niya tahimik pero isa naman sa mga maingay kapag kasama. Ang pagkakaiba lang, mas may sense ang sinasabi niya. Lahat ata ng sinasabi niya, may sense. Nahiya naman ang bunganga ni Reese. Makikipag-debate talaga siya kapag alam niyang tama siya. Naglalapag pa nga ng source, eh, para daw sa tinatawag niyang 'reliability'.

"Malapit na'ng Intrams, di'ba?" Tanong ko sa kanya. Tinapik niya pa ang paa kong naka-angat kaya binaba ko ito. Napaisip naman ito. Wala pa namang balita about 'dun. Katatapos nga lang ng Buwan ng Wika, eh, pero alam ko malapit na ang Intramurals.

"Oo, ata. Bakit sasali ka?" Agad akong umiling. Nakaraang taon nga hindi ako sumali, eh, ngayon pa kaya? Mas gusto ko pang mag-lugmok kasama mga notebook ko. "Bakit hindi? Grade 8 ka na, hindi pa kita nakikitang maglaro ng kahit ano."

"Marunong akong maglaro..." Napatingin ako sa kanya. "...ng feelings."

"Mais." Inirapan ko na lang siya. Bakit kasi kailangan niyang makita kung paano ako maglaro? "Kailangan ng attendance 'dun, noh? Mag-ditch kaya ako? Maglalaro ako ng COD sa ComShop." Tiningnan ko siya, iniisip kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Ako, wala naman akong balak um-attend kung hindi kailangan ng attendance. Sana hindi na lang kailangan ng attendance.

"Guys, need daw talaga ng attendance sa Intramurals. Saka may plus point daw 'yun sa PE subject sabi ni Ma'am Farrah."

Nakamot ko na lang ang kilay ko dahil sa inis. Naiinis ako kasi ayokong pumunta kaso may plus daw kapag un-attend. Napatingin ako kay Reese na noon ay mukhang wala namang pake-alam na naglalaro lang ng ballpen. Naramdaman niya atang nakatingin ako kaya napatingin din siya sa akin. Nagkatitigan kami sa mata at mayamaya lang ay sabay na tumawa.

Ngayong year, which is second year, hindi na kami magkatabi. Nasa higher section na din kami which is Acacia. Magkasama pa din kami, syempre. Ewan ko ba kung bakit pinapaburan ng tadhana at langit 'tong demonyong 'to.

Last year, sumabit pa si Reese sa 91 na average. Syempre, si Blake na naman ang top. Ako, mabuti na lang at naka-89 pa. Swerte na rin 'yun, 'no! Atleast hindi mababa sa 85. 'Yung mga kaklase ko, sobrang nalungkot nang makakuha ng 88 pero pansin ko sa mga nakakuha ng 85, masaya sila. Napansin ko din na kadalasan sa mga malungkot ay dahil sa magulang.

Bakit gan'on? Nakaka-disappoint lang na magulang mo mismo ang unang madi-disappoint kapag nakakuha ka ng gan'ong grades. At isa pa, hindi naman bagsak ang gan'ong grades. Tumaas na kasi ang tingin nila sa mga anak nila. Isa 'yun sa pangit kapag naging honor student ka. Dapat hindi ka bumaba sa ranking kasi kapag oo, bababa na agad ang tingin nila sa'yo. Na para bang hindi ka naging honor student dati.

Siguro swertihan na lang sa magulang. O ibaba na lang ng magulang ang standards sa anak nila. Siguro, mababawasan ang mga estudyante na bumababa ang confidence.

HS3: Bestfriend Rule No. 1Where stories live. Discover now